Ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2013, Uunlad!


Paalala: Ang lahat ng nakasaad dito ay ayon lamang sa pagaanalisa ng may akda at ng kanyang mga sinagguni. Ang lahat ng mga suhestiyon at hindi pagsangayon ay maari lamang na ikomento sa ibaba ng post. Maraming salamat!

Ang Poll:

Ang poll na ito ay ukol sa prediksyon ng bawat kabataang Pilipino sa usaping pang-ekonomiya ngayong taong 2013. Ang layunin ng poll na ito ay upang malaman at maanalisa ang pulso ng ilang piling kabataang Pilipino na nagrerepresenta ng mga kabataan ng Pilipinas. (partikular na sa Metro Manila)

 Poll

Pinal na resulta ng botohan

(ang asul na bar ay nagrerepresenta ng porsyento ng mga bumoto)

RESULTA NG BOTOHAN:

Sa gitna ng mga napagdaanang unos ngayong 2012, nanatiling positibo pa rin ang resulta ng botohan at sinabing: Oo, magiging maganda pa rin ang ekonomiya ng Pilipinas! Hindi katakatakang sasabihin ito ng ilang kabataan dahil naging positibo at optimistik ang mga ito. Sa kabilang banda, kakaunti lang ang nagsabing hindi (4.35%). Ilan din sa mga botante ay naging hati ang desisyon kaya naman “siguro” ang kanilang sagot (26.09%). Ngunit, kahit papaano ay meron pa rin silang nasilayan na pag-asa ng pag-unlad ng ating bayan. Kakaunti rin naman ang sumagot ng “Hindi ko alam” (13.04%). Bagamat, ang mga porsiyento ng mga botante at ang total na bilang ng mga boto ay nagpapahiwatig lamang ng pagkakaroon ng interes ng mga kabataan sa usaping pang-ekonomiya.

BAKIT KAYA NAGING GANITO ANG RESULTA?

May ilan akong nakalap at naisip na paktor na nakaaapekto sa pagdedesisyon at pagsagot ng mga botante.

  • Unos at bagyong dumating sa bansa:

Ang ilang mga kabataan ay inisip na dahil ito sa mga bagyo at kalamidad na dumating sa bansa, kaya nagkaroon sila ng pag-asa o nawalan ng pag-asa sa pag-unlad.

  • Mga naririnig na balita:

Higit na nakakaimpluwensya ang midya. Dahil nasa “computer age” na tayo ngayon, mas mabilis ang pagpasa ng impormasyon. At dahil dito, nakaapekto ng mahigit ang mga balita at impormasyon na kanilang nasasagap.

  • Gobyerno at galaw ng tao

Maari rin namang nakakaapekto ang pagkakaroon ng impormasyon sa galaw ng tao laban/pabor sa gobyerno. Nitong nakaraang mga buwan, nagkaroon ng pangmalawakang kilusan laban sa gobyerno na tinatawag na “Noynoying” at “Planking” na ginamit bilang paraan ng pagra-rally laban sa gobyerno. Maaring nakaapekto ang mga ito sa pagdedesisyon ng mga kabataan.

  • Mga batas na ipinatupad noong 2012

Ang kontrobersyal na RH bill at Cyber crime law (isang napatupad, isang hindi) ay maari rin namang maging sanhi ng pagkakaroon pakiramdam ng kawalan o pagkakaroon ng pag-asa sa pag-unlad.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga paktor na nakakaepekto sa mga kabataan sa pagiisip ng kaunlaran ngayong 2013. 

FINAL ANSWER

Sa tingin nyo, magiging maganda ba ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2013?” Oo! Maaring gumanda ang ekonomiya ng Pilipinas! Maaring tama o mali ang prediksyon na ito ngunit humanap ako ng mga dahilan kung bakit maaring umunlad ang Pilipinas.

  • Eleksyon

The momentum in government spending will combine with the upcoming 2013 elections to spur growth,” sinabi ni Florencio Abad. Ibig sabihin lang nito, lalaki ang gastos ng gobyerno na magreresulta ng pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas.

  • Banking and Commerce

Phl leaders, Asia’s best performing bank stocks” isang year ender news na sinulat ni Gatdula sa Business section ng Philippine Star. Dahil sa patuloy na pagangat ng mga bangko at komersyo sa bansa, maaring mas lalo pang gumanda ang ekonomiya ng Pilipinas!

  • Teknolohiya

Dahil sa patuloy na paglago ng teknolohiya sa pilipinas, partikular na ang mga gadgets, maaaring maakit ang mga investors na mag-invest dito sa Pilipinas, at dahil dito, mas lalong lalaki ang income ng pinas! Sa madaling salita, mas maraming investors, mas maraming income sa parte ng gobyerno.

TANONG NA KAILANGAN SAGUTIN:

Bonion

Isang komentor ang nagkomento at nagtanong, “Bakit hindi nararamdaman ang pag-unlad?” (isang matalinong sagot na itinanong ni Liezel Bonion) Noong una, hindi ko talaga alam ang isasagot ko ngunit dahil kailangan kong sagutin, sinagot ko na lamang ng ganito: Gumawa na lamang tayo ng aksyon sa problemang ito ng bayan. Ngunit naisip ko na parehas na tao at gobyerno ang may problema. Ilan sa mga ito ay nasa ibaba:

Sa tao:

  1. Walang pakialam – dahil sa araw araw na buhay, mas iniintindi ng mga tao ang sarili na lamang na buhay na nagreresulta na lamang sa pagkawala ng oras para magbasa o maghanap ng impormasyon tungkol sa ekonomiya ng pilipinas.
  2. Bahala na si Batman” mentality
  3. Emosyonal ang Pinoy – minsan, kapag nasa panahon ng kagipitan, sila’y nagmumuni-muni. At sa tingin ko, masyado na lamang nilang iniintindi ang kanilang kapahamakan imbes na alamin din ang kanilang mga nagawang kasalanan.

Sa Gobyerno:

  1. Mas nagbigay pokus sa investment ng ibang bansa at turismo – na ang may pakinabang lamang ay mayayamang pinoy/chinoy
  2. Puro na lang batas! Wala namang implementasyon! Magulo pa!
  3. Kurakot na gobyerno (hindi naman lahat)

ilan lamang rin ito sa mga kasagutan sa tanong, ngunit ‘pag may naisip kayo, maglagay na lamang ng komento sa ibaba.

SOLUSYON

Kabataan ang pag-asa ng bayan” ika nga ni Gat Jose Rizal, ngunit paano magiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan kung kung wala silang pakialam sa bayan?! Mga kapwa ko kabata, humayo tayo at gumawa ng aksyon para kay Inang Bayan!

MABUHAY ANG KABATAAN NG BAYAN!

Kabuuan ng Poll ay narito sa —> Ekonomiya ng Pilipinas: Uunlad ba ngayong 2013?

Pasasalamat:

Liezel Bonion, Hannah Lois Raquintan, Michelle Nepomuceno, John Mark Sayson, Robert Mico, Yvonne Nuestro, Lizette Eve Marie Ombac, Dennis Osonia, Dianna Ylanan, Danclyde Caballero, Conrado Tumbiga, Levi Alagaban, Cheche Eslava, Rona Mae Gisulga, Rolito Bacalso, Dayanara Carnice, Miguel Alavata

Maraming salamat sa inyo! :)

Bilang pasasalamat, isang artikulo para sa inyo, aking mga mambabasa! I-click ang link na ito

About these ads

One thought on “Ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2013, Uunlad!”

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s