“Katamaran” ng mga Pilipino ayon kay Rizal


tumblr_m8xn1zo26h1qax99wo1_500

Tambay sa kanto, walang ginagawa, inuman sa umaga, inuman sa gabi. Ganito na ba talaga kalala ang mga pinoy? Masasabi ba natin na tamad talaga ang mga Pilipino? Saan kaya nagsimula ang ganitong katamaran ng mga Pilipino? Isa sa ating mga bayanni ang nagbahagi ng kanyang mga pananaw tungkol sa “katamaran ng Pilipino”. May sinasabi bang ugat ang pagiging tamad ng mga Filipino? Alamin natin!

5844250750_7ae67ec289_o
Ang ating kinikilalang bayani ng ating baying si Jose Rizal ay may isinulat na isang artikulong naglalaman ng kontrobersyal na pahayag laban sa mga kastila na sinisisi sa kanila ang pagiging tamad ng mga Filipino, ang Indolence of the Filipinos. Meroong dalawang ipinrisentang ideya si Rizal sa pagsusulat ng Indolence of the Filipinos, unang-una, ang edukasyon o kawalan ng sapat na edukasyon, at pangalawa, ang relihiyon. Sinabi n’ya na ang relihiyon ang isa sa mga dahilan kung bakit tamad ang mga Pilipino. Panahon ng mga Kastila nang papilla ang relihiyong katoliko. Nagturo ang mga espanyol ng bagong pananaw o relihiyon/paniniwala sa mga tinatawag na “Indio”. Dahil rito, Sinabi ni Rizal, ang mga Pilipino ay naging “pala-asa” sa diyos dahil tinuro ng mga kaparian na ang mga inaapi ay pinagpapala at tanging mahihirap lamang ang nakararating ng langit. Maaring ito ay isa sa mga istratehiya ng gobyerno/relihiyon upang tuluyang masakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Naging submissive tayo sa mga Espanyol sa pamamagitan, syempre, ng relihiyon. Marami pang itinuro ang mga pari sa atin tulad na lamang ng mga dasal. Kadalasan, dahil hawak ng kaparian o simbahan ang marami sa mga kolehiyo at Unibersidad, nagtuturo na lamang sila ng mga dasal at nobena sa mga estudyante imbes na turuan ng mga lektura. Naipapakita lamang rito na naging alipin tayo sa isang banyaga sa pamamagitan ng relihiyon.
Dr_Jose_Rizal
Kung ating paguugnayin ang ideyang ito ni Rizal sa kasalukuyang konteksto, talagang naiukit ng husto ang ang kanilang mga paniniwala. Panatisismo. Isa sa mga nakikitang ugali ng Pilipino na naging kultura na rin nang naglaon. Hanggang ngayon, maling-mali pa rin ang relihiyon. Napasailalim tayo sa impluwensya ng simbahan kaya kahit na alam nating hiwalay ang estado sa simbahan, patuloy pa rin nating hinahayaang makisawsaw at utuin tayo ng simbahan. Meroon tayong ilang relihiyon na nakaiimpluwensya pati na sa politika. Kung maka-dilaw ang lider ng simbahan, maka-dilaw na rin pati na ang mga miyembro/mananampalataya (tsk, tsk!) talaga namang hanggang ngayon, ay napapasailalim pa rin tayo ng simbahan na tulad na lamang noong panahon ni Rizal. Di na lamang nakapagtataka kung ang pananaw ng mga Pilipino sa kasaysayan ay paulit-ulit! Hay!

 

Bilang pasasalamat, isang artikulo para sa inyo, aking mga mambabasa! I-click ang link na ito

32 na mga thought (isipan) sa ““Katamaran” ng mga Pilipino ayon kay Rizal”

  1. Tambay sa kanto, walang ginagawa, inuman sa umaga, inuman sa gabi. Ganito na ba talaga kalala ang mga pinoy? Masasabi ba natin na tamad talaga ang mga Pilipino? Saan kaya nagsimula ang ganitong katamaran ng mga Pilipino? Isa sa ating mga bayanni ang nagbahagi ng kanyang mga pananaw tungkol sa “katamaran ng Pilipino”. May sinasabi bang ugat ang pagiging tamad ng mga Filipino? Alamin natin!

    Ang ating kinikilalang bayani ng ating baying si Jose Rizal ay may isinulat na isang artikulong naglalaman ng kontrobersyal na pahayag laban sa mga kastila na sinisisi sa kanila ang pagiging tamad ng mga Filipino, ang Indolence of the Filipinos. Meroong dalawang ipinrisentang ideya si Rizal sa pagsusulat ng Indolence of the Filipinos, unang-una, ang edukasyon o kawalan ng sapat na edukasyon, at pangalawa, ang relihiyon. Sinabi n’ya na ang relihiyon ang isa sa mga dahilan kung bakit tamad ang mga Pilipino. Panahon ng mga Kastila nang papilla ang relihiyong katoliko. Nagturo ang mga espanyol ng bagong pananaw o relihiyon/paniniwala sa mga tinatawag na “Indio”. Dahil rito, Sinabi ni Rizal, ang mga Pilipino ay naging “pala-asa” sa diyos dahil tinuro ng mga kaparian na ang mga inaapi ay pinagpapala at tanging mahihirap lamang ang nakararating ng langit. Maaring ito ay isa sa mga istratehiya ng gobyerno/relihiyon upang tuluyang masakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Naging submissive tayo sa mga Espanyol sa pamamagitan, syempre, ng relihiyon. Marami pang itinuro ang mga pari sa atin tulad na lamang ng mga dasal. Kadalasan, dahil hawak ng kaparian o simbahan ang marami sa mga kolehiyo at Unibersidad, nagtuturo na lamang sila ng mga dasal at nobena sa mga estudyante imbes na turuan ng mga lektura. Naipapakita lamang rito na naging alipin tayo sa isang banyaga sa pamamagitan ng relihiyon.

    Kung ating paguugnayin ang ideyang ito ni Rizal sa kasalukuyang konteksto, talagang naiukit ng husto ang ang kanilang mga paniniwala. Panatisismo. Isa sa mga nakikitang ugali ng Pilipino na naging kultura na rin nang naglaon. Hanggang ngayon, maling-mali pa rin ang relihiyon. Napasailalim tayo sa impluwensya ng simbahan kaya kahit na alam nating hiwalay ang estado sa simbahan, patuloy pa rin nating hinahayaang makisawsaw at utuin tayo ng simbahan. Meroon tayong ilang relihiyon na nakaiimpluwensya pati na sa politika. Kung maka-dilaw ang lider ng simbahan, maka-dilaw na rin pati na ang mga miyembro/mananampalataya (tsk, tsk!) talaga namang hanggang ngayon, ay napapasailalim pa rin tayo ng simbahan na tulad na lamang noong panahon ni Rizal. Di na lamang nakapagtataka kung ang pananaw ng mga Pilipino sa kasaysayan ay paulit-ulit! Hay!

    About these ads
    Like this? Then Share it with your friends!

    1. Nakakalungkot lang na mahigit isang daang taon na ang nakakaraan mula nang sinulat ni Rizal ang artikulo na ito, ngunit imbes na sabihin natin na ito ay hindi na akma sa ating panahon, ay ito pa rin ang ating pinagbabasehan ng ating katamaran. Naniniwala ako na hindi na ito dahil sa relihiyon… ito ay dahil na rin sa kagustuhan ng isang tao na manatili na lamang sa sitwasyon na kinaroroonan nila, dahil sa kawalan ng pag-asa sa buhay at sa marami pang kadahilanan. Naniniwala ako na ang isang tao na naniniwala sa kanyang relihiyon, ay huhugot ng kalakasan at pag-asa mula sa diyos na kanyang pinaniniwalaan upang mapabuti ang kanyang buhay, hindi mapasama.

    1. Meron..magsisimula dapat yan sa sarili natin.pangalawa ang pagbabago sa gobyerno na sana maging role model (sana)..at siempre maging totoong mananampalataya.ang totoong mananampalataya ay alam ang tama at mali at laging positive minded at masayahin at hindi bugnutin at go sa pagbabagong nakakabuti sa lahat…binigyan tayo ng wisdom ni Lord at di tayo ginawang bobo.reminder lang

  2. Pero Hindi dapat sinisisi ang Simbahan kaya din pumunta ang mga Espanyol para ilaganap ang Kristiyanismo sa ating Bansa dahil noon Paganismo pa ang Relihiyon ng ating mga ninuno

  3. Share lang…
    Noong panahon ni Rizal walang dinala ni isang bible ang mga kastila sa Pilipinas.kaya naging mangmang ang mga pilipino sa totoong salita ng Diyos.ngunit si rizal ay nabasa ang bible na nagmula pa sa ibang bansa kaya naging aware sia dito.kaya ang title nobela niang noli me tangere ay nggaling sa bible….malalaman mong hindi tama ang paniniwala ng mga pilipino kapag di nakabase sa bible ang ginagawa ng isang relihiyon.

  4. Dapat dyan simulan mo in action para matupad ang iyong mga pangarap at huwag natin isisi ang relihiyon kung hindi ka nagsuccess sa life mo dahil sa katamaran.hindi kinocontrol nang panginoon ang buhay mo para mag success ka o pagpalain ka, dapat simulan mo sa sariling sikap at tumayo sa sariling paa..

Mag-iwan ng tugon sa Jeanny Burce Pindutin ito para bawiin ang tugon.