k-12

Ano ba talaga ang K+12?


K12-banner_B-301x250

Marami pa rin sa atin ang naguguluhan sa bagong sistemang ito ng edukasyon kahit ngayon ay ipinatutupad na ng pamahalaan. Ano ba talaga ang K-12? Marami sa atin partikular na ng mga magulang ang nagtatanong pa rin kung kani-kanino dahil hindi nila alam kung paano ang bagong sistemang ito. Alamin natin ang mga basikong impormasyon kung paano ba talaga kikilos at gagana ang bagong kurikulum na ito.

Ano ang K-12?

Sa pagpapalit ng bagong presidente (at panibagong Dep Ed secretary), nagbabago-bago ang sistema ng ating edukasyon. Noong si Presidente Arroyo pa lamang, BEC o Basic Education Curriculum ang ating gamit gamit. Ngunit, nang nagsimulang umupo ang bago nating presidenteng Aquino, nagbalak ito na baguhin ang kurikulum sa ating bansa. Ito ay tinawag nyang K+12 o Kinder patungong dalawampung taong basikong edukasyon.

Ano ang layunin ng K+12?

Dahil sa iba’t-iba ang naging presidente natin, iba-iba rin ang hangarin nila para sa iba’t-ibang aspeto ng lipunan. Nagkataong pina-implementa ni P-Noy ang kurikulum na ito dahil ang pangunahin niyang layunin ay ang pagiging “globalisado” ng buong kapuluan. Dahil sa layuning ito, ipinatupad nya ang K+12.

Ang K+12 ay naglalayong ihanda ang mga bata sa “mundo ng pagtatrabaho”. Ibig sabihin, hindi mo na kailangang magaral pa sa kolehiyo para maging propesyonal. Mukhang mganda nga! Marahil mapapaisip ng ganito ang ilang mga mambabasa. Pero, wait! There’s more!

Paano ang sistema ng K+12?

Kapag tinanong kita ng ganito: “Ano ang K-6-4-2?” malamang magkompyut ka pa gamit ang kalkyuleytor mo. Pero mali ka! Hindi ito math problem o kung ano man. Ganito ang sistema ng K+12. K na nangangahulugang Kinder. Hindi tulad ng mga elementary schools dati na tumatanggap ng bata kahit hindi naman nag-kinder, iba na ang sistema ngayon! Ang mga batang papasok ay kailangang may angking kaalaman na sa pagbabasa at pagsusulat. Ang mga kasong ito ay ipinatutupad na ngayon. Ang tawag sa mga paaralang kinder na ito ay “Universal Kindergarten” na naglalayong makatulong sa mga magulang sa pamamagitan ng pampublikong kindergarten. Dito, tinuturuan na silang magbasa at magsulat bilang preparasyon sa elementarya.

Pangalawa ay ang “6” (sa K-6-4-2), katulad ng dati, anim na taon pa rin ang elementarya, ang kaibahan lang ay sa susunod na lebel na meroong apat na taon. Ito ay tinatawag na “Junior Highschool” ito ay mula sa Grades 7-10. Samatalang ang Grades 11-12 naman ay tinatawag na “Senior Highschool”.

ahaha

Postibong pagtingin sa K+12

Para sa iilan, maganda ang K+12 dahil…

  • magiging mas handa ang kabataan sa mundo ng trabaho
  • mas lalong tataas/uunlad ang ekonomiya ng Pilipinas dahil ang kabataang ang magiging pagasa ng bayan.
  • magtatrabaho ang mga ito sa ibang bansa matapos magaral sa ilalim ng K+12 (tsk tsk)
  • mas mature na ang mga kabataan pagdating sa pagdedesisyon

Negatibong pagtingin sa K+12

Dahil sa globalisasyon, maitatatak sa utak ng mga kabataan na:
– mas magandang tangkilikin ang produkto nina Calvin Klein kesa kina Rajo Laurel
– hanggang manwal na trabaho lamang ang mga pinoy
– inferior na lahi lamang tayo dahil sa mga OFWs na lumuluwas ng bansa para maghugas lamang ng pwet ng mga Aussie.

Siguro nga maganda ang K+12 sa mga dayuhan, pero para sa ating mga Pinoy? Paano tayo kung puro lamang dayuhan ang iniintindi natin? Bakit turismo imbes na mismong mga Pilipino ang iniisip ni Ka-Trapo? Hindi ko tinututulan ang bagong kurikulum, ang tanging pansin ko lang sa dito ay puro pakikiangkop lamang ito sa iba’t-ibang mga bansa.  Pakikipagsabayan sa maraming mga “First-world Countries” Ano ‘to? Tayo ang dapat na mag-adjust para sa kanila? Utang na loob!

Dati, sa panahon ng mga kastila, ipinaglaban natin ang edukasyong walang bahid ng kolonyal na pagiisip. Maraming namatay upang makamit lamang ang edukasyong gusto natin. Pero bakit ngayon, parang mismong Pinoy pa ata ang nato-tolerate sa kolonyal na edukasyong ito. Baliktad na talaga ang mundo ngayon.

Bilang pasasalamat, isang artikulo para sa inyo, aking mga mambabasa! I-click ang link na ito

About these ads

26 thoughts on “Ano ba talaga ang K+12?”

  1. Tama dapat this time isipin din natin ang ating bansa wag yung ibang bansa lang kasi tayo din ang kawawa….masyado nang matagal ang oras ng mga kabataan ngayon bago makatapos sa pag aaral…tatanda sila sa pag aaral

    1. Isa pa, hindi naman talaga yan pangmatagalang solusyon sa ating problema at hindi yan ang solusyon. Maraming mga bansa ang nagbibigay ng edukasyon ng mas mababa pa sa edukasyon natin dati. Hindi solusyon ang K-12

  2. ….masyado nang matagal ang oras ng mga kabataan ngayon bago makatapos sa pag aaral…tatanda sila sa pag aaral…anong klaseng trabaho naman kya ang maibibigay sa knila ng gobyerno…??kung halimbawa hindi sla nakatuntong sa kolehiyo?

  3. okay naman ang k-12 na panibag0ng pr0grama ng g0byern0, ngunit ung mga nka pag aral nga ng k0lehiyo ay d nga nkapag hanap ng magandang trabaho,panu nlang kaya ang mga studyanting seni0r highskul lang???

  4. suportahan na lng ntin ang atng pangulo……..
    kc gnawa niya ito pra sa ikabubuti rn ng atng economiya!
    at para rn satin ito,maaaprubahan na ang atng pagtratrabaho sa abroad na nangangailangan ng dagdag na pag-aaral…..
    TAYO RIN ANG MAKIKINABANG JN:):)

    1. Maraming salamat sa pagkomento, Jeslee. Oo nga’t tayo ang makikinabang sa hangaring iyan ng pangulo. Pero di ba natin na sa bandang huli ay tayo pa rin ang dehado? Hindi ba natin iniisip ang kapakanan ng ating bayan? Hindi naman talaga sa bayan napupunta ang ating mga pinaghirapan kundi para sa mga dayuhang bansa. Nagtatrabaho tauo sa kanila, nakikinabang sila, paano ang bayan natin? Siguro kailangan din nating pag-isipan ito ng mabuti. Muli, salamat sa pagkomento at maraming salamat sa pagbisita.

  5. i think curiculum ng senor high school e png college ndn po cguro. so hndi n po cguro tau dehado don, ms umikli nga e, imagine kming mga college graduate, mag aaply kmi ng work, kalaban namin mga senor high school graduate lng? tska mdami namn sating my gustong mangibng bansa i think. so i agree with k-12

    1. Haha, okay. Alam ko ang punto mo. Maganda nga sana ang K+12 ngunit ang pinoproduce nito ay hindi maganda dahil mayroon na silang kaisipang kolonyal na iniisip na mabuti pang mangibang bansa kaysa gamitin ang kakayahan upang mapaunlad ang sarili nating bayan. Isa pa, hindi naman sa pang-college na ang tinuturo sa senior high school kundi mga manual-labor o vocational courses.

  6. same as usual, may disadvantages at advantages…isa sa mga nakikita kng disadvantages dito ay ang dagdag na maraming gawain pra sa mga guro pero ‘yong sahod ay d nadagdagan kahit konti mn lang.

  7. tama po ang opinion mo Jeany Burse….may tanong lang ako yung dating (BEC) halimbawa yung high school lang ang tinapos at tumigil muna para makaipon sa martikula sa kolehiyo at iba pang kadahilanan at pagkatapos ay naabutan sila sa k 12 program,makakapag enrol pa ba sila sa dating sistema sa kolehiyo?

    1. Opo, graduate na po kayo ng highschool diba? Opo, maari pa po, sa katunayan wala pang mga graduates ang K-12 dahil bago pa lamang ibig sabihin lahat ng tinatanggap ng mga kolehiyo ngayon ay mula sa BEC pa na dati nating kurikulum.

  8. Para sa akin ang K+2 ay mainam lng sa mga mahuhusay na estudyante,eh paano yung mahihinang estudayante? Na kahit paabutin pa ng kgit hanggang grade 18 ang high skul eh kung wla tlga sa loob nila ang pag aaral eh wla din clang babaunin sa pagtatapos..tama si jeanny tinuturuan clang magkaroon ng kaisapan kolonyal..halimbawa nlng sa isang subejct nilang chinese mandarin. aba’y aanhin mo dito sa bansa ntin yan? malamang eh mgagamit eka nila yung wikang iyan sa china pag cla ay nagtrabaho dun..
    Isa sa mga dahilan ng kung bakit hindi umunlad ang pilipinas ay dhil sa hindi ntin pagtangkilik sa sarili nating wika at mga produktong pinoy! wlang disiplina at hindi marunong sumunod sa batas ang karamihan satin..kung lahat ng iyan ay gagawin ng bwat isang pinoy eh malamang sa kapantay na cguro ntin ang japan! ang japan ksi isa sa mga dhilan kung bukit umunlad ay dhil sa pagmamahal nila sa sarili nilang wik at produkto..hindi nila tinangkilik ang wikang inglis nuon,nagun na lamang nila pinapapasok ang wikang inglis nung maunlad na cla. K+12 pahirap sa mga magulang. HIndi lahat makikinanabang dito.

    1. Tama ka diyan kapatid! Lubos akong sumasangayon sa mga sinabi mo! Maganda sana ang kurikulum at nilalaman ng ilang mga asignatura ng K+12 tulad ng sa Araling Panlipunan ngunit hindi maganda ang layunin ng buong kurikulum. Tila isang produkto na ang tingin ng gobyerno sa mga Pilipino kaya ganun na lamang silang manghikayat na magtrabaho sa ibang bansa.

  9. yay hindi ko talaga gusto yang patakarang k-12 super kung KABAtaan ang pag asa nang bayan paano nman ang mga mahihirap tulad namin matagal n kami mg aral sa highschool tapos ang gasto ng aming mga magulang buti makayanan pa hayahay

  10. napapakamot ako nangyayari sa bansa natin, sa mga magtatapos sana sa k+12 na yan ay may mapapasukan agad na trabaho d2, ang problema kasi sa bansa natin mapili din kumbaga mag apply ka sa kompanya nila college level parin ang hanap ng karamihan, paano na ung mga nagtapos ng K+12? sa hirap ba naman ng paghahanap ng trabaho sa bansa natin napipilitan mag abroad ang mga kababayan natin

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s