JR Lopez Gonzales salutes to the Philippine Flag

Araw ng Kalayaan: Ang Kwento ng Inang Bayan at ng Kalayaan


June 12, 1898, idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng ating bansa mula sa mapang-aping Espanya. Ginawa nila ito upang makilala ng mga bansang kalapit ang pagiging malaya ng Pilipinas. Ngunit bago ang lahat nang ito, maraming pinagdaanan si Inang Bayan at ang kanyang mga anak. Sa mga teleserye, pelikula, teatro, libro, at iba pang kwento ay mayroong bida, kontra-bida at mithiin ng bida. Katulad ng ating Inang bayan, mayroon ring mga humadlang sa kanyang mithiing makalaya at makabalik sa pagsasarili kasama ng kanyang mga anak.

Nagsimula ang kwento nang may dumating sa tahanan ng Inang bayan at nag-alok ng kasaganaan at pagkakaibigan. Dahil sa maamong pakikiusap at pagkakaibigan ng taong ito, naengganyo s’ya at nakipagkaibigan. Sa una’y naging mabait ang bagong mga kaibigan ng ating bida, ngunit, nang nagtagal, naapi s’ya kasama na ng kanyang mga anak. Naging malupit ang mga “kaibigang” ito ni Inang bayan at patuloy na inapi ang kanyang mga anak at ginipit sa pamamagitan ng mga batas tulad ng sapilitang paggawa at mga buwis na hindi naman makatarungan. Walang ibang nagawa si Inang bayan kundi, umiyak lamang at magsisi.

Marami sa kanyang mga anak ang nagreklamo at umaksyon laban sa kanilang mga kaaway. Ngunit, walang ibang nagawa ang mga ito kundi mamatay na lamang para sa kanilang ina. Ngunit, isang araw, aksidenteng nahuli ang tatlo sa mga anak ni ina at naging dahilan upang mas mag-apoy pa ang damdaming mapaghiganti ng mga anak na naapi. Namatay ang tatlong ito sa pamamagitan ng pagsintensya dito ng kamatayan. Nang dahil dito, mas lalong umigting ang pagnanais ng mga anak ni Inang bayan upang magpumiglas laban sa mga dayuhan. Umusbong ang mga repormista at mga rebolusyonaryo. Umusbong ang biswal na sining pati na rin ang panitikan ng bansa. Naging edukado ang mga anak ni Inang bayan, at dahil dito, naging mapanuri sila at tuluyan nang nag-alsa laban sa mga mang-aapi. Nagtagumpay ang ating mga bayani sa pagligtas at pagbalik ng kalayaan sa ating Inang bayan. Nagtatag sila ng sariling pamahalaan at namahala ang tunay na mga anak ng bayan.

Hindi naging madali ito para sa ina at anak. Nagbuwis ang ina ng luha at pawis, at nag-alay naman ng buhay ang mga anak. Kung kaya naman noong may sumakop muli at nag-alay ng pakikipagkaibigan at yaman ang ibang dayuhan, ipinaglaban ito ng ating mga kapatid at anak ng Inang bayan.

Sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan ng ating Ina at ng ating mga kapatid… sa kabila ng pagaalay ng kanilang sariling dugo’t buhay, kailangan nating panatilihin ang ipinaglaban ng ating mga bayani at kapatid– Ang kalayaan. Hindi lamang basta nakukuha kung saan-saan ang kalayaan, ito’y pinaglalaban. Panatilihin natin ang pinakamahalagang bagay na ito sa ating mga kamay at hindi masasayang ang paghihirap ng ating mga kuya, ate, at Ina.

JR Lopez Gonzales salutes to the Philippine Flag

 

About these ads

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s