SONA na naman! Lumipas na naman ang isang taong termino ng ating pinakamamahal ng pangulong P-Noy. Lumipas na naman ang isang taon at naka-survive ang ating mga mahihirap na kababayan. Lumipas ang isang taon, e, ano’ng nangyari? May pagbabago ba kahit kaunti? Natupad ba ang mga pangakong ipinangako ng pangulo isang taon na ang nakararaan o, uulit-ulitin na lamang n’ya ang pagpapangako sa atin ngayon darating na SONA?
Alam kong napakalaking isyu ngayon ang trabaho. Maraming nagsasabi na hindi pa rin sapat ang trabaho dito sa Pilipinas. Ngunit, depensa ng gobyerno, marami at sapat ang trabaho. Ang kulang lamang ay mga taong magtatatrabaho sa ganitong uri ng trabaho na kailangan ng industriya. Tinawag ng mga eksperto na “job mismatch” ang pangunahing problema. Ngunit, hindi ito ang pangunahing ideya at paksa ng artikulong ito. Dahil nalalapit na ang SONA ng pangulo. itetyempo at isesentro ko ang paksa sa dalawang bagay– ang SONA ng pangulo at tunguhin n’yang magkatrabaho ang mayoridad o karamihang Pilipino.
Mula pa noong mailuklok si P-Noy sa pagkapresidente, ang tanging layunin lamang ng ating pangulo ang pagkakaroon ng trabaho ng ating mga kababayan. Ito raw, sa kanyang tingin, ang pangunahing solusyon sa lumalalang kahirapan sa ating bansa. Tama naman ang katwiran ni P-noy. Pero ang tangi at nagiisang katanunga ay Paano? Sa loob ba ng halos apat na taong pamumuno nito, natugunan ba o at least, naabot ba nila ang target? Malamang oo, malamang hindi.
Sa aking pansariling opinyon, naabot naman ni P-Noy ang target, pero isa na namang katanungan ang umusbong, may kalidad ba? O, ito ba ay “for good” na, o forever? Kontraktwalisasyon ang ginagawa ng ating pamahalaan, Ibig sabihin, pang-temporarya lamang ito at hindi naman nagtatagal. Ibig sabihin, mababa lamang ang kalidad ng trabahong iniaalok ng gobyerno. Palibhasa, pabor rin ito sa mga kumpanya. Oo, may sapat na trabaho pero hindi naman pangmatagalan at matapos ang anim na buwan, nakatengga na naman ang mga kawawa nating kababayan sa kani-kanilang mga tahanan.
Dahil sa kawalan ng trabaho, magiging desperado ang mga ito upang matugunan lamang ang pangangailangan ng mga ito. At, ano ang kanilang maiisip? Isang simple at instant pa sa instant mami– ang pagsusugal, legal man o ilegal.
Isa sa mga “indicators” (ayon sa isang palabas sa telebisyon) ng pagbaba ng employment ay ang lumalaking populasyon ng lotto outlets, e-bingo sa mga malls, arcades, at bingguhan sa baranggay. Maski sa mga TV shows na nagaalok ng instant fame and fortune. Paanong nagiging indicator ang sugal? Isipin n’yo na lang ang mga mamamayang walang makuhang trabaho. Nakikipagsapalaran sila sa pagtaya ng lotto at mga TV shows upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Kung ikaw ba naman na unemployed na walang mahanap na trabaho at pagkain, makikipagsapalaran ka talaga sa mga instant.
Ayon sa isang show, tumaas ang bilang ng mga sugalan, ilegal man o ilegal simula nang maupo si P-Noy sa pagkapresidente. Ipinakikita rin sa datos na mas maliit ang bilang nito noong si PGMA pa lamang ang nakaupo sa pwesto.
Ano’ng ibig sabihin ng mga datos na ito? Nagtagumpay ba si PNoy sa kanyang adbokasiya/plataporma o hindi? Alam kong marami pa at iba-iba ang idicators, pero, isa itong senyales na pumalya aat nagtagumpay ang apat na taon ng pangulo. Nagtagumpay, dahil sa numero at istatistikong ipinrisenta ng mga dayuhan sa pagtaas at paglago ng ekonomiya ng bansa. Ngunit, sa kabilang banda, temporaryo lamang ito at hindi kongkreto. Mismong mga mamamaya ang hindi man lamang makaramdam ng “pag-unlad”. Tanging dayuhan lamang at mga kapitalista ang nakadarama ng pagunlad ng bansang Pilipinas. Naitanong ko tuloy sa sarili ko, sa Pilipino pa ba itong Pilipinas o may nakabili na?
Isa itong hamon sa SONA at mismong administrasyong P-Noy. Apat na taon na simula nong mailuklok natin ang pangulo. Ngunit, sana naman, mapanindigan n’ya ang bawat salitang mamumutawi sa kanyang mga bibig na may kalidad at kakongkretuhan. Sana sa susunod na SONA, hindi na puro pangako ang banggit ni Noynoy kundi puro katotohanan at kapakipakinabang na pagtupad na sa pangakong dala n’ya apat na taon na ang nakakaraan. Sana.