Asia’s natural resources getting strained by development ni Mayvelin U. Carballo

Sipi para sa mag-aaral ng Araling Panlipunan Grade 7 – Araling Asyano:

Note: Ang sumusunod na artikulo ay hindi sa akin.

Asia Pacific countries must maintain their natural capital such as forests, biodiversity, freshwater, and coastal and marine ecosystems to achieve a green economy, according to a joint report by the Asian Development Bank(ADB) and Worldwide Fund for Nature (WWF).

The report entitled “Ecological Footprint and Investment in Natural Capital in Asia and the Pacific” said that the Asia Pacific region is consuming more resources than its ecosystems can sustain, threatening the future of the region’s beleaguered forests, rivers, and oceans as well as the livelihoods of those who depend on them. In the past two decades, the report noted that the state of ecosystems in the region has been declining because of the activities such as conversion of primary forests to agricultural land or monoculture plantations; extensive coastal developments and unsustainable exploitation of marine resources; and conversion of freshwater ecosystem for agricultural use. The joint ADB-WWF study, looks in more detail at the state of ecosystems in Asia-Pacific and what can be done to sustain them. It focuses on ways of preserving key large-scale regional ecosystems, including the forests of Borneo, the marine wealth of the Coral Triangle, the Mekong region’s diverse habitats, and the mountainous Eastern Himalayas.These areas contain some of the region’s most important natural resources on which millions of people depend for their sustenance and development. Nessim Ahmad, ADB director for Environment and Safeguards, said that major ecosystems such as the Coral Triangle and the heart of the Borneo rainforest are vital to the future of Asia-Pacific.”We need large-scale programmatic efforts based on regional cooperation and local level action to make sure they are sustained for future generations,” Ahmad added.

Per capita drops

Moreover, the report explained that by 2008, the per capita natural resources in these regional ecosystems had shrunk by about two-thirds compared to 1970. Despite the rich natural capital in the region, the report noted that bio-diversity is in decline in all types of ecosystems, with the rate of species loss about twice the global average. The report used the Living Planet Index — one of the more widely used indicators for tracking the state of biodiversity around the world — to measure changes in the health of ecosystems across the Asia-Pacific. The global index fell by about 30 percent between 1970 and 2008, while the Indo-Pacific region shows an even greater decline of 64 per-cent in key populations of species during the same period. Across the region, the gap between the ecological footprint, or human demand for natural resources, and the environment’s ability to replenish those resources is widening, it added. The report also said that the challenge for countries of Asia Pacific is to manage their natural sustainability, so that they maintain ecosystems services such as food, water, timber, pollination of crops and absorption of human waste products like carbon dioxide, to attain long-term development.

“We need to create mechanisms that make protecting our resources the right economic choice for the communities that use and depend on them,” said WWF Director General Jim Leape. Investing in the region’s resources pays. It is estimated that every dollar spent on conservation efforts would yield an economic and social value of ecosystems worth over $100, it added. On the other hand, ADB said that it places environmentally sustainable growth at the core of its work to help reduce poverty in the region. It approved a record 59 projects supporting environmental sustainability in 2011, which amounted to about $7 billion in financing.

10,000 Hours Humakot ng Awards!

Sa wakas! May resulta na (at sa wakas naisipan kong i-post) Heto na ang mga Panalo.

  • New Wave Student Short Film Special Jury Prize: #NoFilter, Mapua Institute of Technology
  • New Wave Short Film Best Picture: Ang Paglisan
  • Best Float Award: Boy Golden
  • Youth Choice Award: Pagpag
  • Best New Wave Film: Dukit by Armando Lao
  • Animation Jury Prize: Ang Lalong ni Kulakog
  • Animation Best Picture: Kaleh and Mbaki
  • Best New Wave Film Director: Armando Lao for Dukit
  • New Wave Best Actress: Agot Isidro
  • New Wave Best Actor: Bor Ocampo, Willy Layug, Bambalito Lacap for Dukit
  • New Wave Special Jury Prize: Mga Anino ng Kahapon
  • New Wave Best Picture: Dukit
  • Best Child Performer: Ryzza Mae Dizon, My Little Bossings
  • Best Festival Sound Recording: 10,000 Hours
  • Best Musical Score: 10,000 Hours
  • Best Original Theme Song: My Little Bossings
  • Best Makeup: Pagpag
  • Best Visual Effects: 10,000 Hours Best
  • Production Design: 10,000 Hours
  • Best Editing: 10,000 Hours
  • Best Cinematography: 10,000 Hours
  • Gender Sensitive Award – New Wave Student Category: Hintayin mo sa Seq. 24
  • Gender Sensitive Award Main Category: Girl, Boy, Bakla, Tomboy
  • Gender Sensitive Award – New Wave: Island Dreams
  • Special Recognition Award: Ronnie Ricketts
  • FPJ Memorial Award for Film Excellence: 10,000 Hours
  • Mavshack Male Star of the Night: Daniel Padilla, Pagpag
  • Mavshack Female Star of the Night: Eugene Domingo, Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel
  • Best Original Story: 10,000 Hours
  • Best Screenplay: 10,000 Hours
  • Best Director: Joyce Bernal, 10,000 Hours
  • Best Supporting Actor: Pen Medina, 10,000 Hours
  • Best Supporting Actress, Aiza Seguerra, My Little Bossings
  • Gat Puno Antonio Villegas Cultural Award: 10,000 Hours
  • 3rd Best Picture: My Little Bossings
  • 2nd Best Picture: Girl, Boy, Bakla. Tomboy
  • Best Picture: 10,000 Hours
  • Best Actor: Robin Padilla, 10,000 Hours
  • Best Actress: Maricel Soriano, Girl, Boy, Bakla, Tomboy
    (mula sa Rappler.com)


Maraming nakuhang awards ang 10,000 hoursAno kaya ang implikasyon nito? Tingnan natin sa post na ito!

Paskong Pinoy: Mga Negosyante, Mamimili at ang Kapaskuhan

Ika-24 ng Disyembre, taong 2013. Pasko na nga. Ganap na ika-pito na ng gabi at kakakain ko lamang ng hapunan. Busog na busog na ako. Kahit dalawa lamang ang handa na inihanda namin sa aming tahanan, ayon at napakarami ng pagkain sa hapag-kainan. Ganoon talaga ang mga Pilipino, nagbibigayan ng kung anu-ano kung may okasyon at pagdiriwang.

Sa aking silid-aralan, narito ako’t nagsusulat at nagsusunog ng ilang mga ugat sa utak upang hasain at pandayin. Naririnig ko mula sa aking mga senstibong tainga ang hagik-gikan ng mga bata sa kalye, gayundin ang mga putok ng mga paputok kasabay ng pagdaan ng isang eroplano na madulas na lumilipad sa himpapawid. Sa bandang kanan naman ay naririnig ko ang kalansing mga pangkusinang kagamitan at tagaktak ng tubig mula sa gripo. Hindi rin naman mawawala ang ingay mula sa mga stereo at telebisyon ng aming mga kapit-bahay. Imposible ring mawala ang ingay ng mga bidyoke mula sa maiingay ngunit masasayang tinig ng aming kapitbahay. Sa kabila ng mga ingay na ito na hindi maiiwasan sa panahon ng kapaskuhan, naitanong ko sa aking sarili, ano ang silbi ng kapaskuhan kung ang kasunod na senaryo ay ang muling pagharap sa panibago ngunit kaparehas na tabas ng mga araw? Hindi kaya ito’y porma lamang ng eskapismo ng mga ordinaryong tao? O ‘di kaya’y isang porma ng eskapismo ng mga nagsisimulang negosyante na matapos ang araw ng pasko e, back to normal sa dating kita na paila-ilang daang piso lamang?

1353614458-cocacola-christmas-truck-tour-comes-to-stockton_1622326

Marami ang nagsasabi na ang pasko ay para lamang sa mga tusong negosyante. Bumibili ang mga tao ng mga bagay na hindi naman kinakailangan at dahil sa kadahilanang “pasko naman” nasasabi nilang kinakailangan ang mga ito. S’ya naman ang tuwa ng mga negosyante. Sabi nga ng isang kotasyon, christmas is for the capitalists. Ngunit ‘di na natin naiisip na hindi lang mga kapitalista ang nakikinabang kundi pati tayong mga ordinaryong tao (‘di nga lamang natin nasasabi kung sino ang mas nakakalamang). Kumbaga give and take lamang ito. Kapitalista man o konsyumer ay nakikinabang rin. Masakit mang isipin ngunit ang pasko ay eskapismo lamang nating lahat. Hindi sa sinasabi kong negatibo ang tingin ko sa pasko, ngunit ang ibig ko lamang na sabihin ay iba (sa negatibong paraan) ang ating pagtingin sa kapaskuhan. Ginagawa natin ang pasko bilang isang pagdiriwanng na nangangailangan ng magarbong piging. Magarbong piging na minsan ay hindi natin nakikita ang dahilan ng piging kundi ang piging lamang mismo. Kumbaga, sa isang “concert for a cause” hindi natin iniintindi ang cause ng concert kundi ang concert na lamang mismo. Hindi n’yo talaga ako masisisi kung ganito na lamang ang tingin ko sa pasko dahil iyon ang tingin n’yo sa pasko.

Natauhan ako sa aking iniisip nang marinig ko ang aking telepono na tumunog– si nanay, nagsasabing maligayang pasko. Ibinaba ko ang telepono at tiningnan ang ilang mensahe mula sa mga kaibigan– maligayang pasko raw. Muli akong nag-isip ng aking isusulat. Patlang. Tumayo ako’t naramdaman ang bigat ng aking tiyan. Kinuha ko ang isang aklat na binili ko para sa aking sarili noong isang araw. Tumungo sa silid ng kaginhawaan, umupo at nagbasa. Sabi ko na nga ba’t dito lang tutungo ang pinaghirapan naming haluin at hanguin.

Tula kay Oryang: Liwanag

Sa masukal na kagubatan,
maging sa matayog na kabundukan.
Patuloy ang pagningas,
ng pag-asang kay ilap madanas

O, mahal kong Andres, saan ka nagtungo?
Sa kagubata’y lahat ay tinungo.
Sa kabunduka’y sinubukang tukuyin.
Ngunit, mahal kong Andres, kay hirap mong tuntunin.

Lumubog ang araw, kumagat ang dilim,
patuloy na naghukay at naghanap.
‘Di naubusan ni isang andap.
Ningas ng pag-ibig, ni minsa’y ‘di nanimdim.

O, Andres, Andres kong mahal,
sadyang kay ilap ng katarungan.
Ibinaba ang patpat, luha’y umagos nang kay tagal.
Walang magawa kundi tumangis sa kasawian.

Sa aking pag-uwi, muli kong nadatnan,
naramdaman at nahawakan.
Malimutan man ay ‘di ko nanaisin
ang huli mong pasabing kay sinsin,

“Oryang, aking pag-ibig, aking mahal,
‘wag mong isiping ako’y lumisang matagal,
ni araw ma’y ‘wag mong isiping ‘di na maaninag.
Dahil ang isa’t-isa ang tangi nating liwanag.”

Mga Kabalintunaan ng Buhay: Ipinanganak Upang Mamatay

Ang hangaring makapasa sa pagsusulit kinabukasan, ang hangaring makapasa sa mga mabibigat na asignatura, ang hangaring makapagtapos ng pag-aaral, hangaring magkaroon ng tiyak at marangal na trabaho, hangaring mapasagot ang iniirog, ang hangaring magkaanak, hangaring magkarooon ng maayos at masaganang kinabukasan para sa pamilya, at ang hangaring matupad ang lahat ng hangarin sa buhay na puno ng hangarin ay mauuwi lamang sa iisang pangkaraniwan at natural na katapusan– ang kamatayan. Mahirap mang tanggapin ang katotohanan, totoo ngang ipinanganak ang tao upang mamatay. Para tayong isang pinalagong marupok na halaman, pinalaki at pinaghirapang patubuin ngunit sa huli’y matutuyo ang dahon, at unti-unting babagsak hangga’t malamon na ng masaganang lupa ang organik na halaman.

Kabalintunaan nga kung masasabi. Kahapon pa’y naririyan ang ating mga mahal sa buhay. Nakakasama at nakakadaupang-palad pa nga, ngunit sa isang iglap ay parang bulang maglalaho at lilisan. Walang tao o bagay ang hindi lumilisan at yumayao. Subalit, sa kabila ng masalimuot na kabalintunaan ng buhay, bakit may iilan pa rin ang nakaiintindi at nakatatanggap ng kabalintunaang ito?

Hindi nga lamang tayo dapat na “lumalagi” o “tumitira” lamang sa mundong ito upang masabing tayo nga ay tunay na “nabuhay” kundi dapat rin nating alamin na dapat na BUHAY tayo at kumikilos.

Kung titingnan natin ang literal na kahulugan ng “buhay” sa konsepto ng Pilipino, hindi lamang ito simpleng panggalan (noun) na tumutukoy sa panlabas na anyo ng pagiging BUHAY (living) kundi ito’y may mas malaliman pang depinisyon ng buhay kung saan aktibong gumagawa at kumikilos (action).

Sa pagitan ng pagkapanganak at pagkamatay, may isang mahalagang elemento ang pumapaimbulog at lumilitaw na s’ya dapat nating isa-alang-alang sa ganap na pagkaBUHAY– ang oras. Maikli man o mahaba ang oras, hindi natin maipagkakaila na habang naririyan ang oras, dito lumilitaw ang realisasyon na ikaw ay nabubuhay. At upang ganap na mabuhay ay dapat nating gamitin ang oras at tiempong ito na ibinigay sa atin ng buhay. Kumbaga sa linggwahe ng isang ganap na Pilipino, diskarte na ng buhay (alive) na taong may buhay kung paano isasakatuparan at isasakaganapan ang pagiging buhay. Diskarte mo iyan kung gagawin mo bang makabuluhan o walang silbi ang iyong “pagpapaka-buhay” (being alive).

S’ya nga! Iba nga talaga ang kahulugan ng katagang “ipinanganak upang mamatay”. Tila sinasabi rito na ikaw ay ipinanganak lamang at hindi nagdebelop bilang isang ganap na tao, pasibo at walang anumang ginagawa. Ngunit, sa kabilang banda, kung ating pasusubalian ang katagang ito, mas makatarungan sigurong sabihing nabuhay ka upang mamatay. Sa mga katagang ito, may isang positibong konotasyon na nagbibigay ng kahulugan na may ginawa ka habang nabubuhay. Tila ba nagbibigay ito ng satispaksyon at kagaanan ng loob na mamatay ng may ginawa at napatunayang naBUHAY ka ngang talaga.

Ikaw bilang isang tao, anong diskarte ang iyong pipiliin? Ipinanganak upang mamatay, o nabuhay upang mamatay? Sa iyong diskarte nakasalalay ang iyong pagpapakaBUHAY bilang isang taong may buhay.

Dugo sa Gulok (Tula kay Andres Bonifacio)

Musmos pa ay ginapos,
ng dayuhang mapagsamantala.
Sinubukang kumawala,
natagpua’y dugo ng kalayaang kapos.

Nagpumiglas at kumawala,
dumanak ang dugong pula.
Labnaw ng damdamin sa dayuhan,
s’yang lapot ng alab sa sariling bayan.

O,tangi kong inang,
walang hihigit pang damdamin,
kundi ang pag-ibig sa tinubuang bayan.
Mamatay man ay sa iyo lamang.

Ngunit sa huling oras,
Bakit ang aking mga kapatid pa?
Dugo’y pumilandit,
sa palad ng aking mga kapatid.

Nilabas ang bakal na itak,
na dapat ay sa dayuhan itarak.
Hinataw ang katawan kong hapo’t nanginginig,
kasabay nito’y habang buhay na pagkawala ng tinig.

image

Pilosopiya: Kagamitan Upang Maintindihan ang Kasaysayan?

Maaring maging isang napakalaking factor ang pilosopiya sa kung ano ang nasa likod ng mga kaganapan sa kasaysayan, at paano natin titingnan ang mga ito. Sa madaling salita, ang papel na ito ay magpapaliwanag kung paano natin pwedeng i-interpret ang kasaysayan sa pamamagitan ng pilosopiya.
Note: Sariling pananaw ko lamang ang mga nakasulat dito.

Magsimula tayo sa umpisa:


Sa kronohikal na pagkakasunod-sunod ng ating kasaysayan (mundo), magsisimula muna ito sa Ancient History, patungong Medieval, Industrial Revolution, Kolonyalismo hanggang sa kontemporaryong mundo (bago at matapos ang mga gera). Lahat ng kaganapang ito sa kasaysayan ay ikinabit ko sa pilosopiya ng dalawang magkabilang dako bilang isang salik sa mga aksyon at ikinikilos ng mga ito.

       Ancient World:
Sa kumbensyunal na pagtuturo ng kasaysayan, nauna at namayagpag sa kasaysayan ang mga asyano bilang unang taong umunlad at nagkaroon ng sibilisayson sa mundo. Nakita natin dito ang pagyabong ng kultura sa pamamagitan ng iba’t-ibang art forms tulad ng biswal at literal na sining. At makikitang lumago ang kanilang sibilisasyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga komunidad o pamayanan at mga tribal groups. Nagkaroon ng mga relihiyon at iba’t-ibang paniniwala na ikinokonsidera natin ngayong mga pilosopiya ng silangan.

Masasabi nating dito na pumapasok ang ideolohiyang asyano sa pamamagitan ng pagtingin nila “collectively.” Naging kalakasan nila ito kaya sila umunlad at lumago bilang isang sibilisadong pamayanan. Ngunit, sa pagdaan ng mga taon, naging kahinaan nila ito (tatalakayin mamaya).

Kolonyalismo:

Sa kabilang dako naman ng daigdig, unti-unting umaangat ang isa na namang sibilisasyon — ang Europa. Nagawa nilang paunlarin ang sarili nilang lugar sa kabila ng kakulangan ng resources. Ngunit, hindi rin nagtagal, dahil sa patuloy na imbensyon ng mga makabagong teknolohiya at pagdami ng populasyon, unti-unti na silang nangangailangan ng mapagkukunang yaman. Dahil dito, naghanap sila ng paraan upang masustentuhan ang kanilang pangangailangan. Nakipagkalakaran sila sa bandang silangan ng mundo kung saan mayaman ang mga likas na yaman. Ngunit, sa panahon ring ito, lumitaw ang mga taong naghahanap ng mga raw materials para sa kanilang pansariling kapakanan. Nakipagkumpitensya sila sa ibang bansa sa pagkuha ng mga ito at sa bandang huli, naglakas ng loob na manakop ng ibang bansa– partikular ang mga asyanong bansa.

Dito na rin pumasok ang western ideology na “individualism” o pagkakanya-kanya. Para sa akin, kompetisyon sa isa’t-isa para sa survival ang nag-udyok sa mga ito kung bakit sila naging ka-agresibo sa teritoryo. Geographically, kakaunti lamang ang kanilang mga likas na yaman na mapagkukunan ng mga raw materials, kaya naman sila naghahanap ng panibagong mapagkukunan.

Sa kabilang banda, kaya ko lamang nasabi kanina na naging kahinaan ng silangan ang kanilang ideolohiya at dahil naging kuntento na sila sa paligid na merron sila. Hindi nila alam ang salitang “kompetisyon” sapagkat, hindi nila kailangan noon dahil sa dami ng kanilang likas na yaman. At marahil dito, naging madaling sakupin ang bansa sa asya.

Pakikipaglaban laban sa mga kalaban (Dayuhan)

Simula pa lamang ng 20th Century, naramdaman na sa iba’t-ibang panig ng asya ang init ng paglaban ng mga asyano sa mga kolonyalistang dayuhan. Kung atin muling iuugnay ito sa ideyang kolektibismo ng asya, muli, naging sandata nila ito upang makabangon at makatayo laban sa mangaapi. Nagkaroon ng kolektibong grupo kung saan ipinaglaban nila ang kanilang karapatan sa kani-kanilang mga bansa. Kumbaga, nagkaroon na sila ng ideya ng “kompetisyon” at ito ang kanilang ginamit na sandata, kasama sa ng kanilang pagsasama-sama laban sa mga “competitive” na dayuhan. Sa madaling salita, bumalik sa mga kanluranin ang talim ng naibatong espada.

Modernong Mundo

Natuto na ang mga asyano sa kanilang mga karanasan. Kaya sa globalisaadong mundong ito, hindi padadaig ang mga bansa sa asya pagdating sa teknolohiya. Nariyan ang Japan, China, Korea, Singapore, at iba pa na namamayagpag sa industriya ng teknolohiya. Ngunit, hindi pa rin nawawala ang orihinal na paniniwala tungkol sa pagiging isa at solidaridad ng gruppo o bansa. Partikular sa Japan. Isa sa mga pinaka-hinahangaan kong pananaw ng mga Hapon ay ang “Western technology, Japanese spirit.” Kumbaga, ginamit nila ang kalakasan ng ibang bansa aat inihalo pa nila sa kanilang ideolohiya na pagkakaisa upang mas mapaganda at mapabuti pa ang kanilang sariling bansa.

Sa paghimay ko ng pilosopiya ng dalawang panig na ito, masasabi kong konektado ang pilosopiya sa kung paano kumilos at gumalaw ang isang bansa o indibidwal. Sa madaling salita, konektado talaga (para sa akin), ang pilosopiya at kasaysayan.

Halo-halo Film Festival: Now Accepting Entries

image

MaSKay IS ACCEPTING SHORT FILM ENTRIES FOR
THE 3RD HALO- HALO INDEPENDENT FILM FESTIVAL
(HHIFF 2013). Deadline is on October 31, 2013.
Halo- Halo Independent Film Festival (HHIFF) is
now on its third year. An event aiming to provide
opportunities, encouraging interested people who
have undying passion for filmmaking and the arts.
It serves as an outlet to express and a venue to
showcase talents through films.
Halo-Halo 3 shares a different viewing pleasure
from its pilot run two years ago, where people
comfortably watch films while dining with friends
and families. Showcasing various short films in
narrative, documentary, animation, music video,
experimental and other genres produced by
Filipino students and filmmakers both amateur
and professionals. Halo-Halo 3 breaks the
stiffening impression of a distant stage, where the
films, the filmmakers and the audience get to
easily engage and communicate with each other.
And because we value the participation of our
filmmakers and audience, we will be having an
“Audience Choice” award where the film viewers
will pick their favorite film among the entries in
the film festival.
The 3rd Halo- Halo Independent Film Festival
(HHIFF 2013) is not a competition but rather an
exhibition of different short film/ videos initiated
by Malayang Sining- Kayumanggi Productions, Inc.
(MaSKay), an organization that strives to support,
encourage, inspire budding artists and provide
alternative venue to showcase Filipino talents and
skills in filmmaking and other performing arts.
*Halo Halo Film Festival RPN 9 Spotlight Report

SUBMISSION GUIDELINES:

1. Open to all filmmakers- amateurs, students,
professionals

2. ANYTHING GOES: open to all genres of digital
film, narrative, documentary, animation, music
video, experimental, public service announcements
(PSA), as long as it doesn’t contain pornography.

3. NO PARTICIPATION FEE.

4. Film/ video should be with maximum length of
15 minutes and in clear digital format (mpeg-3,
mpeg-4, .avi formats only)

5. We shall only allow videos/films by Filipino
producers/directors

6. Proof of ownership of the film/video is needed.
A waiver shall be signed to confirm that the
participant did not violate nor infringe the
copyright of other person or entities with the
content of the submitted video/ films, which
includes story, scripts, audio/sound files, visual/
film footages, music and other means; .

7. For interested participants, you may upload
your film entries in youtube or any video cloud
storage site. Then, send us your video entry link
together with your complete name and brief
filmmaking background, producer and director
names, synopsis and genre classification at
maskay_project@yahoo.com or malayangsiningk
ayumanggi@gmail.com

8. Deadline of Submission: October 31, 2013

9. There will be a screening of videos by MaSKay
officers. This is to ensure that the guidelines are
being followed.

10. An e-mail will be sent to confirm your
participation together with other important
reminders and notification for the chosen
entries.

(Mula sa Facebook account ni Maf Miraflor)

IDENTIDAD NG TAO: SUSI SA PANDAIGDIGANG KAPAYAPAAN?

Marami sa atin ang naghahangad ng kapayapaan. Kapayapaan mula sa gera, kapayapaan sa mga kaguluhan. Minsan, naitanong ko sa aking sarili kungposible nga ba talaga ito. Sa dulo’y nasabi kong imposible itong makamit dahil sa natural na bagay na sa tao ang pumili at magdesisyon batay sa kanilang personal na interes. Imposible ito kung magkakaiba tayo sa relihiyon, paniniwala at interes. Ngunit, matapos kong pag-isipan ito’y pumasok na naman sa aking utak na maaring posible nga ito kung magkakaroon ng iisang identidad. Naisip ko, paano ito? Imposible pa rin dahil nga pinanggalingan. Parang imposible naman ‘ata ‘yun?
Lahat tayo ay may sari-sariling identidad. We are all different. Iba’t-iba ang ating mga lahi. May Pilipino, may Amerikano, may Ruso at may mga Hapon. At sa lahat ng lahi ay mayroong pagkakaiba-iba o pagtutunggali ng ideya’t paniniwala. Malamang na kapag pinagsama-sama ang lahat ng lahi’y magkakaroon ng kaguluhan. Ang pagiging iba natin sa isa’t-isa ang naglalayo sa atin sa isa’t-isa. Dahil sa magkakaibang identidad ay kaya may kaguluhan at digmaan sa panahon ngayon. Ngayon, itatanong ko kung mayroon pa bang posibilidad na magkaroon ng kapayapaan sa daigdig?
Upang masagot ang katanungang ito, kailangan muna nating isa-isahin ang ating mga similarities na isinasantabi ang ating mga prejudice at paniniwala. Tayo ay tao. Walang duda rito. Kung magawa nating ikonsidera ang pagiging tao nating lahat at magkaroon ng pagkakaintindihan bilang tao, malamang ay magkaintindihan tayo. Sana balang araw ay maikonsidera natin ang ating sarili hindi batay sa pagiging Kristiyano, Muslim, Hudyo, Pilipino, Ruso, Amerikano, o Tsino natin kundi batay sa pagiging nilalang sa ibabaw ng mundo. Ngayon ko lamang na-appreciate ang importansya ng pagiging globalized mag-isip. Ngunit, kung ito lamang ay solusyon ay bakit hindi? Kailangan pa rin naman nating magkaroon ng sarili at unique na identidad ngunit kailangan rin natin ikonsidera ang iba sa pamamagitan ng pagtingin sa kanila bilang ka-lahi (species) o tao.
Samakatwid, hindi lang natin kailangan ng personal, at social identity  rin. Sa pagkakaroon ng unibersal na pagtingin sa ating identidad, maaring maging sagot ito sa ating hinahangad na (general) kapayapaan. Bagamat nagdududa ako sa posibilidad nito dahil sa natural na katangian ng tao na lumaban para sa kanilang personal na interes, ay umaasa pa rin ako na balang-araw ay hindi lamang tayo mga tao kundi makataong nilalang. Inirerespeto at kinokonsidera ang pagiging tao ng mga ito.

Si Ninoy Sa Bawat Mata Ng Kabataan

Ngayong araw na ito, sa kabila ng pagulan-ulan at pagbaha sa iba’t-ibang lugar sa ating bansa, ay ipinagdiriwang ang araw ng pagkamatay ng taong nag-udyok sa bawat pilipinong mapagmahal sa kalayaan na mag-alsa. Agosto 21, 1983 nang magbalik ang bayani mula sa Estados Unidos. Maraming mga haka-haka na maaaring may kutob na si Ninoy noong araw na lumapag ang sinasakyan nitong eroplano dahil sa mga sinasabi nito sa kanyang mga kasamahan. Hindi pa man s’ya nakapaglalatag ng kanyang talampakan sa lupa ay may bumaril na rito na agad naman n’yang ikinamatay.

Si Ninoy Aquino ang isa sa mga pinakahinahangaan kong modernong bayani dito sa ating bansa. Hindi lamang dahil sa kanyang pangalan ngunit dahil sa kanyang pagiging matapang. Sa katunayan, maari naman n’yang piliin ang pagpapakabuti sa Estados Unidos, pagiging kampante kapiling ang mga mahal sa buhay. Ngunit, dahil sa malalim at taus-pusong koneksyon at pagmamahal nito sa bayan ay pinili n’yang lumipad at bumalik sa lupaing nagsilang sa kanya.

Malaki talaga ang naiambag ni Ninoy sa ating kasaysayan maging kung ano tayo ngayon. Bilang isang magaaral ng kasaysayan, naging isang libangan ko ang mag-isip kung ano ang maaring mangyari kung naiba ang takbo ng ating kasaysayan. Kung wala si Ninoy, malaya ba tayo? Maaring malaya tayo ngayon ngunit palagay ko’y patuloy tayong magiging kimi, at walang imik. Kinokontrol ng isang lider na parang isang makinarya. Isa pang nakakatawang isipin, siguro kung naiba ang takbo at hindi umuwi si Ninoy sa ating bansa ay malamang hindi mananalo sa pagka-presidente ang ating kasalukuyang presidente.

Hindi tayo ganito ngayon kung wala si Ninoy. At hindi rin magiging (kung ano ang dapat nilang maging) ang mga kabataan sa hinaharap kung hindi natin ipagpapatuloy ang laban na sinimulan ng ating mga bayaning nagsakripisyo ng kanilang buhay para lamang sa atin. ‘Wag tayong maging mahina at sunud-sunuran na lamang sa agos ng panahon. Tumingin tayo sa ating kapaligiran. Magobserba. Kung ano ang nakitang problema, ating solusyonan. Patunayan sa ating mga bayaning tulad ni Ninoy na tayo, bilang Pilipino “are worth dying for”

cory-ninoy