Share your food the “ancient” way


Habang nagiisip ako ng maari kong isulat para sa pasko, naku! nagtaka ako kung bakit may litsong manok, palabok, puto, barbekyu at pansit sa refrigerator namin, samantalang ang niluto lamang namin ay spaghetti at biko! Aba, totoo ata si Santa Claus, ngunit, nagtaka ako kung bakit pati masasamang tao ay pinagbibigyan nya. Mga ilang segundo lamang ay dumating ang kapatid ko at sinabing galing ito sa mababait naming kapitbahay. Buti na lang at may spaghetti pang sobra na maaring ibigay sa mga kapitbahay kapalit ng ibinigay nilang mga pagkain. Ang astig ng pinoy ‘di ba? Kahit siguro wala kang nilutong pagkain para sa pasko ay babangungutin ka pa rin sa sobrang bigat ng tiyan mo!   Image

Bago pa man dumating ang ganid na espanyol sa teritoryo ng mga Pilipino, nabuo at nahubog na ang ating mga ninuno sa ganitong kagawian. Natuto silang makipagkalakal kapalit ng mga bagay na makatutulong sa kanila, Nagbigayan rin naman sila upang makatulong sa kanilang mga kababayan at kamag-anakan.

Image

Isa sa mga naging resulta ng pagbibigayan at pangangalakal ay ang pagkakaroon ng malinaw na konsepto ng linggwahe. Marami sa ating wika ay galing sa mga malay kasama na ang primatibong Austronesyano[1] Dahil dito, nagkaroon tayo ng mayabong na sibilisasyon at kultura na nagmula sa iba’t ibang lahing malay at mga kalapit na bansa.

Image

Dahil dito, maari nating masabi sa ating mga sarili na ang pilipino ay hindi mangmang nang tayo ay marediskubre ng mga manlalayag na espanyol. Hindi sila ang nagbigay sa atin ng sibilisasyon kundi, tayo mismong mga pilipino ang nagbigay ng kamulatan sa ating mga sarili.

ISANG MASAYA AT MAPAGPALAYANG PASKO SA INYONG LAHAT!!!

Image

Sanggunian:

[1] Teodoro, A. (1990). History of the filipino people. (8th ed., p. 54).

One thought on “Share your food the “ancient” way”

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s