Supremo: Movie Analysis


Image

Maraming pumasok sa isip ko noong una kong napanood ang trailer ng Supremo. Sa wakas! Magkakaroon na rin ng pelikula tungkol sa ating Supremong Bonifacio. Pero inisip ko, mabibigyan kaya nito ng hustisya ang totoong nangyari sa ating supremo? Ng napanood ko ang pelikula, hindi ako gaanong nakuntento, pero kahit na ganoon, nadala ako ng pagka-direk ng direktor at napaiyak. Ngunit noong napagusapan at napanood naming muling magkakaibigan ang pelikula, napagtanto ko na tama nga ang iniisip ko na kulang kulang at hindi maganda ang pagkakalarawan sa supremong Bonifacio.

Image

Unang una, masyado nilang ipinakita na mainitin ng ulo ang supremo, ipinakita ng pelikula na sugod lamang sya ng sugod at maikli lamang ang pasensya. Maraming mga eksena sa pelikula ang nagpapakita ng ganoon. Tulad na lamang ng labanan sa San Juan, Del Monte (kung di ako nagkakamali) na nakikita na ni Bonifacio na matatalo na sila ngunit sumugod pa rin ang mga ito. Siguro nga, totoo ito, ngunit ang pagkakamali lamang nila ay ang pagoover-emphasize nito.

Image

Pangalawa, kulang kulang ang mga detalye sa pelikula. Maraming nilagpasan na mahahalagang pangyayari. Hindi rin maganda ang pagpapakita ng mga tagpo sa bawat eksena. Tulad na lamang sa Tejeros Convention kung saan ang tagpo ay napakaliit at masikip. Naiintindihan ko naman na walang malaking pondo ang pelikula kaya ayos na rin sa’kin yun.
Image

Pangatlo, maraming mga idinetalye na wala man lamang ebidensya mula sa kasaysayan. nag over-react (mula sa depinisyon ko) ang pelikula sa pagpapakilala kay Macario Sakay at halos ginawang kapantay nya si Emilio Jacinto. Samantalang, wala naming sinabi sa kasaysayan na “super close” silang dalawa. Isa pa, pinagusapan na lang si Emilio Jacinto, sa tingin ko medyo matanda na ang gumanap na Jacinto, ngunit naintindihan ko naman sila na kulang sila sa mga artista, kaya lusot na ang dahilan na yaon.

Image

Pangapat, masyadong bias ang pelikula. Sobra sobra ang pagkiling ng pelikula kay Bonifacio. Siguro kaya ganun ang itsura ni Aguinaldo ay dahil sa gustong palabasin ng pelikula na masamang-masama si Aguinaldo (dahil masama talaga ang hitsura ng gumanap na Aguinaldo). Hindi rin naman sila nagbigay ng punto sa pagkakasangkot ni Aguinaldo sa pagpatay kay Bonifacio.

Panglima, over-acting talaga ang pelikula. Masyado nilang pinagbigyan ng pansin ang pagkamatay ni “Melteng” marami rin silang binigyan ng diin na hindi naman nararapat.

Ngunit, may mga napansin din naman akong mga positibong puna sa pelikula. Unang una, humanga ako sa direktor ng pelikula dahil sa pagkakaroon ng panahon na gumawa ng pelikula na tungkol sa Supremo, dahil kakaunti lang talaga ang nakakaalam ng buhay at sakripisyon ni Bonifacio para sa bayan. Dahil doon, humanga talaga ako sa kanya at sa pelikula nya.

Pangalawa, magandang pinakita sa pelikula na hindi “bobo” si Bonifacio dahil pinakita roon na kumikita si Bonifacio hindi lamang sa pagtitinda ng baston at pamaypay kundi pinakita rin na nagtrabaho sya sa isang kumpanya na Flemings & Co.

Pangatlo, maganda na ipinakita sa pelikula kung paano ang pagtatangap bilang kasapi ng Katipunan (partikular, si Jacinto) dahil binigyang diin na mahal talaga ng mga rebolusyonaryo ang bayang pilipinas.

Sa pangkalahatan, naging maganda ang pelikula kahit na maraming mga kamalian rito. At sa lahat ng paranoid nito, saturating binigyan kayo ng pelikula ng “sense of nationalism” sa inyong mga ugat. Kaya sulit na sulit ang panunood ng pelikulang ito. Pinatunayan ng pelikula na karapat-dapat nga talagang maging bayani ang ating Supremong Bonifacio.

MABUHAY ANG MGA ANAK NG BAYAN!!

Image

One thought on “Supremo: Movie Analysis”

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s