El Presidente: Pagsusuri ng Pelikula


534716_505875116089511_426427054_n

Sa patuloy na pagtaguyod ng mga “BioEpic” na pelikula, napatunayan natin sa ating mga sarili na talaga nga namang mayaman ang kultura at kasaysayan ng bansang Pilipinas. Isa na namang pelikula ang nagpakita ng kabayanihan maging ang katrayduran ng ilan sa mga pangunahing tauhan sa mga mayayabong na yugto ng ating kasaysayan — ang El Presidente. Mula sa memoir ni Aguinaldo ang lahat ng nakasaad sa pelikula, samakatuwid, mula lamang sa perspektibo ni Aguinaldo ang lahat ng nakasaad sa pelikula.

15779_531088600234829_2046503103_n

May ilan-ilan akong mga napansin sa pelikula. Ilan ay positibo at ilan ay negatibo. Sa isang pelikulang pinagkagastusan ng husto, maraming mga aktor na nilalagay sa isang karakter na minsan ay akma, minsan ay hindi. Unang una, magaling ang pagpapakita sa tauhan ni Aguinaldo, magaling ang napiling aktor at nabigyan ng hustisya ang pagka-heneral nito. Maganda rin ang napili nilang Gregorio Del Pilar. Ngunit, sa kabilang banda, napansin kong masyadong matanda na ang nakuha nila para kay Procopio Bonifacio. Masyado ring naging matanda ang gumanap na pangalawang asawa ni Aguinaldo para maging pamangkin ng asawa ng isa sa mga kaibigan ni Heneral Miyong. Maganda rin naman ang nakuhang Bonifacio, ngunit masyadong ginawang kontrabida at masama ang Supremo. Halatang may kinikilingan talaga ang pelikula para kay Aguinaldo.

Isa rin sa mga napansin ko ay ang poster ng pelikula. Si Maria at Hilaria ay nasa itaas ng poster at si Luna at Bonifacio naman sa may bandang gilid ni Aguinaldo. Ano ang ibig sabihin nito? “Love and Hate” ika nga nila. Nakita at napansin ko lamang na nilagay sa bandang itaas ng poster ang mga minahal na babae ni Aguinaldo samantalang sa tagiliran naman ay ang mga nakaaway nito. Kung titingnan natin sa litrato, Si Luna at Bonifacio ay nagtataglay ng “Villain Eyes” (na aking tinatawag). Masyado nilang ginawang kontrabida ang dalawa. Kung babalikan lamang natin ang kasaysayan natin, si Luna at Bonifacio ay sinabing dalawang bayani na ipinapatay/pinatay ng Heneral. Sinasabi rin ng pelikula na si Buencamino ang pumatay kay Heneral Luna, samantalang umamin naman syang hinatulan/pinapatay nya si Bonifacio ngunit sa impluwensya ng Konseho de la Gera. Samakatuwid, nilinis ng pelikula ang pangalan ni Aguinaldo.

El Presidente- MMFF 2012 poster-sf

Sa istorya naman ni Heneral Gregorio del Pilar, sa tingin ko, masyado itong maikli upang masabi ng mga tagapanood na naging kanang kamay ito ni Heneral Aguinaldo. Iwas pusoy din ang pelikula sa pagkakasangkot ni Del Pilar sa mga isyung murder o pagpatay kasama ang pangulong Aguinaldo. Isa lang ang naiisip kong dahilan, siguro hindi mo naman ilalagay sa tala-arawan mo ang mga bagay bagay na ikapapahamak mo balang-araw hindi ba?

Talagang umangal ako ng husto noong ipinakita na si Bonifacio ang nagbabasa/nagbibilang ng balota. Oo, naging punong tagapamahala sya sa nasabing eleksyon, ngunit hindi sinabi na sya ang nagbilang! Pinalabas rin na napakaarogante at makasarili ang Supremo sa eksenang ito, emosyonal at sugod ng sugod! Sa palagay ko rin, mali ang pagpapakita ng “Tejeros Convention walk-out”. (na tinawag ko) Kalmado lamang si Bonifacio nang hiningi nyang bawiin ang sinabi ni Daniel Tirona, noong tumanggi lamang sya, tsaka sya naging agresibo at nagalit. Hindi ako naniniwalang binigyan ng matinong paguusig si Bonifacio. Hindi rin pinakita ang “dungeon” na pinaglagyan ni Bonifacio. Ngunit, bagamat taliwas ako sa paraan ng pagpatay na sinabi sa pelikula, ang nagustuhan ko ay ang pagpapakita nila kay Bonifacio. Hindi nila ginawang duwag at takot ang Supremo ngunit, pinakita nila ang pagmamahal ni Bonifacio sa Inang bayan.

el presidente

Isa rin sa mga pinagtataka ko ay ang pagsulpot ng isang hindi kilalang karakter na nagngangalang “Gardioso”, hinanap ko ito sa mga librong pangkasaysayan ngunit hindi ko Makita at malaman kung totoo ba sya o gawa-gawa lang. Si Gardioso ay sinabing mensahero ni Aguinaldo na nagsuplong sa kanya sa mga Amerikano. Ngunit sa pagkakaalam ko, si Cecilio Segismundo ang nagsuplong sa kanya at nagbigay ng tatlong liham ni Aguinaldo kasama ang liham para kay Heneral Lacuna. Ngunit, sinabi sa pelikula na si Gardioso ay may batang anak na nagngangalang Cecilio. Hindi kaya gusto nilang palabasin na si Gardioso (Segismundo) ang nagsuplong hindi si Cecilio Segismundo? (hmmmm)

el-presidente

Ngunit, sa kabila ng mga ito, naging maganda ang resulta nito sa pelikula at pati na rin sa kasaysayang Pilipino. Hindi man naging eksakto at masyado itong bias, sa huli ay ipinakita pa rin nito ang mensahe ng bawat bayani sa ating mga kontemporaryong Pilipino– ang pagmamahal sa Inang Bayan.

20121027-NPPA-GLC-00000320-1--JPG_064757

NAGUSTUHAN NYO BA ANG PELIKULANG ITO? MEROON KA BANG NAIS IPAGBIGAY ALAM TUNGKOL DITO? SUHESTIYON? TANONG? TARA NA’T MAGKOMENTO!!

Sangayon ba kayo sa Deborsyo? Payag ba kayong maipasatupad ang Batas pang-Deborsyo dito sa Pilipinas? Bumoto na’t panindigan ang paniniwala! Click –> Divorce Bill: Maipapatupad kaya ngayong 2013?

Bilang pasasalamat, isang artikulo para sa inyo, aking mga mambabasa! I-click ang link na ito

28 thoughts on “El Presidente: Pagsusuri ng Pelikula”

    1. Oo, tama ka, marami ngang lugar na pinakita sa pelikula, ngunit ang pinaka pinagdausan nila (sa tingin ko) ay bandang Vigan (siguro sa panahon ng Amerikano ito). Samatalang ang sa panahon naman ng Kastila, siguro, ginanap ito lahat sa Kabite.🙂

  1. nagustuhan ko ang pelikula sa kabuuan .. maganda ang pagkakaganap kay Gen. G.Del Pilar, at Gat A.Bonifacio. Nalinis naman nila ang pangalan ni Bonifacio hanggang sa huli. At ang pinakanagustohan ko ay ung naging hula kay Gen. Aguinaldo, at sa bandang huli, nalaman nyang ang pangatlong babae sa buhay nya na hindi nya mapapakasalan ay ang Inang Bayan.🙂

    mas maganda ang mga ganitong pelikula kesa sa mga “love story” na ipinalalabas. mas may kabuluhan ang pelikulang ito. sana’y magtuloy tuloy ang mga ganitong palabas.🙂

    aminado akong wala akong maxadong alam sa kasaysayan ng Pilipinas, pero dahil sa mga ganitong pelikula nagising ang aking interest na magbasa tungkol sa ating kasaysayan.

    Mabuhay ang Pilipinas!

    1. Mabuhay ka kasamang Jhay! Tama ka nga, sana nga ay magpatuloy ang ganitong mga klase ng pelikula dito sa Pilipinas, at hindi ako tatanggi sa iyo na totoo ngang mas maganda ito kesa sa mga love story na kinopya sa mga “Western Plots”.

      Sana’y mas lalo pang dumami ang magkaroon ng interes sa mga ganitong palabas at tangkilikin ang sariling kulltura at kasaysayan!

      Mabuhay ang Inang Bayan!

      1. Tama napa kaganda ng pelikula to. Sana nga mas pagtuonan pa nila ng pansin ang pag gawa ng mga ganitong pelikula madami talagang mga Pilipino ang matututo tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.

        Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Inang Bayan!

      2. Sana nawa ay maraming mga prodyuser at direktor ang magkaroon ng interes sa paggawa ng mga ganitong uri ng pelikula. Kaya pinagpala tayo na meroon tayong mga direktor katulad ni Mark Meily (El Presidente) at ni Richard Somes (Supremo)! Nawa’y maraming kabataan ang maging interesado sa kasaysayan!

    1. noong pinanood ko gandang ganda akuh sa palabas bakas ang ngiti sa aking mqa nalaman at napanuod ngunit nag survey akuh hnd pla ganun ang totoong kasaysayan .. =( kya lng naging malinis ang intensyon ni g.emilio aguinaldo sa kwento dhil sya ang bida dto pero sana kung yung kasaysayan nlng at yung totoong nangyare sa kwento ang pinakita lalo kming maiingganyung manuod ng mqa gantong pelikula … . ngunit bkit kailangan pang baguhin ang ilan ilan sa mga ito … pero nakakatuwa nmn ang palabas lalo na sa mga aktor na nag sipag ganap .. =)) sana my uulitin at sana yung true history na ..

      1. Tama ka, Marjorie! Sana nga magkaroon ng isang pelikulang pangkasaysayan kung saan walang kinikilingan at walang nililinis na pangalan. sana nga ay umunlad pa ang pelikulang pilipino sa pamamagitan ng mga ganitong pelikula!

    1. siguro, sinadya talaga nilang tanggalin ang ilang mga eksena kay del Pilar dahil nga sa maaring maging kapalit na imahe nito kay aguinaldo. samakatwid, makakasira ito kay aguinaldo. maari ka rin namang mag-research tungkol kay del pilar. ayon kay nick joaquin (kung akoy di nagkakamali) naging berdugo raw ni aguinaldo itong si del pilar. sana’y nasagot ko ang iyong katanungan, maraming salamat🙂

  2. Maaari po bang magtanong kung alin po sa mga bahagi ng pelikulang ito ang nagpakita sa ambagan ng bwat isa para sa kaunlaran?

    1. hmm, sa mga naalala ko, marami naman dahil nga sa mismong hangarin ng pelikulang ito, ang magkwento ng tungkol sa ating bayan. Dahil medyo matagal ko ng napanuod ito, medyo hindi lahat ay masasabi ko sa iyo ng tama. Sa mga naalala ko, isa sa mga bahagi ng pelikula na ito na nagpapakita ng pagtutulungan para sa kaunlaran ay ang bahagi kung saan naging malaya na ang Cavite El Viejo sa mga mananakop na espanyol. Makikita roon na nagdiriwang ang mga “constituents” ni Aguinaldo at nagpupugay sa kanyang kagitingan. Isa pa ay ang ipinakitang sakripisyo ng mga rebolusyonaryo, lalo na ng mga kalalakihan kung saan eh, nagugutom na sila at walang makain, para lamang sa pakikipaglaban nila para sa inang bayan. Marami pang iba, sa pagkakaalala ko, pero di na vivid ang memorya ko at baka mamali pa ako. Yun lamang, sana nakatulong ako sa iyo, Isay🙂 Salamat sa komento at pagtangkilik sa aking blog🙂

  3. HELLO PO
    I.SINO PO ANG MGA TAUHAN???
    II.SAN PO ANG KANILANG TAGPUAN??
    III.ANO PO ANG BUOD???
    IV.ANO PO ANG MGA MAGAGANDANG ASAL NILA????
    AT V. ANO PO ANG WAKAS NG KWENTO ^^ THANK YOU😀

  4. kung intensyion niyo talaga pong magsuri , higit na muunawaan niyo ang pelikula kung papanoorin niyo ito, aaminin ko po nung unang panood ko nito nakaka bored pero sa kahuli’t hulihan ay maganda, at higit pong nagampanan ni aguinaldo ang tungkuling pinangako niya sa bayan. MORE POWER !!!

    1. Maraming salamat, Ghem, sa pagkomento. Hindi naman siguro ako magsusuri kung hindi ko napanuod ang pelikula. Maganda nga ang diwa ng pelikula ngunit ang “approach” ko naman sa pagsusuri ay ang paggamit ng “historikal” na pagsusuri. Hindi naman ako tumatanggi sa pelikula ngunit sinusuri ko lamang ang mga detalye sa pelikula. Maraming salamat muli at More power rin sa iyo.

  5. Bias ang pelikulang ito, Marmi pong kulang,lahat ng istorya ay iwas pusoy kay aguinaldo.Masyadong ginawang kontrabida si Luna at boni..
    Lahat ng magagaling na pilipinong nabuhay ay sa kamay din ng pilipino namatay..yan ang katotohanan at hanggang sa ngaun ay nagyayari iyan. Walang pagkakaisa…laglagan sa ngalan ng kapangyarihan..Noon hanggang sa Ngayon.

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s