Maikling Kwento: Hustisya Para Kay Ina


250px-Araw_ng_mga_ina1

“Anak!, magtago ka muna.” sabi ng aking ina.

Ako’y nagugulumihanan ngunit, sinunod ko ang kanyang Sinabi, lumilingon-lingon sya sa akin, sabay humarap sa isang malaking lalaking naka-uniporme. Nagtago ako sa ilalim ng puno, maliit pa ako noon, alam kong hindi ako makikita roon.

Nakipagusap ng maayos ang aking ina, mahina’t nangungumbinsi ang kanyang boses, tila nakikiusap. Hindi ko marinig ang kanilang mga sinasabi. Umiling ang lalaki at nagalit, sinigawan ang aking kawawang ina, dinuro sya, at minura. Ang naintindihan ko lamang ay “Dapat na kayong umalis sa lupaing ito!.” marahas ang pagkakasabi. Ngunit nang nagtagal ay kumontra ang aking ina, sumigaw at galit na galit. Alam kong tungkol ito sa pagpapalayas sa amin ng mga buwitreng may-ari ng sakahan. Nagulat ako sa susunod na pangyayari, naglabas ng baril ang lalaking naka-uniporme, nagulat si ina, kitang-kita ang pagkatakot sa kanyang mga mata. Hindi ko na binaling ang aking mga mata sa nakababahalang mukha ng aking ina. Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari, gusto kong tumakbo, sumigaw, magwala para maligtas ang aking ina, ngunit, huli na ang lahat.

“Boom.” putok ng baril kasabay ng tili at pagbagsak ng aking ina sa lupa. Nagulat ako, unti-unting tumulo ang aking luha at tinitigan ang basag na ulo ng aking ina mula sa kinaroroonan. Umalis ang lalaki,na tila walang nangyari, tumatawa, maraming sinasabi, hindi ko matanto kung ano ang mga iyon. Tinuon ko ang pansin sa aking inang naghihingalo, hinawakan ko ang kanyang buhok na puno na ng dugo. May sinasabi, Malabo, ngunit isang salita lamang ang naintindihan ko – LUMABAN.

Maraming maling balita ang kumalat sa bayan, pinatay raw ng isang NPA, isinakibit-balikat ko na lamang, wala akong magawa, hindi ako makapagsalita, sabi nila’y na-trauma raw ako. Hindi ko alam ang aking gagawin, ang alam ko lang na gawin ay lumaban. “Lumaban saan?” Sabi ko sa sarili, sa lalaking iyon?– siguro. Pero alam kong may mas mahigit pa akong layunin, “lumaban” — para sa ina, para sa lupa, at higit sa lahat para sa bayan.”

Nang Lumaki ako sinimulan kong maghiganti para sa aking ina, ngunit wala akong napala, tumigil ako ng ilang taon sa pagaaral, ngunit sa kagustuhang makapagaral, sinoportahan ko ang aking sarili. Walang gumustong magpaaral sa’kin. Dahilan nila, aktibista ‘raw ako, walang mararating, puro imposibleng bagay ang hinihingi, marami akong naging kaibigan, mula sa eskwelahan hanggang sa mga grupong aking kinabibilangan. Nang dumating na sa puntong, wala na akong malalapitan sa paggastos ng aking matrikula, napagdesisyunan kong magtrabaho o mag-working student.
Dahil may kakayahan naman akong sumulat, nag apply ako sa isang dyaryo. Maliit lang ito’t di kilala, ngunit balita ko’y mataas naman ‘daw magpasahod, kaya sumige na ako.
“Ako po si Clove- Clove dela Cruz, nag-aapply po para sa posisyong proof-reader.” sinabi ko sa isang interviewer. Napangiti sya, bakit kaya?
“Maupo ka Ms. Dela Cruz” sabi nya.

Umupo naman ako.

“Mukhang may lahi ka ah?” nakangisi nyang sabi,
nainis ako, ayo’ko ng ganitong usapan.

“Ah-Eh, opo, Pinay po ang aking ina at Amerikano naman aking ama.” inis na sabi ko.

“Oh, naka-kuha ang nanay mo ng magandang lahi ah.”

tuluyan na akong nabwisit,

“Ginahasa po ang nanay ko noong nasa olonggapo sya.” sabi ko.

Nawala ang ngiti sa kanyang mukha nang nasabi ko iyon. Dumating ang isang matangkad na lalaki.

“Rolando!” sabi nya’ng galit na galit. Umalis si Rolando sa upuang inuupuan, Hindi pala s’ya ang magi-interview sa’kin, nakahinga ako ng maluwag.

“And you are……?” sabi nya’ng nagsusulat sa isang piraso ng papel.

“ummm, I am Clove dela Cruz” sinabi ko. Wala syang reaksyon tila wala ako sa kanyang harapan, tumunog ang telepono,
“Hello……. Yes?, …. We have a meeting?…. For what?… okay then, I’ll be there soon.”
“ano? Aalis sya? Hindi pwede! Kailangan ko na ng pera at trabaho para sa susunod na semester.” Nasabi ko sa sarili ko, dahil sa kadesperaduhan na maka-enroll sa pasukan.
Tumayo sya. Inayos ang gamit at at lumakad papunta ng pinto.

“Sir.” sabi ko.

“What?.” iritableng sabi nya.

“I’m applying as a proof reader!”

Tumango sya, sinuot ang Americana at tumugon “Okay.”

Nagpanting ang aking tenga sa narinig.

“You should be accommodating me, you’re the interviewer right? Please do your job!” sabi ko.

Nagalit sya, alam ko. Inabot nya ang telepono at nag-dial ng numero.

“HR department please.” hindi nagtagal ang usapan at ibinaba nya na ito.

“Is it your first time to apply for a job?” sabi nya.

“No, sir” tugon ko.

“Okay then, sa HR ka dapat pumunta, not directly to the Boss, is it okay, dear?” sarkastikong sabi nya,

Nainis ako. Napahiya at namula, tama nga s’ya. Ngumiti s’ya sa akin at umalis.

Makalipas ang ilang araw, sa wakas, natanggap ‘rin ako. Maganda naman ang sahod buwan-buwan kasya sa matrikula ng isang Fine Arts students na katulad ko. Ang masama lang ay ang napaka-aroganteng si Mr. Cruz, Madalas n’ya akong pinapahiya sa harapan ng mga ka-opisina ko at ang malala, ay napagtanto ko na nagaaral din pala s’ya sa eskwelahang pinapasukan ko. Madalas n’ya akong minamaliit at pati ang mga babae sa eskwelahan ay kinukutya na rin ako, tinitingnan mula ulo hanggang paa, kinekwestyon ang mga paninindigan ko at higit sa lahat ay kinukutya ako na anak raw ako ng digrasyada, hindi naman talaga. Ang tatay ko ang may kasalanan kung bakit ako nabuhay sa ganitong klaseng pamumuhay, nagiisa at nalulungkot. Pero sa kabila ng lahat, kinakaya ko pa ‘rin…. Para sa aking ina.

Gabi-gabi’y naiisip ko ang trahedyang sinapit ko at ng aking ina. Sumasariwa pa ang mga oras, panahon, at pakiramdam na nadarama ko nang nangyari ang trahedyang iyon, na naging daan sa pagkasira ng buhay ko.

“….Ang pagtago ko sa puno, pagtataas ng boses ni ina sa lalaki, pagsigaw at pagmumura ng lalaki kay ina…. At ang nakakabinging putok ng baril!….. Pero…. Bakit ganito? Hindi lang isa ang naririnig kong putok ng baril, binilang ko… isa… dalawa… tatlo.. Apat.. Hindi ko mabilang, sunod sunod, umalis ang lalaki, lumapit ako sa aking ina, WALA NA SI INA?! Bakit?…. May narinig akong yabag ng paa, malakas… patakbo. paglingon ko ay nakatutok na sa aking noo ang baril….. Sino ito? Babae… SI INA! Paulit-ulit na nagsasabing “lumaban” “lumaban” “lumaban” “lumaban”…..”

Napatili ako. Panaginip lang pala.

“Clove!” sabi ng isa kong dorm-mate

“Johanna?, pasensya ka na, Panaginip lang pala.”

“Ano’ng napanaginipan mo?” tanong nya.

“Matulog ka na, maaga pa tayo bukas.” palusot ko.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng aking panaginip, Hindi ko alam, hindi ko alam.
Pagkalipas ng ilang buwan, naging marahas ang sitwasyon sa pagitan ng mga magsasaka at mga may-ari ng lupa, nakiisa ako sa kanila, na alam kong iyon ang tama at nakabubuti para sa mga karapatan ng magsasaka sa lupa at lalung-lalo na sa karapatan ng pagkuha ng hustisya ng aking mahal na ina.

Dahil sa kagustuhang makapagaral, sinubukan kong pagsabaysabayin ang pagaaral, pakikibahagi, at ang pagtatrabaho. nahirapan ako nang lubusan, lalo na sa trabaho, patuloy pa rin akong pinapahiya ni Mr. Cruz sa opisina pati na rin sa eskwelahan. Isang araw, pinuna n’ya ang pagiging aktibista ko, pinahiya nya ako sa lahat ng tao pati na sa kanyang mga kabigan. Wala akong magawa kun’di tumakbo magmukmok at umiyak.
Ngunit nagulat ako kinabukasan sa taas ng aming paaralan, nang may kumalabit sa akin. Si Mr. Cruz,

“Can I sit with you?.“ ngumiti sya sa’kin,

Hindi ko na lamang s’ya inintindi. Nang magtagal, nagsalita na rin s’ya, nanghihingi ng tawad, sa mga nagawa nya, at gustong maging magkibigan kami, ipinagkibit-balikat ko ang lahat ng ‘yon dahil, alam kong wala sya senseridad sa mga sinasabi n’ya, isa pa, di ko matatanggap na pinahiya n’ya ako at ang prinsipyo ko sa lahat ng tao.

“uhmm.. Clove, pasensya na sa mga sinabi ko aah.” wala pa rin akong tinugon sa kanya.

“Alam mo, ang tapang mo….” sabi nya pa.

Gusto ko sanang sabihin, kung ano ang ibig sabihin nya doon, ngunit, hindi ko pa sya mapapatawad.

“humanga na ako sayo simula pa lang nung una na sinagot-sagot mo ‘ko, kasi…..”

Tumingin sya ng diretso sa’kin ngunit, nakatingin lamang ako sa malayo, kunwaring di ako nakikinig.

“ikaw yung tipo ng babae na….” sabi nya pa.

Nainis ako, gusto ko ng sagutin pero…

“mamahalin ko habang buhay.”

Nagalit ako sa sinabi n’yang ‘yon gusto ko nang umalis pero….

“Clove! Please react.” nakikiusap na sabi n’ya.

“Okay.” at umalis na ako

Alam kong nasaktan ko s’ya pero wala akong pakialam. Hindi s’ya ang prayoridad ko ngayon. Hindi sya…… at hindi magiging sya.

Hinanap ko ang salarin sa pagpatay sa aking Ina, mga basikong impormasyon, litrato, at trabaho. Tama nga ako, isa syang sundalo, isa rin sya sa mga may-ari ng lupaing sinasaka namin sa probinsya, ngunit, isa lamang ang hindi namin maalam, kung na’san na ang kanilang mga angkan, iyon ang dapat kong malaman, kailangan kong makamit ang hustisya ng aking ina, hindi ako titigil, kahit ano’ng paraan ng pagkamit nito ay gagawin ko, sa legal man o sa illegal na paraan. Mata sa Mata, Ngipin sa Ngipin. Para sa aking ina.

Pumunta ako sa aming probinsya kasama ang aking mga kasamahan, tinanong namin kung sinu-sino ang mga kaanak ng hayop na sundalong pumatay sa aking ina, ngunit wala. Wala silang alam.
Pumunta kami sa aming baryo, lahat ng bahay, mga tao, ay tinanong namin ngunit. Wala, wala pa rin.

Isang matanda ang nakita namin, mukhang pamilyar sa’kin. Isang ala-ala ang dumapo sa isipan ko, sa gitna ng palayan, sa gabing binaril ang aking ina, Naglalakad kami noon papunta sa punong pinagtaguan ko, dun, dun ko sya nakita! Alam kong isa itong magandang sinyales sa pagkamit ng hustisya ng aking ina. Kaya pinuntahan ko sya, ikinwento nya ang mga pangyayari sa aking mga kaibigan hanggang nagtanong na kami ng mga impormasyon. Kung anong itsura ng lalaki at ano ang pangalan nito.

Pumasok sya’t kinuha ang isang litrato, siguro’y lirato ito ng sundalo. Paglabas nito’y inabot sa’kin ngunit di ko tinanggap at binigay nya na lamang sa isa sa aking mga kaibigan.

“Clove!, kamukha ng manliligaw mo, oh” sabi ni Johanna.

Nagulat ako, kakaiba ang Naramdaman ko, hindi ko alam kung aatras ba ’ko o hindi, iba ang nararamdaman ko ngayon….. Parang….

“Ano ho’ng pangalan n’ya?” nasabi ko sa matanda.

“Sandali lang….” pagiiisip ng matanda.

Habang iniisip ng matanda ang ngalan, humihiling ako na…… sana, hindi ‘sya

“Alam ko na!!, ‘yan si Rolando Cruz” sabi ng matanda.

Naisip ko na marami namang Cruz sa buong mundo, baka hindi sya ‘yun.

Ano ba talaga itong nararamdaman ko? Hindi ko maintindihan. Akala ko ba wala syang puwang sa’kin? Bakit? Bakit?

“Sya nga ata, Clove” sabi ni Alexander.

Wala akong naging reaksyon sa sinabi nya’ng iyon ngunit….. Hindi ko alam!

Kinabukasan,

“Clove!” sabi ni Mr. Robert Cruz

“Kumusta na?” bati nya.

Iniiwaasan ko sya, lumakad ako paalis sa kanya.

“Kilala mo ba itong nasa Larawan?” sabi ni Alexander.

Napatigil ako, hinintay ko ang sagot ni Robert, ngunit….

“Uy! Tatay ko yan ah!.” nagulat ako’t napatakbo sa kanyang sinabi.

“Clove!” tawag ni Robert

Ngunit, tumakbo ako. Hinanda ko na ang aking sarili, tumakbo ako ng tumakbo, papunta sa isang eskinita, hinanda ko na ang sarili ko sa pagkamit ng hustisya para sa pagkamatay ng aking ina, ngunit bakit gano’n? parang ayaw ko nang ituloy? Pero hindi! Para sa Hustisya ng aking Ina! Wala akong pakialam!

“Clove!” sigaw ni Robert.

Hinanda ko na ang gunting na gagamitin ko sa pagsasagawa ng pagpapalaya sa aking ina. Humarap ako sa kanya, nakita ko ang maamong mukha ni Robert.

“Hindi ko kaya!” sigaw ko.

“Bakit hindi ko kaya? Dapat kaya ko, matagal ko na itong hinihintay!! Dapat kanina pa kita napatay! BAKIT HINDI KO KAYA???” sabi ko’ng nagwawala at umiiyak.

“Clove, Clove, makinig ka muna! Mahal kita, alam kong mahal mo ‘rin ako!”

Pumiglas ako mula sa pagkakayakap n’ya sa’kin.

“Clove!, tumingin ka muna sa sarili mo? Sinira ng galit mo ang pagkatao mo!, tandaan mo! Hindi Matatakpan ang galit at poot sa sarili mo kung gagawa ka nang malaking kasalanan! Makinig ka! Bakit di ka magmove-on! Iba ang kahapon, iba ang ngayon! Kahapon, naroroon ang nanay mo, pero ngayon……..”

“Ano?” sabi ko na di pa rin kumbensido.

“Nandito na ako!”
Nasiyahan ako sa kanyang mga sinabi, nararamdaman kong mahal ko na s’ya pero.. ……Ang ibig sabihin lang noon ay pinapabayaan ko na ang Aking ina.

“Paano ang hustisya ni ina?”

“Iapila natin? Hindi ba maaari?, hindi rin naman ako sang-ayon sa aking ama, kailangan n’ya ring panagutan ang kanyang kasalanan. Kakampi mo ‘ko”

“Ipapakilala mo ba ako sa tatay mo?”

“Kung gusto mo ngayon na, eh.”

Naisip kong magandang ideya iyon upang makapaghiganti laban sa kanyang tatay. Pumayag ako sa kanyang sinabi, ipapakilala nya ako sa kanyang mga magulang…..
Ito na sana ang maging daan ng Hustisya Para Kay Ina!

………MATA SA MATA, NGIPIN SA NGIPIN………

 

Bilang pasasalamat, isang artikulo para sa inyo, aking mga mambabasa! I-click ang link na ito

29 thoughts on “Maikling Kwento: Hustisya Para Kay Ina”

      1. ate meron po kayong tlambuhay nyo kc kailangan nmin un idudula po kasi nmin ung kwento mo. kailngan rin po kc ung talambuhay ng nag sulat?? meron k po ba??

      2. Sige, sige Niks, ano bang email mo? Maari mo kong iadd sa facebook. Tsaka maari mo ring tingnan ang about page sa aking blog. Maraming salamat sa pagbabasa at pagtangkilik. Gagawa ako ng aking talambuhay kung iyong nanaisin. Maraming salamat🙂

  1. Hi!Gusto kong malaman if ano ang naging motivation mo or naging cause kung bakit you wrote that short story. Isasali ko yun sana sa project ko.

    1. Maraming salamat, Abdul sa pagkomento mo. Hmm, ano’ng naging motibasyon ko? Actually, isa ‘yang homework, eh. At dahil gusto ko ang asignaturang iyon, kaya ko nagawa ng medyo may kalidad ‘yan. Ang inspirasyon ko upang maisulat ang ganyang klase ng istorya ay ang Inang Bayan. Mayroong mga simbolismo lahat ng karakter at eksena sa kwentong iyan at siguro, ang tanging inspirasyon ko ay ang Inang Bayan at hangarin kong magsulat tungkol sa kanya. Yun lamang. Maraming salamat muli sa pagkomento.🙂

    1. Maraming salamat sa pagkomento mo. Sa katunayan, hindi ako nagsasabi kung anong mensahe ng mga kwento ko dahil ginagawa ko ito pra ang mismong mambabasa ang umalam ng mensahe nito. Pero, upang kahit papaanoy matugunan ang katanungan mo, may kinalaman ito sa ating bayan.

  2. Magandang araw sa inyo,
    gusto ko lang po malaman kung sino ang may akda at konting talambuhay ng may akda, kailangan ko po para sa Fil102 ko. salamat.

    1. Maraming salamat sa pagkomento mo, Jhanuar. Ako ang sumulat ng maikling kwentong ito. Maari mong makita ang aking talambuhay sa mismong blog na ito. Pinamagatan itong “Tungkol sa author. Ngayon, kung hindi ito sapat, imensahe mo ako sa page na Nasyonalistik Pinoy at doon ko ibibigay ang talambuhay ko, maraming salamat muli🙂

      1. good morning ms. jeanny burce ., meron po ba kayong buod sa kwentong ito ? kailangan ko po kasi sa aking project sa fil1. salamat po

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s