Maligayang Araw ng Pagkabayani ni Dr. Jose Rizal


Rizal_execution

Karamihan sa mga huling habilin ni Lolo Pepe ay hindi nasunod. Ang gusting libing lamang ng ating bayani ay payak at simple. Sinabi nya na gusto nyang ilibing sya sa lupa, na nasunod naman dahil inilibing siya ng walang kabaong at nilagyan lamang ng isang krus na nakasulat ang kanyang inisyal na pabaligtad na RPJ. Gusto nya ring ilibing sa sementeryong tinawag na “paang bundok” na ngayon ay kilala bilang Manila North Cemetery. Ngunit inilipat ang kanyang mga labi sa Luneta, sa madaling salita, hindi ito nasunod. Gusto nya ring maging simple lamang ang kanyang epitaph dahil sya’y tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas, hindi rin ito nasunod.
Ayaw din ni Lolo Pepe na magkaroon ng anibersaryo ng kanyang kamatayan na sa ngayon ay hindi lang basta bastang pinagdiriwang, kundi, bongga pa ang ginagawang seremonya. Samakatuwid, hindi nasunod. Ngunit, natupad naman ang isang kahilingan nito na magkaroon ng bakod o fence ang kanyang libingan.

Hindi man natupad ang ilan sa mga kahilingan ni Pepe, hindi naman natin masisisi sa ating masarili na ipagdiwang natin ang anibersaryo ng kanyang kamatayan. Malas na lamang sya dahil sya ay nagpakamartir at naging Pambansang bayani ng ating Pilipinas. Ngunit, malamang nagbago ang ating kasaysayan kung hindi ito ginawa ng ating pambansang bayani.

Sa kabuuan, inalay ng ating bayani ang kanyang buhay upang makalaya tayo laban sa kaapihan ng mga dayuhan na sumakop sa atin. Nararapat lamang na ipagdiwang natin ang araw ng pagkamatay ni Rizal, hindi dahil sa namatay s’ya, kundi dahil naging inspirasyon sya sa mga rebolusyonaryo upang ipagpatuloy ang kanyang sinimulan.

Muli, maligayang araw ng ating pambansang bayani! Mabuhay ang Pinoy!!

pinoywatchdog-jose-rizal

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s