Retorika ng Facebook


Layunin:

Sa patuloy na pagunlad ng mundo, maraming pagbabago at inobasyon and ginawa ng makabagay na tao, mula sa yugto ng Industiyalisasyon hanggang sa kasalukuyang mga panahon, at kakambal na ng mga inobasyong ito ang layunin na maaring makagaan o mapadali ang buhay ng tao, mula sa manwal na paggawa ng mga tao, sa transportasyon hanggang sa komunikasyon. Isa sa mga bagay na ito ay ang kinahuhumalingan ng mga kabataan, ang pakikipagkapwa-tao sa mga sayberspeys o ‘yung mga tinatawag na ‘Social Networks’ partikular na ang Peysbuk o mas kilalang Facebook.

Ang mga bagay ay may mga layunin o gol at nakasukbit ang mga gol ng Peysbuk sa kanyang ‘Welcome Page’, isa na sa mga moto nila ay “Connecting People”, nakasaad din na LIBRE ang kanilang serbisyo. Libre nga ba talaga?

Ang layunin ng Peysbuk ay may dalawang dibisyon, ang nakbubuti at mga nakbubuting pansarili, at upang mas lalo pang ma-elaborate umpisahan muna natin ang unang dibisyon — ang nakabubuti.

Ang peysbuk ay nagpapalapit ng mga taong nasa malalayong distansya, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mensahe, update at iba pa.

Ang peysbuk ay nagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng mga litrato, posts at mga link (kung saan nagbibigay ng mas madetalyeng impormasyon.)

Ang peysbuk ay nagtuturo, nagtuturo ng kung ano-anong impormasyong pang-technical pampraktikal o pang-akademya.

Ang peysbuk ay nagaaliw, at ang peysbuk ay nagbibigay ng kalayaang ipahayag ang mga damdamin. Sa kabilang banda, atin naming susuriin at hihimayin ang pangalawang dibisyon — ang pansariling kabutihan.

Unang-una, ang Peysbuk ay naglalayong magtatag ng mas mataas na kapital sa mga kapitalismo, dahil sa mga bagyong advertisements ng mga kapitalistang mga kompanya na natatanggap naman ng mga kaawa-awang mga gumagamit nito.

Ang peysbuk ay naglalayong ikontrol ang mga taong gumagamit nito, sa pamamagitan ng ibat-ibang laro at advertisements ng mga multinasyunal na kumpanya.

Bilang kongklusyon ang layunin ng peysbuk ay di lamang sa ikabubuti ng nakararami kundi pati na rin sa ikabubuting pansarili ng may-ari at mga multinasyunal at mayayamang kumpanya.

facebook_logo

Katangian:

Dahil may mga layunin, kinakailangan din na obserbahan ang mga katangian ng lubos na kinahuhumalingan ng kabataan — ang Peysbuk. Bakit ba kinahuhumalingan ng mga kabataan ni Rizal ang kolonyal na Facebook?.

Unang una, kinahuhumalingan ito dahil sa katangian nito na maaring makapagugnay-ugnay ang mga mahal sa buhay na malalayo ang distansya.

Pangalawa, ang pagpapasa-pasa ng mga impormasyon (na minsan ay hindi na katiwa-tiwala) sa mga media ito’y importante, upang makapaghatid ng sariwang impormasyon at upang makaimpluwensya ng mga mamamayan na maari nilang mauto.

Pangatlo, ay ang katangian nitong megaton ng malayang saloobin sa isang paksa dahil sa mga comment box at like functionalities nito.

Pangapat at ang pinakahuli ay ang katangian niton makaimpluwensya masama man o mabuti sa mga kabataan sa pamamagitan ng mga nakaka-adik na laro at kung ano ano pa.

Estilo:

Sa retorika ng facebook, kadalasan na ginagamit ng mga tao rito ay ang mga salitang balbal lalung lalo na sa mga pribadong mga account, ngunit sa kabilang banda, ang mga ibang advertisement ay gumagamit ng mga pormal na estilo sa pagpapahayag ng retorika.

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s