Kataksilan sa Asawa: Trahedya ng 1621


Maraming kaganapan sa ating kasaysayan ang maaring isa-pelikula. Isa sa mga pinaka-paborito ko ay ang napakabayolenteng pangyayari noong 1621. Isipin n’yo na lang: isang napakaabalang lalaki,

movie_nightasawang nababagot sa buhay at isang gwapong pari (Alam na!)

Maraming mga tsismis ang nakarating kay Gobernador Heneral Fajardo na agad-agad na nagplano upang makumpirma ang katotohanan nito.

May 1621, napagdesisyunan ni Fajardo na lumuwas pa-kabite dahil sa pagbabanta ng mga Dutch sa kolonya. Malapit na sila sa Kabite nang nagbago ang kanyang isip at bumalik sa Maynila ng nagmamadali. Nang makarating sa Maynila, nalamang n’yang wala sa tahanan ang kanyang asawang si Catalina. Kinumpronta ni Fajardo ang isang tagapamahala ng palasyo at binantaang sasaksakin s’ya nito ng patalim kung ‘di n’ya assailing kung nasaan ang kanyang asawa. Takot na takot, sinabi ng tagapamahala na umalis ang asawa’t nagdamit panlalaki. Nalaman n’ya rin na maraming beses na n’ya itong ginagawa.

Dahil sa mga nalaman, agad agad itong pumunta sa isang Hesuwitang nagngangalang Juan de Mesa. Nakita n’ya na magkasama ang dalawa kasama ang isang lalaking tagasara ng pinto. Sinaksak ni Fajardo ang lalaking nassa pinto at agad naman tinapos ng mga sundalo sa labas ng bahay. Tumakbo s’ya paitaas ng bahay ni Juan at nakitang magkasama ang dalawa sa kwartong iniilawan ng kandila (ang romantik!). Nagdwelo ang dalawa gamit ang sandatang espada. Dahil alam ni Fajardo na nakasuot ng armor, tinamaan n’ya ang leeg nito na nasugatan naman ng malubha. Dahil dito, namatay si Juan.

Nakita naman ni Fajardo ang kanyang asawa sa attic at inespada ito. Nagmakaawa ang babae at sinabing humihingi s’ya ng tawad sa asawa n’ya at pati na rin sa panginoon. Iniwan ni Fajardo ang kanyang asawa ng sugatan at humanap ng pari mula sa kalapit na Pransiskanong Simbahan. Ngunit, ng wala itong mahanap, Paring sekular na lamang ang tinawag nito. Bumalik s’ya kasama ang pari sa bahay ni Juan at pinagkumpisal ang asawa. Matapos magkumpisal, tuluyan na n’yang pinatay ang asawa.

Matapos ito, pinasira ni Fajardo ang tahanan ni Juan at iniutos na wala ng ibang bahay at imprastraktura ang itatayo doon. Sinasabing ang Plaza Sampalukan sa Intramuros ang kinatayuan ng bahay ni Juan na nakasaksi ng kataksilan at kabrutalan ng mag-asawa.

Reference: Ocampo, A Bonifacio’s Bolo (ph 153-154)

Ano kaya ang maaring pamagat ng kwentong ito kung ginawang pelikula? Magkomento na sa ibaba!

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s