Isa sa mga kinalakihang kwento natin sa kasaysayan ang kwentong ikinwento naman ng Ina ng ating Bayaning si Dr. Jose Rizal. Naging popular ang kwentong ito, na halos ay makabisado na natin ito. Ngunit, ano ang kahalagahan nito sa buhay ng ating bayaning martir?
Napagtanto ko na ang kwentong ito ay parang prediksiyon na ng mangyayari sa bayani. Dahil sa pagkalulong sa maliwanag at magandang ilaw na nagmumula sa lampara, nasunog ang ating bayani na nagresulta naman ng kawalang kakayahan upang lumipad at kaagad-agad ay nawalan na ng kakayahang mabuhay. Dito, binabalaan na s’ya ni Donya Lolay na mag-ingat s’ya sa nakasisilaw na kalayaan at karunungan.
Habang s’ya ay lumalaki, s’ya ay naakit sa maliwanag na ilaw na ito. Umalis sa bayan upang mag-aral sa ibang bansa, sumulat sa ngalan ng kalayaan at karunungan. At namatay sa paglalaban ng Ilaw na nagmumula sa lamparang ito.
Masasabi kong napakaimportante si Rizal sa ating kasaysayan ng paglaya ng ating bansa. Dahil sa pagkamatay n’ya umalab ang pagkapilipino at pagmamahal natin sa inang bayan. Nang dahil sa kanya, nagsilbi s’yang ilaw sa gitna ng kadiliman. Nagkaroon ng kaliwanagan ng isip ang mga Rebolusyunaryo. At sa wakas, s’ya ang nagsilbing sulo upang sindihan ang mga pusong nagaalab para sa inang bayan at upang makalaya tayo.
MABUHAY ANG MGA BAYANI NG 1896!
May mga naisip ba kayo tungkol dito? Suhestiyon? Mga katanungan? Magkomento sa ibaba!