Pananampalataya sa Itim na Nazareno: Pamana ng mga Kastila


Paalala: Lahat ng nakasaad sa post na ito ay base lamang sa paniniwala ng Awtor

4259887222_ab9a7f3bdc

  Enero 9 bawat taon, pinagdiriwang ng ating mga kapatid na katoliko ang selebrasyon para sa “Mahal na itim na Nazareno”. Tuwing darating ang araw na ito, trapik kaagad ang nasa isipan ko. Siguro kayo rin ay ganun ang naiisip. Dahil sa sobrang dami ng mga taong nagdiriwang ay baka sumikip ang daloy ng trapiko, at ang mas malala pa ay isara ang mga pangunahing daraanan ng mga motorista. “Hay naku!” karamihan sa’tin ay mapapasabi na lamang nito sa sobrang inis. Ngunit, kailangan nating respetuhin ang ating mga kababayan.

Saan ba nagmula ang mga paniniwala nating ito? Bakit ganito ka-tradisyunal ang mga Pilipino? Mayroon bang kinalaman ang kasaysayan dito?

magellan's cross - cebu copy

1521 nang dumating ang mga kastila sa mayamang lupain ng Pilipinas. Kasama nila ang krus na nagsisimbulo sa relihiyon at pananampalataya. Tinuruan tayo ng mga kastila ng kanilang paniniwala at ipinilit na isubo sa atin ang mapait na paniniwalang ito. Nang naniwala na tayo sa pananampalataya nila, inapi tayo, tinuruang ipasadiyos ang lahat na nagdulot naman ng pagiging pasibo ng mga Pilipino. Naniwala tayo na ang mga mahihirap lamang ang makararating sa langit kaya napagdesisyun nating huwag ng magsikap para yumaman at umunlad. Pakatapos? Ano ang sumunod? Naghirap tayong mga Pilipino. Naging sandata ng mga Espanyol ang relihiyon. Naging droga natin ang maling pananampalataya, kapag may problema, konting hithit lang ng dasal, okay na. Pero, okay nga ba talaga?

Sinasabi ng ibang deboto, may milagro daw na nangyayari sa kanila. Hindi kaya dahil nasobrahan sila ng dosage  ng droga kaya sila’y nagha-hallucinate kaya ang tingin nila sa sarili nila ay Pinagpala ng kanilang paniniwala.2299987508_41f4692558_z

Sabi nga nila, ang lahat ng sobra ay nakakasama. Iyan ang nakikita kong dahilan ng pagiging deboto ng karamihan sa mga Pilipino. Sumusobra na ang pag-inom ng mga ito sa droga na maari nilang ikamatay, hindi lang ng kanilang pisikal na katawan, kundi na pati ng kaluluwa.

Alam ba natin ang ating sinasamba? Baka naman mamaya magising na lang tayo na sinasamba na ang isang itim na kahoy na hindi naman natin alam ang dahilan.

Mga kababayan, huwag ng ulitan ang pagkakamali ng nakaraan, huwag ng magpaalila sa kolonyal na kaisipan, huwag ng maging pasibo. Tayo’y umaksyon na labas sa ating mga kahon. Kahong kumukulong sa ating kalayaan. Imulat ang mga mata sa tamang paniniwala, alamin ang dapat nating paniwalaan.

black_nazarene_manila
Kung kaya’t naman, hinihiling kong maging masaya at puno ng repleksyon ang araw ng mga kapwa  Pilipinong deboto ng Nazareno. Maligayang araw ng Pista ng Nazareno!

May reaksyon? Suhestiyon? Di pagsang-ayon? Magkomento lamang sa ibaba. Agad ko naman itong bibigyan ng reaksyon.

2 thoughts on “Pananampalataya sa Itim na Nazareno: Pamana ng mga Kastila”

    1. Naku, sir! Haha, salamat po sa pagkomento. Sa katunayan nagulat po ako. Sige po maraming salamat. Kaya lang po medyo nahihiya ako. Pero susubukan ko po. Muli, sir, maraming salamat🙂

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s