El Presidente vs. Supremo


Dahil sa popular na El Presidente, at sa naunang pelikulang ipinalabas na hindi naman gaanong naging matagumpay – Ang Supremo ni Richard Somes, napagdesisyunan kong pagsabungin ang dalawang pelikula sa ngalan ng pagiging balido ng kasaysayan.

supremo poster           vs.             El Presidente- MMFF 2012 poster-sf

Unang una, ang Supremo. Tila ang pelikulang ito ay pinagplanuhang 2012_12_05_05_5115I-counter attack ang El Presidente. Ngunit, dahil ito’y matuturing na “indie film”, hindi ito naging sikat. Ilang mga kamalian ang napansin ko sa eksena kung saan sinubok ng Supremo si Aguinaldo upang makapasa sa Katipunan. Maraming nagsasabing mga historyador na hindi naman talaga nakapasa si Miong sa sa pagsusulit na ito ng Katipunan. Nakapasok lamang si Aguinaldo dahil sa pangangailangan nito ng pwersa sa Kabite. Ibig sabihin lamang nito, maaring mali ang Sinai sa pelikula tungkol sa pagpasok ng heneral sa Katipunan.

Ilan ilan din ang mga napansin kong kamalian sa Supremo. Unang una, mali ang paraan ng pagpapakita ng Tejeros Convention. Bagamat hindi ako sigurado kung meroon nga talagang labanan na nangyari sa pagitan ng Katipunan at Kastila nang papunta sila sa Kabite. Mali ang (itsura ng) pinagdausan ng pulong. Masyadong maliit at masikip para sa pagpupulong. Mali rin ang paraan ng pagpapakita ng pagdating ni Andres sa Kabite.
Supremo 1Ayon sa ating kasaysayan, maayos at magalang ang paraan ng pagtanggap ng mga Kabitenyo sa Supremo. Maayos din ang itsura at presentable naman ang dating ni Andres Bonifacio (ayon sa pagkakalarawan ng National Artist na si Botong Francisco). Hindi rin maganda ang kinuha nilang artista para kay Aguinaldo (masyadong ginawang  kontrabida sa paraang nakakatakot). Marami ring tinanggal na importanteng eksena mula sa kasaysayan.

Ang ilan sa mga napansin kong kamalian ay may katanggap-tanggap namang dahilan, ang kawalan ng budget. Ngunit, sa kabuuan, naging maganda ang pelikula, at hindi naman pinagmukhang mahina ang pelikula dahil sa mga historical researches na isinagawa ng mga tauhan.

Maging ang itinuring na “karibal” ni Bonifacio na si Aguinaldo ay ginawan ng pelikula noong nakaraang 2012. Marami ring mga kamalian sa pelikulang ito. Masyadong romantisado na hindi naman katanggap-tanggap sa larangan ng kasaysayan. Magulo ang timeline ng pelikula, maraming pagbabalik tanaw na hindi naman maayos na ipinaliwanag kung bakit ganoon. Marami ring kontrobersya ang hindi ipinaliwanag, at kung ipinaliwanag ay talagang pabor sa kampo ni Aguinaldo.

el presidenteNaging bias ang pelikula sa pamamagitan ng pagawang kontrabida sa mga seasoning “kaaway” ni Miong. Hindi maganda ang paraan ng pagprisenta kay Bonifacio. Inilarawan nila itong agresibo (sa masamang paraan), pasugod-sugod, at higit sa lahat, makasarili at arogante. Maraming mali sa paglilitis ni Andres, na ang alam ko, ay talaga namang hindi nilitis ng maayos. Naging hindi kahindik-hindik ang kalagayan ni Bonifacio sa kampo ng mga Magdalo, kung saan, ayon sa kasaysayan ay: Si Andres ay hinang-hina, sinaksak sa leeg, hindi man lamang binigyan ng karampatang lunas ng mga Magdalo, ikinulong sa isang kwartong mas masahol pa sa pinakamasahol na palikuran at walang laban (ang dahilan kung bakit sya naka-stretchers) na hindi ipinakita sa pelikula.

20121027-NPPA-GLC-00000320-1--JPG_064757

Ilan lamang ito sa mga napansin ko sa dalawang pelikula (ang pagsusuri ay narito sa: Supremo Movie Analysis at El Presidente: Pagsusuri ng Pelikula). Sa kasaysayan, hindi natin masasabi ang isang pangyayari na tama o mali, teorya at sariling perspektibo lamang ng mga historyador ang kinokonsidera, dahil habang tumatagal ang panahon, mas dumadami ang ebidensya ng nakaraan. At dahil dito, nagiiba-iba ang pagka-balido ng kasaysayan.

Ano sa tingin n’yo? Ang mga ganitong pelikula ba ay dapat na tangkilin ng ating mga Kababayan? Magkomento na sa ibaba!

3 thoughts on “El Presidente vs. Supremo”

    1. Tama ka d’yan Karen. Kaya hanga rin ako sa mga pelikula at mga palabas na pino-portray si Bonifacio upang mas lalo pa nating maintindihan kung sino nga ba talaga s’ya.

      Maraming salamat sa pagkomento, Karen🙂

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s