Si Quezon Bilang Isang Rebolusyunaryo


iquezoy001p1

Kakaunti lamang ang nakakaalam sa atin na hindi lang naging presidente si Quezon, kundi naging sundalo pa ito ni Aguinaldo. Maalala lamang natin si Quezon tuwing buwan ng wika. Pero alam n’yo ba na si Manuel ay nakipaglaban din sa mga Amerikano?

Noong bagito o binata pa lamang si Quezon, napagdesisyunan n’yang sumama sa Philippine Revolutionary Forces na pinamumunuan ni Aguinaldo. Dahil sa baguhan pa nga lamang itong si Quezon, hindi n’ya alam kung ano’ng pakiramdam ng nasa giyera. naramdaman n’ya na lamang ito nang palapit na ang binata sa mga trenches. Nakaramdam s’ya ng takot at catamaran. Gusto n’ya nang tumakbo palayo sa kalaban nang marinig n’ya ang maraming putok ng baril.

Ngunit, dahil sa kagalingan nito, mabilis syang umangat at napunta sa trabahong pampapel na agad naman nitong ikinabagot. Pinakiusapan nito si Heneral Aguinaldo na ilagay na lamang s’ya bilang lider ng hukbo at nagbirong baka sakali maging isa pa s’yang militar na bayani ng Pilipinas.

Nang pumayag si Aguinaldo sa pagkapinuno nito, sinabi n’ya sa unang engkwentro na masyadong malakas ang impluwensya ng takot at kamatayan sa kanya. Buong katawan nya ay nanginginig at sinabi n’yang mawawala lamang ang pakiramdam na ito kapag tumalikod ito palayo.

Sa sobrang takot nito, nang unang beses na dumaan ang bala sa ibabaw ng kanyang ulo, napadasal ito ng Padre Nuestro na hindi naman n’ya natapos dahil sa sobrang takot. May isang boses sa kanyang likuran na nagsabing magingat s’ya dahil tinitingnan sya ng kanyang mga sundalo. Dahil sa kahiyaan, kumilos na ito at lumaban. Lumaban hindi dahil sa katakana, kundi dahil sa kanyang dignidad bilang isang pinuno.

Ito marahil ang talagang pinapahalagahan ni Quezon, dignidad, integridad, at karangalan ng kanyang pangalan.

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s