Graciano Lopez Jaena: Dakilang Orador


jaena1l

Graciano Lopez Jaena. Isa sa ating mga bayani. Isang repormistang naghahanap ng pagbabago mula sa bansang mapang-api. Isang matapang at mapusok na orador at manunulat. Ilan lamang ito sa mga katangian ni Jaena. Ngunit, paano naging bayani ang propagandist ito?

            Katulad ng ilang mga propagandista, Nagpunta si Jaena sa ibang bansa, hindi dahil sa upang mag-aral o kung ano man, kundi dahil sa isang mapanglait na manuscript. Bata pa lamang, natuto na siyang

magsulat ng mga kwento, isa sa kanyang mga ginawa ay naging dahilan ng pagkapahamak nito. Nagpaikot si Jaena ng mga sipi ng kanyang Fray Botod, kwentong tungkol sa isang mapagsamantala at masamang pari. Sa pamamahagi ng mga manuscript na ito, nagising na lamang si Jaena na pinaghahanap na s’ya ng simbahan at ng tao. Napahiya ang mga prayle sa publiko dahil sa pagrerepresenta ni Graciano sa mga pari bilang mataba, ignorante, imoral at mapagsamantala. Marahil, nakita nila ang kanilang mga sarili sa obra ni Jaena kaya naman sila nagalit ng husto. Dahil sa problemang ito ni Jaena, umalis s’ya ng bansa at pumunta sa Espanya.

            Habang nasa ibang bansa, nag-aral s’ya ng medisina. Nagustuhan ni Graciano ang paligid ng Madrid dahil sa malayang estado ng lugar na ito. Sa mga samahang pang-sosyal, iginalang s’ya at itinuring bilang isang napakagaling na orador. Dahil sa pagmamahal sa bayan, parating paksa ng kanyang mga talumpati ay tungkol sa kalagayan ng Pilipinas. Isa sa pinakamatagumpay nitong talumpati ay naganap sa selebrasyon ng International Congress of Commercial Geography kung saan may isang pari, si Padre Ramon Martinez Vigil, ang nagsalita at sinabing pinupuri nito ang pagmamalasakit ng mga pari  sa mga Indiyo. Dahil sa sinabing ito ni Padre Vigil, napatindig si Jaena at dinepensahan ang mga Pilipino. Kinabukasan, nagising na lamang ito na isa ng tanyag na orador sa Madrid.

20061218

Noong 1889, naitatag ng mga repormista ang La Solidaridad, kung saan naging editor si Graciano. Naging tanyag ang diyaryong ito at talaga naming tinangkilik ng husto ng mga Pilipino sa Espanya. At noong 1891 sa Barcelona, ipinaimprenta ni Jaena ang kanyang mga koleksyon ng talumpati na pinamagatang Discursos y Articulos Varios.

Si Jaena ay isang mapusok at napakagaling na orador at kahit na mga kastila ay napapahanga nito sa galing ng pamamaraan ng paggamit n’ya ng wika. Sa kanyang mga talumpati at sa mga salitang ginagamit, nahikayat ang mga tagapakinig at napaniwala sa lahat ng mga sinasabi nito.

Ang kilalang orador na ito ay hindi maingat, tambayan ang mga kapihan at hinahayaang ang mga kaibigan ang gumastos para sa kanya. Sinabing parati raw itong kumakain ng sardinas gamit ang mga daliri at basta basta na lamang ipinupunas ang mga ito sa damit. Isang beses, binilhan ni Mariano Ponce si Jaena ng damit upang may maisuot itong bago at malinis, ngunit, isinangla lamang ni Jaena ang mga damit at patuloy pa ring isinuot ang mala-basahan n’yang kasuotan. Enero 20, 1896, namatay ang dakilang orador ng dahil sa tuberkolosis. Ngunit, hanggang ngayon, nananatili pa rin sya sa puso ng bawat Pilipino sa porma ng kanyang pagiging bayani.

One thought on “Graciano Lopez Jaena: Dakilang Orador”

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s