Marcelo H. del Pilar: Dakilang Komedyante


 

th            Maraming tao sa kasaysayan ang punung-puno ng kulay ang buhay. Kulay na nagbigay buhay di lamang sa mga tao noon kundi tao hanggang ngayon. Habang nagbabasa ako tungkol sa mga repormista, nakuha ni del Pilar ang aking atensyon at iniwan akong tumatawa dahil sa kanyang mga isinusulat. Ikinokonsider ko si del Pilar bilang Bob Ong noong panahon ng mga Kastila. Marahil ginaya ni Bob Ong ang pagka-satirikal ni del Pilar.

Usong-uso rin ngayon ang mga banat lines na ipinauso ng mga kabataan. Siguro, ‘pag nabubuhay pa si del Pilar ngayon, s’ya siguro ang maituturing na hari ng mga Banat Lines.

Marcelo H. del Pilar. Isang bulakenyong political analyst na kumakalaban sa Espanya. nag-aral sa Kolehiyo de San Jose at nagtapos ng abugasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Noong 1878, napangasawa n’ya ang kanyang pinsan na si Marciana del Pilar at nagkaroon ng maraming anak ngunit si Anita at Sofia lamang ang nabuhay.

Itinatag n’ya rin ang isang makabayang diyaryong Diaryong Tagalog. isinulat n’ya rito ang pagiging makabayan at malungkot na kalagayan ng Pilipinas. Ngunit, hindi nagtagal ang diaryo at nawala na ng tuluyan. Dahil sa adbokasiya niyang ito, dinala pa rin n’ya ang kanyang paniniwala sa iba’t-ibang baryo ng Bulakan. Isang araw sa Piyestahan, itinanong n’ya sa pari: “Ilang mapaghimalang santo ba meroon dito sa Pilipinas?” “Marami!” ang sagot ng pari “Ah!”, “Kung gayon, dapat na kainggitan ng Espanya ang Pilipinas, dahil dito sa Pilipinas, lahat ng santo ay mapaghimala!” dugtong ni del Pilar. Bilang tugon, sinabi ng pari na: “Doon din sa Espanya, anak ko” at dagli naming sinagot ito ni del Pilar na: “Pero sa Espanya, hindi mapaghimala ang mga pari, ‘di tulad dito sa Pilipinas!” pabirong sabi ng Pilipino. Dahil sa sinabi ni Marcelo, nagsitawanan ang lahat ng taong nakarinig nito.

Noong 1888, sa pagtatanggol ni del Pilar sa Noli Me Tangere ni Rizal, nagsulat s’ya ng mga pamphlet laban sa akusasyon ni Jose Rodriguez. Isa sa mga inatake ni del Pilar ay ang Caingat Cayo ni Padre Rodriguez. Ginamit n’ya ang pen name na Dolores Manapat sa paggawa nito. Marami pang parodiya ang ginawa ni del Pilar. Ang pinaka nagustuhan ko ay ang “Amain Namin”:

Our uncle, who art in the convent, cursed be the name, may we be delivered from thy greed, may thy throat be slit here on earth as it is in heaven. Give back this day our daily rice thou hast stolen from us and draw our laughter by thy lowing as thou laughtest when thou stealest our money; and deliver us from thine temptation and save us from thine foul mouth. Amen.

 th (1)

            Talagang natawa  ako dito noong una ko itong basahin, ngunit, makikita rin natin dito ang pagkasatirikal at pagkakomedyante ng dakilang Pilipinong ito.

Ngunit, noong Hulyo 4, 1896, namatay si del Pilardahil sa pagkagutom, pagkalamig, at pagkawalang pera ng ating komedyateng bayani. Ngunit, sa pagkamatay na ito, it inuring s’ya ng mga espanyol na “greatest journalist produced by the purely Filipino race.”

 

8 thoughts on “Marcelo H. del Pilar: Dakilang Komedyante”

  1. hindi po ba si Marcelo H. Del pilar ay isang bulakenyo at hindi kabitenyo na gaya ng sinabi nyo sa bandang itaas ng pahayag.”Marcelo H. del Pilar. Isang kabitenyong political analyst na kumakalaban sa Espanya. “

  2. Si Marcelo H.del pilar po ay purong bulakenyo at hindi kabitenyo.

    Sya po ay ipinanganak noong August 30,1850 in Cupang (now Barangay San Nicolas) Bulacan,Bulacan..Siya po ang isa sa ipinagmamalaki ng Bulakan bilang isang Bayani hindi lng sa bulacan kundi sa buong Pilipinas..

  3. No prob madam! I know na overlooked lng kau. Kababayan ko po kc si Mang Mar kaya medyo nagulat me.hehe! I liked hirtory so much kaya madalas po ako magbasa ng mga history blog gaya ng mga blogs nyo pati kay sir xiao chua. Very impormative po yung mga bogs nyo. Keep it up. Godbless

    1. Salamat Jack sa pagkomento mo, napapansin ko nga napapadalas ka ring magkomento at bumista sa blog ko, at oo, napakaganda ng blogs ni Sir Xiao! Affiliated ka ba sa history? May kinalaman ba ang trabaho mo sa kasaysayan o sadyang mahilig ka lang talaga?

  4. Mahilig lng kc ako tlga sa history,lalo na ang Philippine history..Pag may kinalaman sa kasaysayan ng pilipinas eh tlgang binabasa ko at ng khit papaano eh may nalalaman akong bagong trivia..madami rin akong natutuhan sa mga blog mo regarding sa history.Actually wlang kinalaman sa work ko ang history..I’m a flight analyst..layo ano hehe! Thanks sa mga trivia ha,sna madami pang akong mabasa na mga blogs mo at ng tumalino pa ako sa history hehehe..
    Thanks sa

    1. haha, isang malaking pasasalamat sa’yo kapatid, talagang kumokonti na lang ang mga nagmamahal sa kasaysayan kaya saludo ako sa’yo Jack! Hayaan mo, ‘pag ‘di na ako busy ay magsusulat muli ako ng marami pang mga blog posts.

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s