Indio (GMA 7): Ekspektasyon sa EpicSerye


Indio-Teaser

Bilang mga Pilipino, mahalaga sa atin ang pag-alam sa kasaysayan ng ating pagka-nasyon. Mapapakita natin ang pagkapilipino ng ating lahi kung susuportahan natin ang ating sariling kultura at kasaysayan. Dahil itinuturing na nasa panahon na tayo ng teknolohiya, partikular na ng midya, ilan sa atin ay nakakalimot na na lamang ng mga hirap at sakripisyong pinagdaanan ng ating mga bayani. Tuwing naiisip ko ang panahon kung saan lumalaban ang pilipino sa tiranya ng mga Kastila, nalulungkot na lamang ako dahil sa pagpapakita ng pagkawalang bahala ng karamihan sa ating mga Pilipino. Tila nawawala na ang kamulatan natin pagdating sa kasaysayan ng ating bayan.
Ngunit, nabago ang lahat ng ito nang malaman ko na napakagandang kombinasyon pala upang manatili sa atin ang identidad ng pagkapilipino sa pamamagitan ng makapangyarihang midya, imahinatibong pagiisip, at higit sa lahat, kasaysayan. Sa nalalapit na pagdatal ng pinakabago at pinagkagastusang “telemovie” na Indio, maraming dumapo sa aking isipan.

524747_589767064383028_858115718_n
Dahil ang epicseryeng ito ay hinukay mula sa baul ng kasaysayan, marami akong inaabangan at inaasahan sa palabas na ito. Unang una, ang maganda at makatotohanang kwento. Hindi magkakaroon ng interes ang mga manunuod kung puro na lamang petsa, ngalan ng tao at lugar ang nasa serye. Kailangan din ng kwento kung saan, hindi lamang pinapakita ang kasaysayan kundi pati na ang pinakaimportante – Ang kahalagahan nito. Hindi masasabing may saysay ang kasaysayan kung walang ipinapakitang kahalagahan ang mga kwento. Ang kasaysayan ay hindi lamang sa pagsasaulo. Ito ay pagkukuha ng saysay mula sa kwentong isinalaysay pasulat man o pasalita.
Inaasahan ko na ang epic serye na ito ay hindi puro kalokohan. Ibig sabihin, kailangan na ang bawat eksena ay hango sa totoong pamumuhay at kalagayan ng mga tao sa oras na iyon. Inaasahan ko rin na akma ang mga itsura ng mga karakter na gaganap. Hindi magiging maganda ang palabas kung hindi akma ang mga itsura ng mga tauhan na gaganap. Maging ang palitan ng salita ay inaabangan ko. Gusto kong makita ang pagaalab ng damdaming nasyonalismo sa bawat ihip at bulong ng mga salita. Ngunit, upang maiwasan ang historical inaccuracy, inaasahan kong hindi magiging romantisado ang mga eksena maging ang batuhan ng mga linya. Higit sa lahat, ang perspektibo na ginagamit. Inaasahan kong ang lahat ng mga makasaysayang pagkikwento ay hindi dapat maging bias. Nararapat lamang na gawing balanse at pantay ang mga pananaw ng nasa kwento.
Bagamat tiwala naman ako sa lahat ng bumubuo ng produksyon. Para sa akin, hindi lamang direktor ang kailangang pagtuonan ng pansin, kundi ang historyador na kanilang kokonsultahin. Dahil tiwala naman ako kay Dr. Villan ng Departamento ng Kasaysayan ng Unibersidad ng Pilipinas, naging kampante ako at hindi na muling nagalala pa. Ngunit, sa tingin ko rin, sa mga ganitong uri ng proyekto, hindi lang dapat na iisa ang kinokonsulta, kundi dapat humingi din sila ng pagkonsulta sa iba pang eksperto. Kung iisa lamang ang eksperto, isa lamang ang ibig sabihin nito – isahang perspektibo lamang na hindi naman katanggap-tanggap sa larangan ng kasaysayan. Hindi lang nila kailangan ng ekstensibong pananaliksik, kundi pagkonsulta pa sa ibang mga eksperto sa larangan.

Sa kabuuan, umaasa ako ng husto sa seryeng ito na maipapakita at mabibigyan nito ng hustisya ang kasaysayan. Natutuwa ako at meroon pang ilang midya na nagpapakita ng ganitong klase ng palabas. Nawa’y tangkilikin at pahalagahan natin ang bawat yugto ng ating kasaysayan! MABUHAY ANG BAWAT PILIPINO!

safe_image

Sangayon ka ba dito sa pahayag? May gusto pang idagdag/baguhin? Magkomento na sa ibaba!

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s