Mga Bidyo sa YouTube: Amalayer at Amaprof (Bidyo ng mainiting propesor)


Sa panahon ng mga computer as internet, mabilis na sinasalin ang bawat malaki at maliit na impormasyon personal man o hindi. Isang click/tap lamang, naipapamahagi na ang propayl mo sa buong mundo. Hindi kataka-taka na pati ang eskandalong personal na ginawa ng isang tao ay maaaring I-rekord at ikalat sa buong mundo. May privacy pa ba ang mga tao ngayon? Kaunting maling galaw mo lang sa publiko ay may mala-agilang kamera ang susunod sa’yo at ire-rekord ang eskandalong iyong nagawa. Ibig sabihin ba nito, pati ordinary tao ay maaring maging artista ng hindi nila nalalaman? Nasaan ang mga dignidad ng mga taong napagtripan ng mga lente ng kamera?

 Amalayer-Student-vs-Female-Security-LRT-Station-Video-11-14-20121

Youtube Videos: Amalayer

Nagsimula ang penomenang ito sa pilipinas noong 2012. Isa sa mga “haylayt” ng taong ito ay ang isang bidyo ng mag-asawang artista na bumugbog sa isang journalist/reporter. Pinagpistahan ito ng madla sa impluwensya ng midya. Ang sumunod na kontrobersyal na bidyo ay “amalayer” kung saan ipinakitang winalang-hiya ng isang estudyante ang guwardiya ng MRT sa harap ng maraming tao. Umani ng mga negatibong komento ang kolehiyalang ito na naramdaman naman n’yang naabuso ito at na-bully ng tao pati na ng midya. At ang pinakabago, ang bidyo ng isang propesor na nagtuturo ng personality development na pinagagalitan umano ang estudyante at umabot pa sa puntong pagbuhatan ito ng kamay.

mqdefault

Youtube Video: Abusadong Propesor

Sino ang may mali? Sino ang may kasalanan? Ang binugbog? Ang ipinahiya? O ang nagpakita ng misconduct sa publiko? Para masagot ang mga katanungan, pantayin muna natin ang dalawang magkasalungat na perspektibo.

Ang Propesor:

Ipinakita sa bidyo na naging marahas ang guro sa estudyante nito. umabot pa sa puntong pinagbuhatan n’ya ng kamay ang estudyanteng ito.

Hindi ganito ang isang epektibo at magaling na guro. Sila’y dapat na maging mapangunawa at mapagtimpi. Ngunit, hindi natin nalalaman kung bakit naging ganito ang reaksyon ng guro. May kasalanan ba ang estudyante sa ganitong reaksyon ng propesor? Tara’t alamin natin!

Ang Estudyante:books_apple_pencil_school

 

Sa nasabing bidyo, sinabing may ginawa rin naman ang estudyanteng masama. sa paanong paraan? S’ya ang nag-udyok sa guro upang maging ganito ang reaksyon ng kanayang propesor. Ibig sabihin, may kasalanan din ang naturang estudyante.

Para sa midya at mamamayan (partikular ang gumagamit ng internet), naging masama ang parte ng guro. Naging hindi maganda ang pagtingin sa kanya. Bagamat talagang may kasalanan s’ya. Ngunit, sa bawat kasalanan na ating nagagawa, may mga nagudyok at pumilit na gawin ito. Ikaw ba naman na isang guro at bastusin ng isang estudyante, talagang magagalit ka hindi ba? Sa kabilang banda, hindi naman dapat naging ganito kaagresibo ang reaksyon ng propesor. Tungkulin ng isang guro na unawain at tanggapin nito ang estudyante ng buo.

Sa parte naman ng estudyante, bagamat naging kaawa-awa ito sa paningin ng mga madla, may ginawa pa rin itong kasalanan.

Katulad ng isang kontrobersyal na bidyo tulad nito at ng amalayer, hindi natin maikakaila na hindi naman t

like

alaga natin alam ang buong kwento bago ang pagkuha ng bidyo. Hindi natin dapat husgahan ang isang taong gumawa ng kamalian na hindi naman talaga natin alam ang buong kwento. Huwag magpadala sa unang tingin, maging mapanu

ring tagapanuod at tagagamit ng social media! Maging kritikal sa lahat ng impormasyong natatanggap! Think before you criticize 🙂

Sangayon ka ba dito? May komento at suhestiyon? Makomento sa ibaba!

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s