Buwaya’t Alipin


497599608_ef0484473c

Mayo ng bawat ikatlong taon,

nagaganap ang eleksyon

Dikit sa kaliwa, dikit sa kanan

lubos na naghihirap ating mga kababayan

Mga salita ng buwaya, labis na kay tamis

mabulaklak nitong salita,

pangalan nila’y pilit na nililinis

Ngunit ‘di natin alam, buwaya’y may lihim na adyenda.

 

“Kamangmangan, sugpuin!,

ako’y papaalipin!

Kayo ang aking boss,lingkod para sa bayan

kayo ang aking boss, kayo’y aking dadamayan!”

Nang nasa trono na ang buwaya,

nawala ang mga salita,

nawili sa luhong kanyang natamasa,

wala nang pakialam sa bansa.

“Patalsikin, patalsikin!”

sabi ng mga alipin,

ngayon lamang natauhan

uto-utong mamamayan.


philippine_flag_thefiinestwriterdotcom

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s