Kabataan ang Pagasa ng mga Imperyalista


Sa pagitan ng alas-syete at alas-otso ng umaga, nagiging matrapik sa bawat gilid ng U-Belt dahil sa mga pumapasok na kabataang magaaral.

jeep-byahe

“Bayad po!” sabi ng isang estudyante ng FEU na kay kapal-kapal ng pantapal sa mukha. Inabot naman ng isang lalaking taga-Adamson (na naghe-head bang pa) ang bayad ng babaing mukhang clown. Agad namang nilog-in ng babae ang kanyang facebook account sa pamamagitan ng HTC touch phone nito.

Nagbabasa naman ng Fifty Shades of Grey Trilogy ang isang babaeng taga-UE, nagmukha itong kamatis sa tabi ng isang lalaking umiinom ng Starbucks Coffee. Tingin naman ng tingin ang isang taga UST sa kanyang swatch at wari’y ‘di mapakali.

Habang tinitingnan ang bawat paglike ng babaeng mukhang main attraction sa children’s party, napatitig ako sa iba ko pang kasabay. Anak ng speech ni Sotto! Ano ba naman ito? puro burgis at kolonyal ang mga kasakay ko! Nairita lang ako sa ilang nakabibinging paguusap ng isang taga-FEU gamit ang telepono: “I feel like I want to make punta to your house later” mayamaya, “Yeah! and we’ll gonna make nood while we eat hapunan at your bahay…” UTANG NA LOOB! Gusto ko na sanang magpalamon sa makina ng jeep upang hindi marinig ang ganoong klaseng pagsasalita! can we make her tapon tapon into an ocean full of pating? *evil laugh*

 

Dahil sa ganitong nakakainis na senaryo sa dyip, napaisip ako kung bakit ganito ang karamihan sa mga kabataan ngayon: Maluho, mababaw ang pagkilala sa sariling wika, at higit sa lahat, tumatangkilik sa produkto ng mga imperyalistang bansa.

Cell-Phones

Naalala ko, may narinig akong paguusap at pagtatalo sa eskwelahan na nagtanong: Ang cellphone ba ay kailangan o kagustuhan? May narinig akong sagot: “Depende sa model ng cellphone!” tama nga naman, nagiging kagustuhan lamang ang isang cellphone kapag may iba pang features ang telepono tulad na lamang ng demanding na touch screen, nonsense na air shuffle at motion sensor, at walang esensyang android (pero seryoso, ano ba talagang gamit ng android? Magpasikat?) Bakit? Ang kailangan lang naman natin sa araw-araw ay pantext, pantawag, at pang internet (na minsan ay nagiging kagustuhan din kung puro facebook at twitter lang ang inaatupag) hindi ba? Hindi ko rin makuha kung bakit kailangan pang makinig sa maingay na musika na wala namang ibang sinasabi kundi tungkol sa seks at kasiyahang pampisikal! Samantalang, meroon naman tayong mga musika na mas karapat-dapat pansinin at tangkilikin (tulad ng mga musika ni Rico Blanco [idol!] at Ely Buendia) at lalung-lalo na, bakit kailangan pang magsalita ng balbal na taglish kung ikaw naman ay Pilipinong tinapalan ng make-up at binalot ng hiwaga ng foundation?

Bakit kailangang uminom ng mamahaling kape kung meroon naman tayong 3 in 1 o ‘di kaya’y masasarap na barakong kape? Bakit kailangan pang magbasa ng librong erotik na sinulat ng isang babaeng may asawa’t apat na anak, kung meroon naman tayong literaturang orihinal na atin tulad na ng kay Eros Atalia atbp. Bakit?

Isa lamang ang nakikita kong dahilan– Dahil sa mga imperyalitang Amerikano. Mula nang nagaral ako, humanga at taas-noo kong pinagmalaki ang superyor na lahing ito. Ngunit, sa paglawak ng aking kaalaman at pilosopiya, napagtanto ko na kaya pala ganito ay dahil sa di tuwirang pagbaon ng kanilang paniniwala at sistema sa ating kaisipang kulang-kulang. Paano nila nagawa ito? Sa pamamagitan ng mapangaliping edukasyon. Kung kayo ay taliwas dito, hayaan n’yo akong magpaliwanag. Bakit ba tayo nagaaral? Upang matutunan natin ang mga hindi natin alam. Ano ang pinapagaralan natin? Mga paniniwala at pagpapahalaga ng mga Amerikano sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga librong sinulat ng mga Amerikanong manunulat (na talaga namang ‘di angkop sa’tin bilang mga asyano) Para kanino tayo nagaaral? Sa harap ng mga Pinoy, ang sagot dito ay para sa “inyong” bayan. Ngunit sa pagtalikod nila, ito ay para sa kalinisan ng mga pangalan nila (na naging matagumpay dahil malinis ang pangalan nila sa kasaysayan). Ginamit nila ang edukasyon upang makuha nila ang ating tiwala, na alam naman natin, ay mabisa dahil sa pagkakait ng mga Espanyol sa Pilipino ng edukasyon.

tumblr_ktynsjlN6y1qanimb

Mapangalipin ang sistemang edukasyong itinilaga dito ng mga Kano dahil parang sinasabi nila na inferyor ang ating lahi. Para na rin nilang sinabi:

Joe: Magaral ka ng mga ito dahil hindi mo ito alam!

Tayo namang mga “inferior” na lahi, iiyak tayo sa tuwa dahil sa buong panahon ng kolonyang Amerikano, inisip nila ang “kapakanan” natin. Parang sinabi na nila na:

Joe: Uy! liit, itim, pandak, mahina! Magaral ka nga para kahit papaano ay may alam ka naman!

Juan: *teary eyed* huhu, salamat, matalino, mabait, at mapagparayang kuya!

Parang ang datin sa’tin nito ay napakasuperyor ng tingin natin sa kanila, samantalang inferior ang tingin nila sa atin.

Going back, sa masidhing pagidolo at pagkagusto ng mga pinoy na maging tulad ng mga kano, pinagaralan natin ang kanilang wika at na-master. Ibig sabihin, nagtagumpay sila na ipamana ang sumpa na tuluyan namang bumura ng ating sariling wika. At bilang resulta, nawalan tayo ng identidad sa ating “pagkapilipino”.

Ngunit, bakit kabataan ang nawili sa ganitong kaisipan? Dahil ang mga kabataan ay “go with the flow of the neon river” (ibig sabihin ay ang kaakit-akit at usong mga bagay) naging idolo nila ang mga dayuhan. Isa pang malaking paktor ay ang mahikal na kumbinasyon ng midya at ng globalisasyon. Midya at globalisasyon, dahil ang mga ito ay talaga namang kahit saan, kung ano ang sikat, yun ang susundan ng mga kabataan.3191226705_75ff43bc8a

Paano natin susugpuin ang ganitong komon na kaisipan ng mga kabataan? Hindi naman basta-bastang maiaalis sa mga kabataan ang maging trendy. Sa pagtutulungan ng midya, maari nilang maipalaganap ang ebanghelyo ng pagiging makabayan. Ituro ang mga pagpapahalaga labas sa ating kolonyal na edukasyon. Ibaba natin ang lebel na ito sa mga kabataan, gawing kaakit-akit at buhay ang interaksyon sa pagitan ng makabayang paniniwala at midya. At boom! Sisilang ang simula ng kaisipang nasyonalismo sa bawat puso ng kabataang pangarap ni Rizal, mga bayaning nagbuwis ng buhay, at ng Inang bayan.

Sangayon o hindi ka ba sangayon sa aking mga sinabi? May karagdagan? Magkomento 

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s