Bonifacio sa Pelikula: Paghimay sa Karakter ng Supremo sa Pinilakang Tabing


Nitong nakaraang ika-24 ng Enero, nagkaroon ng isang talakayan o forum sa Unibersidad ng Pilipinas na pinamagatang “Bonifacio sa Pelikula”. Napukaw at nahuli nito ang aking atensyon at nagdesisyong magpunta sa lektura. Noong una’y iniisip ko kung tama ba ang aking desisyon ko sa ipagpalit ang aking klase upang magpunta lamang sa isang talakayan na hindi ko naman alam ang kahihinatnan. Dahil tiwala naman ako sa UP-Likas, pinanatag ko na lamang ang aking kalooban at nagsabing hindi masasayang ang oras ko dito.

483121_570583929636496_225405160_n

Labis na ikinalulungkot ko ang madilim na bahagi ng himagsikang Pilipino. Namatay ang tagabuhay ng dugong nasyonalismo at nagtatag ng Katipunan sa ilalim ng isang Pilipino. Isa lamang na Heneral na Pilipino ang tumapos sa napakahalagang buhay ng ating bayani. Sabi nga nila, kung nabuhay pa si Bonifacio, malamang marami pa itong magagawa, kung nabuhay pa si Bonifacio kesyo ganito, kesyo ganyan. Sa kasaysayan, sabi nga ni Ocampo, mas maganda pa raw halungkatin ang ganitong mga posibilidad. Pero nangyari na ang nangyari, hindi na natin ito mababalikan pa.

Ngunit, hindi naman ito ang pangunahing punto ng forum. Base nga sa titulo, Bonifacio sa Pelikula. Sinabi ng isang tagapagsalita na isang magandang stratehiya sa pagtuturo ng kasaysayan ang biswal na midya. Ngunit, kailangan pa rin nating suriin ang bawat nilalaman ng mga pelikulang ito, upang maipakita ang katanggap-tanggap na pagpiprisinta ng kasaysayan. Pinaghalintulad ang dalawang magkalabang perspektibo, Ang Supremo at ang El Presidente (na talaga namang suking-suki sa blog ko). Pinagbangga ang dalawang pelikulang makasaysayan na nauwi sa mismong pagtalakay ng madilim na bahagi ng Himagsikan (hindi ko na ito palalawakin pa dahil baka maiyak na lamang ako sa pagsusulat, hehe).

Si Eduardo del Mar (na iilan lang ang nakakakilala), Gardo Versoza (sa pelkulang Rizal), Cesar Montano (sa nakakabuwisit na El Presidente) at Alfred Vargas (ng Supremo at Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio). Mga gumanap na Bonifacio sa iba’t ibang pelikulang pangkasaysayan. Kakaunti lamang talaga ang nagkakaroon ng interes at panahon upang bigyan ng pansin ang ama ng Himagsikang Pilipino. Lahat ay pinagkakaabalahan ang mga nakakasukang pelikulang romansa na halaw sa Kanluraning istorya. Ngunit hindi sa mga direktor at aktor ng mga pelikulang ito (kahit ang iba ay singit lamang pampadagdag ng oras sa pelikula).

Isang napakalaking karangalan para sa akin ang masaksihan ang mga ganitong klaseng pelikula at lalung-lao na na makita ko ang makabayang aktor sa likod ng makasaysang pelikulang Supremo. Natutuwa ako na narinig ko mula mismo sa aktor ang saloobin n’ya tungkol sa bayani pati na ang kabayanihang ginawa ni Andres Bonifacio. Halos nagtatalon ako sa tuwa nang marinig ko mula sa aktor na si Alfred Vargas na mula pa lamang maliit o bata pa ito, idolo na talaga nya ang bayani. Hindi kataka-taka na nagprodus ito ng pelikula na siya mismo ang gumanap na bidang aktor. Mas lalo pa akong humanga sa konsehal dahil nalaman kong siya pala talaga ang unang inalok na maging Andres Bonifacio sa elitista at burgis na pelikulang El Presidente. Sinabi nito na noong panahong nabasa n’ya ang script, at nalaman na may mali dito, walang pagaalinlangan n’yang binitiwan ang role at gumawa ng sariling pelikula. Sinabi n’ya pa na para n’yang tinatraydor ang Supremo kung sakaling tanggapin n’ya ito (buti na lang at hindi, kundi…). Dahil sa mga pahayag na ito, talaga namang humanga ako rito (ngunit sa tingin ko’y may panghihinayang si Alfred dahil sa pagiging Best Supporting actor ni Montano, ang Jose Rizal na naging Andres Bonifacio [yan ang totoong doble kara!]).

208261_3597859483434_1217818176_n
Nang matapos itong magsalita, agad namang pinasalamatan ni Sir Xiao Chua ang aktor dahil naipakita ng aktor pati na rin ng ibang mga karakter ang diwa ng Himagsikan (pumalakpak ang tenga ko sa pagkarinig nito).

72378_3597859443433_1048445107_n
Tuwing maalala ko ang dulong eksena ng pelikula (naku!), napapaiyak talaga ako (tulad ngayon), mas lalong nagiinit ang dugo ko at mas lalo pang napapatatag ang aking pagkapilipino. Isa pang ikinatuwa ko sa aktor na ito ay ang plano nito sa kongreso (may ibang kutob na ako dito aah, tsk tsk) gagawa raw ito ng bill (?) kung saan gagawing kapantay ni Andres Bonifacio si Rizal (na marami sa aking mga kakilala ay sangayon dito).

Panahon na nga sigurong makilala ng masa ang kapwa nila ka-masa. Panahon na upang mabuksan ang kaisipan ng bawat pilipino sa bayaning ito na walang ibang hinangad kundi makamit ang kalayaan ng bawat Pilipino mula sa pangaapi ng mga dayuhan. Sa pamamagitan ng mga ganitong pelikula, makakatulong na mapalaganap ang esensya ng ating kasaysayan pati na ng ating pagkapilipino.

andres-bonifacio-by-carlos-botong-francisco.jpg
Tangkilikin ang sariling atin,
pagyamanin wag ang mga Kanluranin!

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s