comelec-app-SMN-IMG

Mga Pulitikong Epal at GC sa Pangangampanya


Naninilaw ang buong kapaligiran. Ano ba ‘tong nakikita ko? Kay tamis pa ng kanilang mga ngiti, tila napakabait. Nasa langit na ba ako? Nasaan na si San Pedro? Ngunit, bakit ganito? Akala ko ba, puro puti lamang ang makikita sa kalangitan? Bakit pinaliligiran ako ng dilaw? Teka, ano itong nakasulat sa ibaba ng kanilang mga mukha? Maligayang pasko’t manigong bagong taon? Happy Valentines Day, Happy Chinese New Year, Happy Graduation Day? Lahat ng mga happy-happy meroon lahat! Pusang gala! Nalimutan ko, eleksyon na naman pala kaya nagpapaskil ng mga ganito ang mga pulitikang uhaw sa atensyon!

Pagpasok sa eskwelahan, nakita kong nagmamadali si Eps. Tinanong ko kung may nangyaring masama kay Prof. Aga, matutuwa na sana ako nang iba ang isinagot ni Eps, nagmamadali s’ya dahil magpapasa raw ng mga grado para scholarship na ipinapamudmod ni Mayor B. Naliwanagan ako sa sagot nito.

images (1)

Eleksyon na nga talaga! Andaming naglipanang tarpaulin (na kulay dilaw) leaflets (na kulay dilaw din), flyers (isa pang kulay dilaw), banners (paulit-ulit?), at Billboard (astig! burgis itong pulitikong ito aah) na idinikit sa poste, dingding, sari-sari store, poste ng kuryente, gate ng subdivision, simbahan, pampublikong palikuran, dyip, bus, tricycle, punerarya (‘kala naman makakaboto ang mga patay), bingguhan, sugalan, loterya, eskwelahan at marami pang iba (mga isan’daang lugar pa). Mga EPAL ang tawag sa ganitong mga pulitiko. Tila inilalako lang nila ang kanilang mga pangalan sa publiko at pilit na sinasabing marami silang magagawa sa ngalan ng serbisyo publiko (lokohin n’yo lelang n’yo!).

images

 Meroon raw na batas o bill na ipinatupad, tinawag itong Anti-EPAL bill. Ngunit, mukhang pati ang magsasakatupad ng bill na ito ay may balak na makiEPAL din sa pulitikong ito! Hay naku! Onli in da Pilipins!

May isa pa akong narinig na isang politiko. Inako ang proyekto ng baranggay at nagsabit pa ng isang lalaking artista at pinagbidyoke sa harap ng mga tao, Hoy! Hindi ito beerhouse para magbidyoke! Tila napaka-energetic ng mga pulitiko kapag eleksyon, samantalang kay kupad-kupad namang kumilos kung nasa pwesto na. Sabay sabay nating sabihin: Its mor pan in da Pilipins

tumblr_lxgqdlUUcp1qbg6ewo1_400

Mahirap nga talagang sugpuin ang ganitong klaseng problema sa pulitika (e, ikaw ba namang may-ari ng tarpaulin printing shop di ka ba naman matuwa sa sandamukal na kikitain mo). Ngunit ang malaking tanong, kanino ba talaga galing ang perang panggastos ni Mayor? Hindi ba’t galing din ito sa kaban ng bayan? Kung sana pinakain na lamang ito sa mga kababayang benteng kahig isang tuka sa pamumuhay (pero dapat walang nakalagay na donated by..) edi nakatulong na sana sila! Hay buhay!

Para naman sa mga botante, lalung-lalo na sa mga kabataan, manuri at maging mapangmatyag. Huwag magpapadala sa matulis at mabulaklak na retorika ng kanilang mga bibig. Huwag papadala sa hitsura ng mga pulitikong minadyik ang mga mukha ng foundation. At lalung-lalo na, huwag papadala sa mga nakasulat sa tarpolin (purket binati ka lang ng Happy Graduation Day, ay iboboto mo na ito kaagad!). Sabi nga ni Sixto Brillantes, tandaan ang mga mukha ng mga EPAL at kalimutan na lamang sa halalan.

images (6)

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s