Mga Payo sa mga Single ngayong Valentines Day


valentines

Nalalapit na naman ang araw ng mga puso! Maraming sabik na sabik, ngunit mas marami namang bitter. Ang araw na ito marahil ay hindi akma sa mga single (pati na ang mga kakabreak lang) na may konseptong ang selebrasyong ito ay para sa magkasintahan lamang. Masakit sa mga ganitong klase ng mga tao (lalung-lalo na sa kakahiwalay lang) na wala silang kasama sa araw na ito. Para maibsan ang paghihirap at paghihinagpis ng duguang puso (korni!), alamin natin ang iba’t-ibang gawain ng ibang mga mag-isa lang rin sa buhay, o mga single.images (7)

Noong bata pa ako, sa harapan ng eskwelahan, maraming nagtitinda ng mga bagay na kulay pula at pink. May mga teddy bear din at mga bulaklak na plastik na pinisikan ng hiwaga ng baby cologne. Naakit ako sa kulay nito at natripan na bumili. Pakauwi, ito ay ibinibigay ko sa aking tatay. Ang swit no! Hehe, ganyan talaga, para bilhan ako ng tamagotchi.

Ibang-iba talaga ang paraan ng selebrasyon ng mga bata at matatanda. Lalo na sa mga kabataan. Sa edad na ito pumapasok ang konsepto ng pagmamahal, narito rin nabubuo ang mga tinatawag na “hopeless romantic”. Naku! Masakit talaga para sa mga hopeless romantic na magisa sa araw ng mga puso! Baka mamaya’y magmukmok at magsuicide! Kailangan ng assistance ng mga kaibigan ang mga ganitong tao.

Ikakaklasipika ko ang mga kabataan sa tatlong kategorya, sana’y mahanap n’yo ang sarili sa tatlong ito:

1. Mga inggitero’t inggitera:

jealous1

Marami ang ganito ngayon! Minsan pa nga e, naguugat pa rito ang pagaaway ng magkakaibigan. Meroon, malamang sa barkadahan ang mga single at meroon din naman ang may mga kasintahan.

Hindi maiiwasan, minsan na maiinggit ang isa sa iyong mga kabarkada, lalo na kung puro kayo’y may kasintahan at isa lang ang wala (at yun pa ay frustrated magkaroon ng kasintahan)

Sa araw na ito, lahat ng magkasintahan ay nagyayayaan kung saan saan. At ang mga maiiwan ay malungkot at walang kasama (kahit bespren na may bf/gf). Dahil dito, mapi-frustrate ito’t magmukmok kasama ni Avril Lavigne.

Tip para sa may mga ganitong kaibigan: Ilayo ang mp3 player at yayain sa date kasama ang bf/gf mo (para mas lalong mafrustrate) biro lang! SIguro, maganda kung hanapan mo ng lalaking kaparehas (at kamukha nya). Iregalo mo si Stitch!

Tip sa mga inggitero’t inggitera: Wag magpakamatay! Pumunta sa isang drug store at bumili ng sleeping pills, matulog ka! Kung hindi pa rin makatulog, uminom ka pa!
2. Mga nakatingin sa bintana:

lam na

Sa lahat ng mga single, ito ang pinakamapanganib. Lumayo-layo ka sa kanya! Ang ganitong klase ng tao ay nagiisip ng mga maiitim na balakin. Maaring iniisip n’ya kung paano magdodota para magustuhan ng mga lalaking adik sa larong ito (at maaring gawin nya itong pain). O hindi kaya’y nagiisip at nagbabalak na kung paano aagawin ang girlfriend mo!

Tips para sa may ganitong kaibigan: Ilayo ang bintana sa kanya. Huwag iwanan ng mag-isa at panatilihing maingay para di makapagisip.

Tip para sa mga wandering jews: Teh! Maawa ka sa kaibigan mo, lalunglalo na sa girlfriend nito! Tandaan mo, di kayo talo!

3. Mga nagbibisibisihan:

BusyMan

Sa lahat ng mga single, ito ang pinaka produktibo. Maraming nagagawa pero walang kalidad. Kapag ganitong mga araw ng puso, wag kang magpapagawa ng assignment sa kanila. Sayang yung mga puntos na mawawala mo kapag sila ang pinasagot mo! Sa pisikal na aspeto, konsentradong konsentrado sila sa ginagawa nila, ngunit sa loob, bisi sila sa pagiisip kung paano makakatulong ang pisika at matematika upang mapasagot ang sitmate n’yang babae (malas mo lang kung girlfriend mo yung katabi nya).

Tip: Ilayo ang girlfriend mula sa kanya, pati lahat ng katabi. Itira ang mga bading. Tingnan natin kung hindi sya mapapaconcentrate sa sinosolb na math problem.
Ilan lamang ito sa mga ginagawa ng kabataan (o kahit na mga matatanda) upang mapalagpas ang masakit at masalimuot na araw ng mga puso. Sana’y mabawas-bawasan ang ganitong mga tao, at maisip nila na hindi naman talaga importante kung may kasintahan ka o wala. Naririyan din naman ang mga magulang at kapatid mo (wag mo nga lang sila aasintahin, incest yun!), pati na rin ang diyos (kung meroon man) at lalu’t higit pa, ang pinakamamahal nating Inang Bayan!

lUPANG_hINIRANG_HEADER

Agree ba? Magkomento sa ibaba!

2 thoughts on “Mga Payo sa mga Single ngayong Valentines Day”

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s