Pasensya na, anak


Anak ko, anak ko,

Mahal na mahal kayo ng inyong Ina

Lahat ay gagawin makamit lamang ang kalayaan

Maski buhay ko, aking iaalay

Ang mga pula’y dumating

Pinaglaban ating kalayaan

Ngunit, pasensya na mga anak,

Sadyang kay lakas ng mga dayuhan

Muling ipinaglaban ating kasarinlan,

Mga kastila’y sumuko at lumayas

Pinagdiwang ating kalayaan,

Lubos naman natin itong ikinasaya

Ngunit, kalayaa’y di pa ganap,

Mga puti’y dumating, atin muling ipinaglaban

Ngunit, pasensya na mga anak,

Sadyang kay lakas ng mga dayuhan

Dumating mga kapwa asyano,

Nilabanan mga puting dayuhan,

Nagdeklara ng gera

Nasama pati Ina’t mga anak ng bayan

Muling nangarap at lumaban

Nagrebelde’t ikinubli ng kalikasan

Ngunit, pasensya na mga anak,

Sadyang kay lakas ng mga dayuhan

Ngayong ganap na ang kalayaan,

Pilit akong nakipaglaban sa dayuhan

Kayo’y nagpakasasa’t natuwa,

Naaliw sa materyal na bigay ng mga dayo

Anak ko, anak ko,

Kay dali ninyong sumuko,

Pasensya na mga anak,

Sadyang kay lakas ng mga dayuhan

jocelynngbaliwaug

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s