Ang “Love Story” ni Andres Bonifacio at ni Gregoria de Jesus


Matapang, puno ng prinsipyo, at matalino. Ilan lamang sa mga deskripsyon na maaring iugnay sa pangalang Andres Bonifacio. Ngunit, sa kabila ng katapangan ng magiting na pilipinong ito, naging romantiko ito pagdating sa kanyang pagibig– Si Gregoria de Jesus.

Dahil sa nararamdamang pagibig ni Andres Bonifacio, hinayag nya ang intensyon nito at nanligaw kay Oryang. Parating pumupunta si Andoy sa tahanan nila Oryang kasama si Ladislao Diwa at si Teodoro Plata. Dahil sa masidhing damdamin ng ating bayani, ipinagbigay alam nya na ang kanyang mga intensyon sa magulang ng dalaga. Huli na ng malaman na ang ama ni Oryang ay hindi payag sa panliligaw nito sa anak ng dahil sya ay isang miyembro ng Masonriya. Sa mga panahong iyon, ang mga kasapi ng masonrya ay masama dahil sa mga turo ng mga pari.

Ngunit, makalipas ang ilang buwan, nahulog na rin ng tuluyan si Oryang sa ating bayani. Dahil sa matindi ang hindi pagsang-ayon ng kanyang mga magulang, inilayo si Oryang kay Bonifacio. Nalungkot ng husto si Gregorya dito kaya sumulat sya sa Gobernadorcillo na gusto na n’yang ikasal sa kanyang nobyong si Andres. Dahil sa matinding pagkagusto ng dalawa na sila ay makasal, Sa wakas, nagpakasal na nga sila isang araw ng 1894.

Nakakatuwa lang na malaman ang mga ganitong kwento ng ating mga bayani. Hindi lamang sila nagmamahal sa kanilang bayan lamang, kundi pati na rin sa kapwa nila. Isang magandang halimbawa na ang ating mga bayani ay tao lamang na nasasaktan at nagmamahal.

Kinilig ka ba? May mga reaksyon? Magkomento sa ibaba!

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s