Dagli: “Reunion”


th

Sumasabay sa ritmo ng pagibig, masayang-masayang nagdadaupang-palad sa ibabaw ng mundo.

“Maipapakilala na kita sa aking mga magulang.” sinabi ni Mary habang ninanamnam ang bawat sandali sa ilalim ng pinakamamahal.

“Oo Mary, at matapos iyon, magpapakasal na tayo.” At maalab na naghalikan ang dalawa, sinusulit ang bawat oras na sila’y magkasama. Masayang masaya ang magsing-irog.

Nagbihis ang dalawa at naghanda para sa isang napakalaking araw na kanilang haharapin. Panahon na upang makilala ng mundo na sila’y para sa isa’t-isa. Nagyakapan ang dalawa at sabay na umalis sa hotel. Nang makarating sa reunion, tuwang-tuwang lumapit si Mary sa kanyang ama’t ina. Napansin nyang tumutulo na ang luha ng kanyang ina at tila hindi makahinga. Ibubuka na niya ang labi upang ipakilala ang minamahal nang may sinabi ang kanyang ina:

“Sa wakas, anak ko, nakarating ka.” niyakap nila ang pinakamamahal nyang lalaki at sinabing:

“Mary, si John nga pala, ang nakatatanda mong kapatid.”

th2

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s