sabah-newspapers

Alamin ang Kasaysayan: Pagintindi ng Sitwasyon sa Sabah


Naalala ko nung ako ay bata pa, gumuhit ako ng mapa ng Pilipinas at tandang-tanda ko pa na kasama kong iginuhit ang Sabah sa ilalim ng Pilipinas. Noong ako’y lumaki na, nagtaka ako kung bakit ang mga mapang nabibili ko sa NBS ay walang naka-drawing na Sabah. Nalaman ko na lamang ito na tinanggal na pala ito sa Pilipinas. Buong akala ko, nasa Malaysian Government na ang mayamang lupaing ito. Nagulat na lamang ako nang umapoy na naman ang baga at lumabas na naman ang walang kamatayang isyung ito. Maski ako ay naguguluhan, ano na bang nangyayari sa lupaing iyon? Bakit ipinaglalaban pa rin ito ng mga kapatid nating Muslim? Ano ang nasa likod ng isyung ito?

Rel_sea.preview

Kasaysayan: Ang Pamato ng mga Muslim sa Sabah

Talaga nga namang napakatapang ng Pinoy pagdating sa mga usaping may kinalaman sa lupain, lalung-lalo na kung may historical evidence at may iba pang pruweba. Pero, ano ang pinaglalaban ng mga Pinoy sa Borneo? ANo ang nagbigay motibasyon sa kanila para lumaban sa larong ito?

 1658 nang ipinagkaloob ng Sultan ng Borneo ang Sabah sa Sultan ng Sulu. Ibinigay niya ito bilang pasasalamat sa pagtulong ng sultan sa pag-gapi ng mga kaaway nito. Ibig Sabihin, mismong lider ng Borneo ang nagbigay o nagprisenta ng lupa para gamitin at panirahan ito ng ating mga kapatid.

1878  naman nang nakipagusap ang mga Briton (na noon ay sakop-sakop ang Malaysia) na ipa-arkila ang Sabah sa kanila. Bilang kapalit, bibigyan sila ng mga armas laban sa mga Kastila at taun-taon nila itong babayaran ng 5,000 Malaysian dollars. Nagpatuloy ang pagbabayad ng Malaysian Government hanggang ngayon (ngunit may dagdag na 300)

 1963 naman noong makuha nila sa wakas ang kanilang kalayaan. Nagsimula na rito ang paghahangad nilang maibalik sa kanila ang lupang dati ay kanila. Pero, makatarungan bang bawiin ng isang tao ang kanyang regalo sa kaibigan matapos niya itong pasalamatan?

20tanduo-village
Ang Kalagayan ng mga Pinoy sa Sabah:

Matapang ang mga Pinoy na naninirahan sa Sabah. Kahit na sila’y pilit na pinaaalis ng gobyerno ng Sabah, Sila’y patuloy na lumalaban. Katwiran nila, pinagkaloob na ito sa kanila ng Kasaysayan.

Noong nakaraang mga araw, pinagbintangan silang mga ganap na armado kung kaya natakot ang gobyerno ng Malaysia at baka maghasik sila ng lagim. Ngunit sabi naman ng mga pinunong Pilipino, hindi sila armado. Pinagbintangan na rin sila na nagnanakaw ng mga pagkain sa mga kalapit na bayan. Talagang masama na ang pagtingin ng Gobyerno ng Malaysia sa kanila. Tugon naman ng Gobyerno ng Pilipinas, idadaan nila ito sa diplomatikong pamamaraan. Pero, sana naman ay maaksyunan na kaagad ni P-Noy ang kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino sa Sabah.

sabah-newspapers
“Wala Kayong Dokumento!”

Dokumento naman ang hanap ng gobyerno ng Malaysia. Dahil sa sobrang lapit ng Pilipinas (o Tawi-tawi) sa Sabah, tinatawid na lamang nila ito sa pamamagitan ng bangka. Sa katunayan, masasabi nating “migratory people” ang mga Pilipino sa Sabah ngunit dahil walang mga dokumento na ipinrisenta, itinuturing silang mga ilegal na mga “migrant“. At ang aksyon ng Malaysia rito ay ang pagde-deport sa mga Pinoy na ito sa Pilipinas.

Mga Indonesian sa Malaysia

Hindi lamang tayong mga Pilipino ang pinapaalis ng gobyerno ng Malaysia. Pati mga ilegal na migrants galing Indonesia ay kanilang pinaalis. Dahil magkalapit lang ang Indonesia at Malaysia, ang ilang mamamayang taga-Indonesia ay tumatawid mula sa kanilang bansa patungong Kalimantan, Borneo.

Talagang napakagulo ng sitwasyong ito. Mainit na mainit na pinaguusapan ang isyung ito sa dalawang nagtutunggaling bansa. Ngunit, isa lamang ang nais ng ating mga kababayan– Ang ipaglaban ang dapat ay sa kanila. Natatakot naman ang ating gobyerno na baka magkaroon ng hindi inaasahang karahasan sa pagaagawan sa Sabah. Bagamat handang makipaglaban ang mga Muslim na makuha ang lupaing mula nang sila ay namulat ay kanila nang tinitirhan.

aquino-sona

Pagpapasalamat:

Maraming salamat nga pala kay Alfred Bautista Montano sa suhestiyon na sulatin ko ang artikulong ito. Salamat muli🙂

2 thoughts on “Alamin ang Kasaysayan: Pagintindi ng Sitwasyon sa Sabah”

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s