EDSA

Mensahe ng EDSA Revolution sa mga Kabataan


remembering people power revolution countries in the Middle East bring to mind role mode of people power revolutions EDSA 1

Pebrero 25, 1986, nagsimula ang kolektibong pagkilos ng mamamayang Pilipino laban sa diktaturya ni Marcos. Nagkaisa ang bayan at lumuhod sa harapan ng mga tangke kasama ang hawak-hawak na rosaryo. Nanalangin at nakiusap sa naglalakihang mga sundalo habang kapit-bisig na nagkakaisa. Pinamunuan ito ng nabyudang si Cory Aquino at tumatak ang makasaysayang araw na ito sa buong mundo. Sa pagalala natin sa araw na ito, isinasaalang-alang rin natin ang kaganapan bago pa man kumilos ang bayan. Pero, tila para sa mga kabataan ay nawawalan na ng silbi at kahalagahan ang araw na ito. Malamang, sa mismong oras na ito ay nagdiriwang ang ilan dahil wala silang pasok ngayon. Malamang sila’y nagpapakababad ng ilang oras sa paggamit ng internet at Peysbuk. Malamang gumagala sila sa mga pasyalan o hindi kaya’y namimili ng kung anu-anong pampaganda. Nasaan ang diwa ng pagkakaisa at pagsasakripisyo ng mga kabataan na sa mismong araw na ito, dalawampu’t pitong taon na ang nakalilipas ay ipinaglalaban ang kalayaan ng bayan?

edsa-revolution

Sa paggunita ng ganap na paglaya ng bansa sa militaristikong pamamalakad ni Marcos, hindi lang dapat si Ninoy at Cory ang dapat na alalahanin kundi pati na ang mga kabataang isinakripisyo ang kaligayahan para lang sa bayan. Hindi lang naman kasi ang mag-asawang Aquino ang nagbuwis ng buhay para sa Inang Bayan kundi napakarami pang iba. Isa sa mga pinaka-hinahangaan kong bayani noong Martial Law ay si Liliosa Hilao. Isang magaaral ng PLM at gagradweyt na ng mga panahong iyon. Dahil sa pagmamahal sa bayan, nakisalai siya sa iba’t-ibang organisasyon at lumaban sa diktaturya ni Marcos. Dahil sa katapangang ipinakita ni Lily, sya’y naging mainit sa mga mata ng mga alagad ng gobyerno. Hinuli s’ya at tinorture. Hinati ang katawan, tinanggalan ng utak at tinanggal pati na mga lamang loob matapos nilang gahasain. Labis na ikinalungkot ito ng kanyang mga guro, kamag-aral at mga mahal sa buhay. Kung hindi sana sya namatay, isa na sana syang magaling na lider.

liliosa-picaLiliosa Hilao

Si Constantino Medina naman ang isa ko pang idolo noong panahon ni Marcos. Katulad ni Lily, naginitan rin s’ya ng mga militar. Dahil sa mapanganib nitong adbokasiya para sa mga magsasaka, nanganib ito. Sa pagpupulong ng kinabibilangan nyang samahan, dinakip sya pati na ang kanyang mga kasamahan. Nabalita ito sa dyaryo ngunit pinalabas na mga NPA ang namatay. Nakarating ito sa mga magulang at labis nilang ikinalungkot ang kinahinatnan ng bente otso anyos na si Tinoy. Nang hinukay nila ang puntod, nanlumo ang lahat. Nakitang walang ngipin ang binata at pinutulan pa ng dila. Hindi pa nakuntento ang mga militar, isang beses, napadalaw ang kanyang ina sa puntod ng anak nang may dumaan na trak ng sundalo, sinagasaan ng mga hayup na sundalong ito ang puntod ni Tinoy. Ito ba ang tinatawag nilang disiplina?

390232_498003786886763_356856810_n
Marami pang ibang mga kabataan ang nagbuwis ng buhay. Ang iba sa kanila hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita (tinatawag silang mga desiparecidos o mga involuntary disappearances). Ano ang magagawa nating mga kabataan? Simple lang. Hindi natin kailangan pang ulitin ang sitwasyong mala-martial law para tayo ay magpakabayani. Hindi natin kailangan magbuwis ng buhay. Maramdaman lang sana natin ang kapayapaan at kalayaan na ating tinatamasa ngayon at pangalagaan natin. Huwag nating hayaang may maghahari-hariang pinuno ang mamumuno sa atin. At higit sa lahat, atin nating mahalin ang bayan. Ika nga ni Andres Bonifacio:

“Ang tunay na pag-ibig sa diyos ay ang pag-ibig sa kapwa at sa bayan.”

MABUHAY ANG EDSA REVOLUTION AT MGA BAYANI NG MARTIAL LAW!!!

“Ang lahat ng tao’y mamatay. Ang mahalaga’y hindi kung paano nabuhay kundi para kanino inialay ang buhay.”

– Constantino Medina

Ikaw? Anong ginawa mo bilang pag-gunita sa EDSA revolution? SHARE MO NAMAN! Magkomento sa ibaba.

One thought on “Mensahe ng EDSA Revolution sa mga Kabataan”

  1. I would like to use your photo of EDSA Rev. (the one with Cory Aquino) into my autobiography, do I need to make a formal request?

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s