gen5new

Si Tagle bilang Santo Papa?


gen5new

    Marami sa atin ngayon ang umaasa na sana’y ang susunod na lider ng Simbahan ay ang kapwa nating Pilipino na si Bishop Tagle. Malakas ang pananampalataya ng iba samantalang ang iba nama’y sinasabing ito’y napakaimposible. Sa paguusyoso ko sa ilang mga usap-usapan at mga balita, may posibilidad nga na maging Santo Papa ang Pilipino. Sinabi rin ng isang tanyag na awtor na hindi raw naaalis sa usap-usapan sa Vatican ang pagiging lider ni Tagle.

Ngunit, sa aking perspektibo, bagamat may posibilidad, ngunit imposible. Masyado pang bata si Tagle. Hindi sa sinasabi kong naging klasipikasyon na ngayon ang edad ngunit kumpara naman sa mga nakaraang lider ng simabahan, masyado pang bata ang Pinoy. Isa pa, Europa o kanluranin ang mga nakaraang lider, sa tingin ko, hindi nila hahayaang taga-silangan ang magiging sunod na lider. Hindi pa rin talaga maiiwasan ang ganito pagdating sa pagpili ng isang internasyunal na lider.

pope-benedict

Sa ating mga kababayan, malaking karangalan ang pwestong ito. Ngunit, kung sino mang italaga ng simbahang katoliko bilang lider sigurado namang karapat-dapat at magiging magaling ang kanilang mapipili.

Ang buong mundo ay talaga namang nag-aabang na sa anunsyo ng Vatican sa pagpili ng bagong lider ng simbahan. Naghihintay ang lahat sa magiging desisyon at sana’y mas maging progresibo at maganda ang pamamalakad para sa ikabubuti ng kanilang relihiyon.

2 thoughts on “Si Tagle bilang Santo Papa?”

  1. Kung sino man ang mapipili, kailangang-kailangan niya ng gabay ng Diyos. Hindi lamang isang bansa ang nakasalalay dito. Kung nag-iisip ang mga bobotong kardinal, malabong iboto nila ang kanilang sarili dahil sa bigat ng responsibilidad ng puwesto.

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s