safe_image

Bangayan ng mga Politiko sa Publiko


    Sa mga nakaraang linggo, talagang inabangan ko ang mga balita tungkol sa Sabah. Tinitigil ang mga gawain tuwing ibabalita na ang sitwasyon rito. Kalimitan, kapag hindi pa ito ang balita (lalo na kung tungkol sa mga TraPo), tumatalikod ako’t tuloy sa mga gawain. Nahuli ang aking atensyon sa bangayan ng dalawang politikong orange at lemon. Gusto kong mag-enjoy ng mga oras na iyon kaya napagtripan kong pakinggan at panuorin ang balitang ito. Sayang at hindi ko napanood ng buo kundi sana’y hahagalpak ako sa tawa.

 021613-Front-1-Lim-Erap

               Sa mga ganitong usapan lalabas ang totoong personalidad ng mga politiko. Nagkwentuhan ang interviewer at ang dalawang politiko. Maya maya’y nagkaasaran. Malamang nasobrahan sa lagok ng alak ang mga ito kaya nagawa na lamang nilang magkwento ng tila wala ang kamera. Natawa ako ng husto sa mga sinabi ng orange na tila lango na sa alak. Ikinwento nya ang nangyari sa nagmamakaawang lemon at nakikiusap na isama sa partido ng maaasim na orange. Lalo akong napahagalpak ng tawa sa pangaasar ng malaking orange sa kalabang lemon. Paiyak na raw ito. Mukha silang mga bata. Kulang na lamang e tawagin ng mga ito ang kanilang ina mula sa hukay.

                Halata naman sa dalawa (lalo na sa maputlang lemon) na asar na asar na sila. Kada tira nung isa, mapapangiti ang kalaban na pigil ang inis. Ganun rin sa kabilang panig. Tila nagbabatuhan lamang ito ng mga bato. Imatyur! Naging personalan ang usapin. Umabot pa nga sa pagdamay ng kani-kaniyang mga anak. Nasangkot raw sa bentahe ng droga. E, yun pala, pati naman pala ang anak nya’y nasangkot rin sa transaksyon ng droga! Ane be nemen yen?! Magpaparinig ka na rin lang e, mismong ikaw rin pala’y matatamaan!

                Napaisip ako, gan’to na ba talaga ang politika sa Pilipinas?Maraming nasisira nang dahil sa pagaasam sa kapangyarihan. Dating magkakampi at magkaibigan, nagagawan sa lollipop at natapakan ang kani-kanilang mga ego. Hay naku! Paano pa kaya kung nasa pwesto na! Minsan nga, naiisip ko na lang na huwag na lang iboto ang mga gan’tong sikat na politiko. ‘Yong tipng never heard ang pangalan. Para kahit papano’y maiba namang ang mga mukha sa senado.

photo_1349192923912-1-0

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s