Filipino-families-poor

Magna Carta for the Poor Hindi Maaaprubahan


Kamakailan lang ay sinabi ng ating Presidente na hindi n’ya maaprubahan ang Magna Carta for the Poor dahil sa kakulangan ng badyet ng pamahalaan. Marami ang nagreak sa pahayag na ito ni P-Noy. Ang iba ay negatibo ang naging reaksyon ngunit ang iba naman ay nagsabing makatwiran naman ang paliwanag ni P-Noy.

Ano ba ang Magna Carta for the Poor? Ito ay isang batas kung saan ginagarantiyahan ang mga mahihirap ng pagkain, trabaho, magandang kalidad ng edukasyon at ilan pang mga basikong pangangailangan. Bakit naman hindi inaprubahan ng Pangulo ang Magna Carta? Sa isang pahayag ni P-Noy tungkol rito, sinabi nya na kung pipirmahan nya ito, malamang makakaragdag ito ng pogi points para sa kanya. Ngunit, nakasisigurado sya na hindi n’ya ito maisasagawa. Tama nga naman. Pero kung gusto, maraming paraan. Pwede namang maglaan pa ng badyet para dito at magbawas ng badyet sa ilang ahensya. Katwiran ni P-Noy, tatantsahing 2.32 Trillion ang magagastos ng pamahalaan sa pagpapatayo lamang ng mga pabahay.

Sa nabasa kong komento sa isang artikulo, sinabing tama lamang na hindi aprubahan ng pangulo ang batas dahil magiging labas nito ay ang pagiging depende at palamunin ng mga mahihirap. Nararapat lamang na bigyan sila ng trabaho. Ika nga bigyan mo ang mahihirap ng isda, matutugunan ang panandaliang pagkagutom nito. Ngunit, turuan mo syang mangisda, habangbuhay n’ya iyong hindi ikagugutom. May punto sya rito, ngunit hindi nating dapat isantabi ang iba pa nitong pangangailangan. Sa madaling salita, kailangan at nararapat pa ring aprubahan ng Presidente ang Magna Carta dahil hindi lamang para ito sa kannilang pangagailangan kundi pati sa kanilang karapatan.

Hindi pa naman nagtatapos ang pagpapatupad rito. May pag-asa pa rin na mapipirmahan ito ni P-Noy. Ang problema lang ay kakulangan ng sapat na badyet. E kung bawasan o tuluyang alisin kaya ang pork barrel, baka naman maging sapat na ang kakailanganing badyet para dito. Ano sa tingin n’yo?

philippines-poverty-2009-8-25-4-10-53

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s