82780205

Pagbabasa: Iwas Bagot sa Bakasyon


Bakasyon na naman para sa mga magaaral! Malamang marami sa atin ay nagtatanong sa ating mga sarili kung ano nararapat nating gawin sa bakasyon. Yung iba ay maga-out of town kasama ang buong pamilya. Ang iba ay babawi sa tulog. Ang iba naman ay magpapakababad sa TV at sa internet. Ano nga ba talaga ang dapat nating gawin? Bilang mga kabataan, kahit papaano’y dapat maging progresibo at sulit ang bawat minuto ng ating bakasyon. Para sa akin, ang da best talagang gawin ay ang magbasa. Magbasa ng mga librong hindi  lamang tayo mage-enjoy kundi may mga matututnan rin. Narito ang ilan sa mga nakalista o naka-lineup (pati mga nabasa na) na inirerekomenda kong mabasa ninyong lahat ngayong bakasyon.

Lokal:

Viajero
Sa katunayan ay nabasa ko na ito mga ilang linggo na ang nakalilipas. napakagandang libro nito. Inirerekomenda ko ito di lamang sa mga kabataan kundi pati na rin sa mga matatamdang nagmamahal sa bayan. Ito ay tungkol sa isang batang pilipino na inampon ng isang Amerikano noong panahon ng mga hapon. Nanihan s’ya sa Estados Unidos at doon ay nanaliksik ng mga impormasyonsa kasaysayan ng Pilipinas. Naging interesado at ipinagpatuloy ang pagaaral sa iba’t-ibang bansa. Sa pagsasaliksik, nakakita s’ya ng iba’t-ibang kababayang Pilipino. Ngunit, napagtanto n’ya na dapat s’yang bumalik sa tinubuang lupa at doon ipagpatuloy ang laban na sa mga panahong iyon ay naghahari ang rehimeng Marcos. Ano kaya ang naghihintay sa kanya sa Pilipinas ngayong naransan nya na ang magara at komportableng buhay sa Estados Unidos? Ano kaya ang nasa likod ng kasaysayan ng Pilipinas at pati na rin ang malabong kasaysayan ng lalaking ito? Mahanap nya kaya ang kulang sa kanyang kasalukuyan at nakaraan?

Viajero - F. Sionil

Para Kay B

May kota ang pag-ibig. Apat sa limang umiibig ay sawi. Totoo kaya ito? Naniniwala ka ba rito? Samahan ang awtor sa paghahanap ng kasagutan at kongklusyon sa sinasabing “kota ng pag-ibig”

Ang librong ito ay naglalamang ng limang kwento ng pag-ibig na may napakagandang twist sa huli. Bagay na bagay ito sa mga kabataang naghahanap ng kasagutan sa pag-ibig. Kasama ka ba sa kotang ito?

Para-kay-B-300x225

Tutubi, tutubi, ‘wag kang papahuli samamang salbahe

Isa na namang librong makabayan. Siguradong mage-enjoy at mabubuhay ang pusong makabayan sa pagbabasa ng librong ito. Naganap sa panahon ng kasagsagan ng Martial Law kung saan ang mga kabataan ay naghahangad na makalaya sa kamay ng militar at ng Presidente Marcos. Samahan natin si Jo sa paghahanap ng ganap na pagpapalaya sa Inang bayan.

110full

Bonifacio’s Bolo

Maraming mga impormasyong nilalahad sa librong ito ni Ambeth Ocampo. Hindi lang mismo sa Supremong Bonifacio kundi pati na sa mismong katipuna at kontrobersyang kinakasangkutan nila. Hindi tulad ng mga tradisyunal na paglalahad ng kasaysayan, ginawang buhay na buhay ang paglalahad sa bawat artikulo at pahina ng librong ito. Talagang karapat-dapat basahin ng mga magaaral pati an ang mga matatanda.

Naging interes ko rin ang magbasa ng mga pilosopikal na mga nobela. Hindi lang dahil sa nage-enjoy ako kundi marami rin akong natututunan. Ang mga ito ay ilan sa mga gustung-gusto kong mga libro:

Life of Pi
Nitong nakaraan ay ginawang pelikula ang librong ito. Hindi kataka-taka dahil maganda at puno ng releksyon ang librong ito. Marami ring natanggap na parangal ang librong ito maging ang adaptasyon na pelikula nito.

lifeofpi-cover

Sophie’s World
Sa kabuuan, ang librong ito ay tumatalakay sa kasaysayan ng pilosopiya mula sa mga griyego hanggang sa lumaganap ang pilosopiya noong World War II. Siguro, naiisip n’yo na nakakabagot ang librong ito. Pero hindi! Puno ng mga twist and librong ito. Isang paraan para manatiling nagbabasa ang mga mambabasa. Puno rin ito ng mga repleksyon sa mundo, sa sarili at sa “diyos”. Sino ka? Saan galing ang mundo? Meron ba talagang diyos na kumokontrol sa atin?

Sophies world (2)

Nausea
Isinulat ng isang pilosoper. Tanyan ang awtor na ito di lamang sa larangan ng panunulat kundi pati na rin sa larangan ng pilosopiya. Isinulat ng isa Existensialist na si Jean-Paul Sartre na talagang kilalang-kilala ngayon.

Iba pa;

The Alchemist (Paolo Coelho)

Award winning na libro na isinulat ng isang tinitingalang awtor sa buong mundo.

Eleven Minutes (Paolo Coelho)

Isa sa pinakagusto kong libro ni Coelho. Tumatalakay sa prostitusyon, buhay at pag-ibig.

Catcher in the Rye (J.D Salinger)

Isang klasikong libro na talaga namang mapapaisip ka.

Bilang kabuuan, ilan lamang ito sa mga magaganda at sulit na sulit na basahin ngayong bakasyon.

Nabasa mo na ba ang mga ito? Nagustuhan mo ang mga librong ito? Magkomento sa ibaba!

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s