KKK

Pangitain ng Birhen ng Balintawak sa Katipunan


    Nakilala natin ang Supremong Bonifacio bilang matapang, makabayan, mapagmahal at may pagpapahalaga sa diyos. Sa kabila ng pagiging Mason, nanatili pa rin s’yang may pagpapahalaga sa may-kapal. Isa sa pinakamahalagang aral ni Bonifacio ay ang pagmamahal sa bayan tulad ng pagmamahal sa diyos. Pagmamahal sa kapatid at kapwa ang isa rin sa kanyang mga aral. Ibig sabihin lamang nito ay hindi sya isang rebolusyonaryong matigas at walang puso, ngunit isa syang makatao at mapagmahal na tao.

Marami sa atin ang hindi nakakaalam sa isang milagrong nagsalba ng pagka-aresto nya at ng buong samahan.

Isang araw nang nakituloy sina Bonifacio, Jacinto at iba pang mga kasamahan sa tahanan ni Tandang Sora sa Balintawak, nanaginip si Bonifacio ng isang babaeng kamukha ng birheng Maria ngunit nakasuot ng pilipinong damit. May akay-akay itong bata habang sumisigaw ng “kalayaan!”. Lumapit ang birhen at sinabing huwagsilang pumunta ng Maynila. Nagising ni Bonifacio at ikinwento sa mga kasamahan ang napanaginipan. Kinabukasan nabalitaan na lamang nila na ni-raid ang palimbagan ng opisyal nilang organ na “Kalayaan”.

Kundi hindi nagpakita ang birhen ng Balintawak sa kanyang panaginip, malamang nahuli ang Supremo at naiba ang takbo ng ating kasaysayan.

Sa kwentong ito, naipapakita na dala-dala ng mga katipunero ang birtud ng pagmamahal at pagpapahalaga sa may-kapal. Naging ka-akibat nila ang kanilang pananampalataya sa bawat laban na kanilang tinatahak.
balintawak-22

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s