windows8_610x369

Bakit Ayaw ko sa Windows 8 at iPhone 5?


Nagbukas ako ng youtube account ko (Youtube account) nag-browse ng videos at nanood. Habang nanonood, napansin kong napakaraming pop-up ang lumalabas na halos takpan na ang buong video na pinapanood ko. Tinanggal ko ito at maya-maya’y may lumabas na namang isa (Windows 8 naman ang ad). Tinanggal ko muli ito na parang mga lamok lamang na dumadapo sa katawan ko. Nainis talaga ako noong mga panahong iyon. Ngunit hindi ko sila masisisi dahil hindi naman ako nagbabayad at ito’y pinagkakaloob sa akin “absolutely free”.

Nagbukas ako ng Facebook account at nakitang ang advertisement sa tabi ay iPhone 5. Nabwiset ako dahil magkasunod ang pinakaiinisan kong kumpanya na lumabas sa mga ad. Nang nag-out na ako dahil pagod na akong maglaro at manood, tinanong ko ang aking sarili: Bakit nga ba ayaw ko sa Windows 8 at iPhone 5?

Noong una ay ‘di ko alam ngunit habang nagkakalkal ako ng katwiran sa loob ng aking utak, naisip ko ang mga ito:

Masyadong mabilis ang paglabas ng mga “up-grade”

Siguro ito talaga ang pangunahing dahilan kung bakit ayaw ko sa dalawang ito

Windows 8

Win8-live-tiles

Windows XP, Windows Vista, Windows7, at Windows 8. Naaalala ko, , Windows XP ang gamit sa mga computer shops. Hindi ko alam kung kelan ni-release ito pero siguro mga 2005. Windows Vista ang gamit ko ngayon. Maglilimang taon na itong laptop simula nang ipadala ito ng tita ko mula Amerika. Guess what kung anong version pa ito? Vista Home Basic pa. Kaya nga naiinggit ako sa Windows Vista Prof. at Windows 7 kapag gamit ang Aero Theme. Windows 7 naman ang gamit ng karamihan sa atin. Mas maganda ang design pero parehas lamang. Lumaganap at naging sikat ito noong 2011 (tama ba?). Tapos itong Windows 8, 2012 naman ini-release. Nagrequire ng touch screen para magamit ang mga features ng mas maganda.

Bakit ko ito sinasabi? Sa sobrang bilis ng teknolohiya at sa sobrang tatalino ng alagad ni Bill Gates, napakabilis ng mga upgrades ng Windows. Mga ilang buwan lang noong sumikat at lumaganap ang OS na Windows 7, lumabas na ang bagong Windows 8. Ang tendency nito, bumuli ng mga bagong laptop na touchscreen ang ilan sa atin (lalo na ang mga burgis) para lamang masabing “up-to-date” ang mga gamit. Karamihan sa atin ay hindi makakaya ang presyong pagup-date ng mga gadgets. Ayon sa aking guro, ang reknolohiya, lalo na ang mga gadgets ay kailangang i-maintain, kasama sa pagme-maintain nito ang pagiging up-to-date. Kung ito ang isa sa mga batas ng teknolohiya, paano naman ang masa? Wala na ba silang pag-asa para maki-in sa panahon ngayon? Paano kung mapag-iwanan sila ng panahon?

Ito talaga ang ayaw ko sa teknolohiya. Paunti-unti ang inobasyon para may mailabas pa silang bagong bersyon ng gadget. Buti kung malaki ang ipinagbago att hamak na mas nakatutulong ito sa mga kostumer. Halimbawa na lamang nito ay ang iPhone 5. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas noong naging in ang iPhone 4, lumabas na ang iPhone 5. Parang parehas nga lang e, walang pinagkaiba ang dinagdag lang siguro ay ang nipis nito at laki at ang panorama. Makatutulong ba ang nipis ng cellphone sa atin? Hindi. Eh ang panorama? Hindi rin! Ginawa lang nila ito para masabing may “bago” silang produkto.

iphone5

Minsan naiisip ko kung inobasyon ba talaga ang nangyayari sa teknolohiya. Siguro, oo. Pero kasama ng inobasyong ito ay ang kapitalisasyon. Lumalayo ang agwat ng mahihirap at mayayaman nang dahil sa teknolohiya. Hindi ko sinasabing ayaw ko ang teknolohiya, pero hinay-hinay lang sana. Isipin lang rin sana nila na may mga kapatid sila na gusto ring makatikim ng kanilang pagkain.

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s