112812_Condomunium

Pagsuri sa Nagdaang Tatlong Taon ng Pamamahala


Tatlong taon na ang nakalilipas simula nang ating ihalal ang inaasahan nating makapagbabago ng sitwasyon sa ating bayan. At ngayon, eleksyon na naman. Panibagong pagpapalit na naman ng mga lokal na namamahala pati na ang mga mambabatas. Ngunit, sa nakaraang tatlong taon, may mga pagbabago kayang naganap sa ating mahal na bayan?

“Daang matuwid” isa sa mga mabisang islogan na ipinangako sa atin ng isang kandidato na inilal ng masang Pilipino. Isang napakabisang kampanya na nakahikayat ng marami sa mga Pilipino. Marami ang nasisiyahan sa perfomance ng ating bansa dahil sa iba’t-ibang statistics na ipinrisenta sa atin ng ilang mga survey companies. Ngunit sa likod ng mga napakagandang mga numerong ito, nais nating tanggalin ang make-up rito at dulyapan ang realidad. Kumusta naman ang nagdaang tatlong taon?

MGA POSITIBONG “PAGBABAGO”

                Maraming positibong pagbabago ang naganap sa ilalim ng administrasyon ni P-Noy. Ang mga nakalista rito ay iilan lamang at “highlight” ng administrasyon. (ipagpatawad kung kakaunti lang, hehe)

CCT (CONDITIONAL CASH TRANSFER) AT PANATAWID (PAM)PASADA

                Sa mahal ng mga bilihin pati na ng gasolina, proyekto ng administrasyon ang pagbibigay karagdagang tulong para sa mahihirap. Sa nakita ko, nakatulong ang mga mga ito dahil nakabawas ito sa bigat ng presyo ng gasolina at pangaraw-araw na pangangailngan ng mga mahihirap na pamilya. Nakatulong rin ito sa mga driver ng mga pampubliko o pampaseherong mga sasakyan tulad ng popular na jeepney. Dahil sa proyektong ito ng administrasyon, nakita natin na kahit papaano’y sinusubujan nu P-Noy ang makatulong sa mga mahihirap. Ang mga proyekto ring ito ang ipinagmamalaki sa SONA ng ating pangulo.

ANTI-CORRUPTION

                Isa rin sa pangako ni P-Noy ang hindi masolusyonan na korapsyon. Nabawasan naman kaya? Hindi natin maitatangging napakahirap tuluyag mawaksi ang korapsyon sa ating bansa. Ang korapsyon ay kakambal na ng kahirapan—Mahirap tanggalin sa lipunan.

Marami pa rin akong naririnig na mga politiko (lalo na ng lokal na pamahalaan) na talaga namang walang tigil ang paglimas sa pera ng bayan. Ngunit, sa nagdaang tatlong taon mula nang maihalal si Pangulong Aquino, walang “major” na balita tungkol sa pangongorap ng isang opisyal. Liban na lamang sa isang sangay ng gobyerno na hindi naglahat ng deklarasyon ng ari-arian. Isa itong (maliit) na pagbabago sa unti-unting pagtanggal ng mga korap na politiko. Isa rin ito sa inobasyon o pagbabago na talaga namang pansin na pansin ng masang pilipino.

“PAG-ASENSO” NG EKONOMIYA

                Nitong nakaraang buwan, nabalitaan nating pataas ng pataas ang ating GDP at patuloy na dumarami ang turista at mga dayuhang negosyo na nag-iinvest dito sa ating bansa. Dahil dito, di kataka-takang umuunlad ang bansa sa numero at statistics na isinasagawa ng mga surveys at ilang kompanya.

Ang purong nakikinabang  ng mga numerong ito ay ang mga business sectors at ilan pang sangay ng lipunan na nakatataaas. ‘Di rin naman kataka-taka kung bakit hindi ito nararamdaman ng mga pangkaraniwan at naghihirap na Pilipino.

Sa katunayan nga niyan, higit sa kalahating porsyento ng lipunan ang nagsasabing sila ay mahirap at nakararanas ng gutom. Hindi naman talaga maiiwasana ang kahirapan, pero, sa ating mga nakikita’y parang mataas pa rin ang bilang ng mga naghihirap.

76192_514313008612967_1709393437_n

MGA NEGATIBONG “PAGBABAGO”

                Kung may ilang positibo, mas marami naman ang negatibo. Hindi ko masasabi ang lahat ng mga ito, ngunit susubukan kong mailagay ang pinakanakikita nating lahat.

PAGDEDEMOLISH

Maraming negatibong komento ukol sa isinasagawa ng maraming pribadong lupain. Kung ating mapapansin, ang pagdedemolish ay tila nakakabit na sa administrasyon ni P-Noy. Marami ang nagsasagawa ng mga demolisyon. Marahil ito’y dahil sa mga business at malls na itinatayo ng mga may-ari ng mga pribadong lupain. Ibig sabihin lamang nito ay, sa pagtaas ng GDP ng bansa (dahil sa mga business centers at turismo) kaakibat naman nito ang pagkawala ng tirahan ng mga mahihirap. Mas pinahahalagan ng pangulo ang mga dayuhan kesa sa mga Pinoy na naghihirap dahil sa mga prayoridad niyang ito. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit hanggang sa mababangong numero na lamang ang pag-unlad natin bilang isang bansa (o bilang isang tourist destination).

philippines_demolitions_and_forced_evictions_in_laperal_makati_appear_to_constitute_breaches_of_international_law_may_2011

EDUKASYON: K+12

                Marahil ang iba ay nagsisitaasan ang kilay at nagtataka kung bakit sa negatibo ko inilagay ang K+12. Hindi ko naman ikinakaila na napakaganda ng kurikulum  at ng mga plano ng gobyerno para sa estudyanteng sasailalim sa K+12. Ngunit sa sobrang ganda nito, mukha naman atang imagination lamang ito ng gobyerno’t hanggang plano lamang sila. Halata namang ang kurikulum na ito ay bigla-bigla na lamang na ipinatupad. Para sa akin, ang pagpapatupad nito ay parang “may-magawa-lang”.

DepEd K12

Sinabi ko sa isang artikulo na bawat presidente ng bansa ay binabago ang kurikulum. Na sa tingin ko ay negatibo.

Hihiwalay tayo sa K+12, ano naman kaya ang kalagayan ng edukasyon sa Pinas? Higit sa ating inaasahan, naging negosyo na ang edukasyon sa ating bansa. Mahal ang matrikula ng mga schools, colleges, at universities na agad namang ikipinanlumo ng mga kabataan kasama ang kanilang mga magulang.

Nito lang taong ito, ma isyung pumutok sa mataas na matrikula ng isang tanyag na state university na umabot sa puntong may estudyanteng nilagutan ang sariling buhay. Dahil sa insidenteng ito, nagkumahog ang mga opisyal ng unibersidad at binigyan ng solusyon ang isyu. Kung hindi pala namatay ang estudyanteng ito eh, di pa nila aaksyunan? Tsk, tsk, pinapagalaw na talaga ng pera ang mundo.

PATULOY NA PAGHIHIRAP NG MGA MAHIHIRAP

                Sa kaila ng mga proyekto ni P-Noy sa mga mahihirap, makikita naating patuloy pa rin ang paghihirap ng ating mga kababayan. Hindi lang dito sa Maynila kundi pati na sa rural areas o mga probinsya. Masasabi ba nating pumalpak si P-Noy sa mga ginawa nya? Hindi ko rin ito masasabi. Siguro nga, maaring may pagbabago pero hindi ko alam kung alin sa dalawa ang naganap sa atin bayan—positibo o negatibo.

Pictures

                Sa nagdaaang tatlong taon ni P-Noy, maraming ginawa ang presiddente sa pagbigay ng solusyon sa mga problemo ng ating mahal na bayan (tanong mo pa sa mga taga-Mendiola). Iba rito’y nakapagbago ng ating lipunan, ang iba naman ay naging mahina sa pag-alog ng bato ng pagbabago. Ngunit, sa susunod na tatlong taon (o higit pa,) inaasahan kong magiging maganda ang aksyon ng presidente sa mga problemang ito. At ipinapanalangin ko na magtu-tuon ng pansin ang panglo sa mahihirap higit pa sa pagtuon nya ng pansin sa mga dayuhan at nakakalulang (at nakaka-flatter) numero sa mga statistics. Ika nga, BAYAN MUNA.

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s