2012_11_29_17_49_10

Eleksyon 2013: Kandidatong Pasok sa (aking) Standard


Marami nang mga organisasyon ang nageedorso ng mga kandidato. Mga religious organizations na talaga namang influential. Marami na rin sa ating mga kababayan ang naglilista na ng mga iboboto para sa Mayo 13. Dahil hindi pa ako maaring bumoto, naisip kong gumawa na lamang ng mga listahan ng senador na aking susuportahan at iboboto kung sakili’y akoy makaboboto. At umaasa rin naman akong makatulong sa lahat ng mga boboto sa pagpili ngmga senatorial candidates.

Katulad ng mga manliligaw, ang mga babae’y dapat gumawa ng isang checklist ng mga ideyal na katangian ng lalaki. Sa pagpili ko sa mga kandidato, marami akong isinaalang-alang at umaasa akong makatulong ito para sa pagpili ng “the right one”. Matapos kong magawa ang nasabing cheklist, sino naman kaya ang mga pumasa?

1. Greco Belgica

Isa sa mga nakalagay sa checklist at panibagong mukha ng senado. Gusto kong makakita naman ng mga pagbabago hindi lamang sa ating pagbabatas kundi pati na rin sa mga mambabatas. Nagustuhan ko rin ang mga propaganda ni Belgica at humanga ako sa mga ito. Mukha rin siyang mabait at approachable (dahil nagpapicture pa nga kami sa kanya) at talaga namang nagmula sya sa isang desenteng pamilya (dahil nakilala ko na rin ang kapatid nya).

Greco-Belgica1

2. Teodoro Casino (Teddy Casino)

Nababalitaan nating solid ang suporta ng mga “kaliwa” sa kandidatong ito. Ngunit, isa sa pinakaimportante sa aking listahan ay ang pagiging makabayan at may alam sa katayuan ng ating bansa. Si Teddy Casino ang nakakitaan ko nito.

teddy

3. Francis Escudero (Chiz Escudero)

Sa katunayan, hindi ko talaga alam kung bakit ko s’ya napili. Ngunit simula pa noong bata ako, iniidolo ko na s’ya kaya naman nadala ko ito hanggang sa aking paglaki (pasensya na sa hindi resonableng rason).

chiz-escudero-portrait

4. Risa Hontiveros

Kailangan di ng lakas ng kababaihan sa senado! Isa rin ito sa gusto kong senador, ang may pagpapahalaga sa mga kababaihan. Hindi ko pa talaga gaanong kilala si Hontiveros, ngunit, talagang nahuli nya na ako sa adbokasiya nito para sa mga kababaihan.

risahontiveros

5. Antonio Trillanes

Napili ko naman si Trillanes dahil sya’y isang respetado at ginagalang na politiko. Respetado rin s’ya ng mga tao sa paligid ko simula pa noong bata kaya naman, tulad ng isang kandidatong nabanggit ko noong una, nadala ko ito hanggang paglaki.

trillanes

6. Cynthia Villar

Noong una’y ayaw na ayaw ko sa kandidatong ito dahil sa asawa nitong nasangkot sa maraming isyung pampolitiko, ngunit, dahil sa mga nababalitaan kong proyekto nitong nakatutulong sa mga mahihirap, naging kampante na ako’t pinili ko ang mayamang businesswoman na ito.

CAV-with-background-copy

Kung napapansin n’yo ay di pa talaga kumpleto ang listahan, ngunit, ito lamang anim na ito ang pumasa sa aking listahan. Inaamin kong kulang ako sa kaalaman ukol sa ibang mga hindi popular na kandidato, ngunit, nais ko pa silang makilala, dahil tulad nga ng nasabi ko noong una, kailangan natin ng panibagong mukha at panibagong utak sa senado. Ang iba ay masasabi ko ng trapo kaya hindi ko sila isinama sa aking mga pagpipilian.

Sa kabuuan, sana’y makatulong ito sa ating lahat sa pagpili ng mga nararapat nating iboto, para makamit ang ipinako sa ating “daang matuwid”. Good luck sa ating lahat. Ika nga ni Gloc 9, DAPAT TAMA

May mga komento at hindi pagsangayon? May maidaragdag ka bang mga kandidatong nais mong suportahan? Magkomento na sa ibaba! Tara na’t makialam.

6 thoughts on “Eleksyon 2013: Kandidatong Pasok sa (aking) Standard”

    1. haha, okay lang yun. may tiwala naman ako kay hontiveros kaya nilagay ko. si villar naman, tingin ko naman, may maitutulong din sya. ewan ko lang kay escudero🙂

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s