lUPANG_hINIRANG_HEADER

Sulyap 4: Isang Libreng Pantas-Aral Tungkol sa Script-Writing


Mga ilang linggo ko lamang nalaman na mayroon palang ganitong klaseng pantas-aral na inaalok ng libre. Kaya matapos ko itong malaman, aba’y sinunggaban ko kaagad ang aking notbuk at kaagad na nag-isip ng kwento na maaring maipasa para makalahok sa pantas-aral.

Siguro, halos lahat sa ating mga kabataan ay naghahanap ng maari nating gawin para maging produktibo ang ating huling araw ng bakasyon. Dahil sa nabalitaan ko ito, nasiguro ko sa sarili na magiging maganda at produktibo ang mga huling araw ng bakasyon.

Kung ikaw ay college student o high school student o di kaya’y mas nakatatanda pa, bakit hindi mo subukang dumalo sa tatlong araw ng libreng workshop na ito? Malay mo eh may potensyal ka sa paggawa ng script o ng pelikula. Malay mo ikaw na ang susunod na Ricky Lee o Brillante Mendoza hindi ba?

Ang libreng workshop na ito, (sa nabasa kong isang blog) ay binubuo ng lecture ukol sa scriptwriting film-making, at acting. Mayroong mga ilang sikat at kinapipita-pitagan na tao sa larangan ng paggawa ng pelikula ang magle-lecture at magtuturo ng mga impormasyon sa paggawa ng script at ng pelikula. Kaya, bakit hindi tayo pumunta rito? (Malay mo makapasa ako’t magkita tayo, ehehe)

Narito ang mga impormasyon sa pagsali sa Pantas-Aral:

Hilig mo ba ang magsalaysay ng mga bagay – bagay o di kaya naman, may mga kuwentong nais mahubog at mapaunlad habang naghahanap ng makabagong kaalaman upang mailarawan at maibahagi ito sa isang masining at nakawiwiling paraan?

68588_456702497740548_352245324_n
Ano pang hinihintay ninyo? Tara, makibahagi na!
Sulitin ang pagkakataon at gawing makabuluhan ang mga nalalabing araw ng tag- araw. Halina’t matuto at maglibang habang nililinang at pinagyayaman ang talento’t kakayahan sa ikaapat na taon ng palihang—

“Sulyap: Pagsilip sa Paggawa ng Pelikula 4”

Isang libreng pantas- aral sa paggawa ng pelikula para sa mga mag- aaral man sa hayskul o kolehiyo at maging propesyunal, may edad 15 pataas.

ika- 25 at 26 ng Mayo at ika- 8 ng Hunyo 2013

Lungsod ng Quezon

PARA SA MGA NAGNANAIS MAGPATALA:
Narito ang link ng talaan sa paglahok (application form)
https://docs.google.com/forms/d/1FCHYQgVZFkeDHNxT_0-zWUGa6GQ1nL6zXaK3qyMrAAI/viewform
Ang HULING ARAW ng PAGPAPATALA ay sa ika- 10 ng MAYO 2013, Biyernes.

Para naman sa katanungan at karagdagang kaalaman mangyari lang na makipag- ugnayan kay Bb. Kate Villaflor sa pamamagitan ng email: maskay_project@yahoo.com/ malayangsiningkayumanggi@gmail.com

Paalala:
– Ang “Free Workshop” ay may nakatakdang bilang lamang ng kalahok. (Limited slot only)
– Siguraduhing nasagutan ng maiigi ang talaan ng paglahok (application form).
– Huwag kalilimutan na bukod sa talaan ay may buod ng kuwento (synopsis) kayong ipapasa at dapat ito’y may kaugnayan sa salitang ‘SILANGAN’. SILANGAN– Maaring mangahulugang SIMULA, PAG-ASA, LIWANAG, PAGSIKAT, PAGSILANG o ng ating bansa mismo.
– Ang lahat ng mapipiling kalahok ay makakatanggap ng confirmation email/ text matapos ang huling araw ng pagpapatala.

Mula sa kanilang Facebook Page

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s