KKK

Supremong Bonifacio at ang Mensahe sa Halalan


Mayo 10, 1897 nang pumanaw ang isang magiting at palabang si Andres Bonifacio na nakapagbago naman sa sistema at kalagayan ng ating bansa. Utang natin ang lahat sa ating mga bayani, sa lahat nang natatamasa nating kalayaan ngayon (kung ganap na nga talaga). Mas lalo naman sa bayaning ito. Siya ang nagsimula at nagorganisa ng Katipunan. Ngunit, sa pagkamatay ng ating bayani, tila pawang may ipinahahatid sa atin ang magiting na taong ito. Akalain n’yo nga naman, natapat pa ang 150th birth day sa taon ng eleksyon, at natsempuhan pang ang kanyang death anniversary ay bago mag-eleksyon. May ipinahihiwatig kaya sa atin ang Supremo? Ano kaya iyon? Mababgo ba natin ang sitwasyon ng bansang ating ginagalawan ngayon ayon sa pangarap ng mga bayani?

andres-bonifacio-by-carlos-botong-francisco.jpg

Kung ating natatandaan, ika-10 ng Mayo nang patayin ang ating Supremo ng kapwa n’ya rin Pilipino. Ito raw ay dahil sa pagtataksil o pagbabalak na magtayo ng hiwalay na gobyerno laban sa mga Magdalo na pinamumunuan ni Emilio Aguinaldo. Napakasakit nito di lamang sa kanya, ngunit pati na rin sa ating mga Pilipino. Biruin mo nga naman, kung ating hihimayin, ito ang kauna-unahang post-election violence sa kasaysayan ng ating bansa.

Ilang araw na lamang at death anniversary na ng ating Supremo, at ilang araw na lang rin ay eleksyon na. Ano ngayon ang koneksyon nito sa isa’t-isa? Tila baga, ipinahihiwatig sa atin na sana’y maging mapayapa at tahimik ang darating na halalan. Tila baga, sinasabing nawa’y hindi muling mangyari ang karahasan dulot ng eleksyon. Dahil sa huli’t-huli, tayo pa rin ay mga Pilipino. Hindi natin kailangang manakit ng ating kapatid para lamang sa katayuan at kapangyarihan. Nawa’y maging leksyon na sa atin ang nangyari sa ating Supremong Bonifacio.

Ano ang magagawa natin? Sa lahat ng botante ngayong eleksyon, sana nama’y bantayan natin ang takbo ng eleksyon lokal man o nasyunal. Paano? Sa patuloy na paglago ng mga social media, marami nang paraan upang maisiwalat ang kabalbalan ng mga kandidato. Aktibo rin naman ang midya sa pagsusumbong ng mga ganitong klase ng kadayaan ng mga politiko. Maraming paraan kung talaga namang gusto, ika nga ng isang kasabihan.

Maraming pagbabago ang nais matamo ng ating bayani. Bakit di natin tulungang makamit ang mithiin niya? Suriin natin ang bawat aplikante. Ikaw ang boss at sila ang tagapagsilbi. Huwag mong hayaang mabaliktad ito at pumil ng karapat-daoat na iboboto.

Wag mong ibase sa popularidad, o mga artistang nage-endorse sa kanila. Huwag mong hayaan ang sarili mong bumoto dahil lamang sa palakasan ng tili ng mga babae sa political rallies. Kundi, ibase mo sa mga nagawa nito at mga adbokasiya na isusulong pagkaluklok sa senado o sa kahit anumang pwesto.

Tulungan nating makamit ang kasaganaan at kalayaan na inaasam-asam ng ating bayaning si Andres Bonifacio. Para kahit papaano, sa darating na kaarawan, ay may birthday gift na tayo sa kanya.

Bumoto ng tama, Dapat Tama!

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s