dan_brown_inferno_wallpaper_2_by_hexactinozio-d624gai

Dan Brown: Gates of Hell??


Noong nakaraang mga araw, usap-usapan sa twitter, facebook at media ang sinabi ni Dan Brown sa kanyang librong Inferno na ang Manila raw ay “Gates of Hell.” Umalma rito ang mga Pilipino at lalung-lalo na ang MMDA. Nasabi pa ni Tolentino na kung sakaling gagawa ng pelikula para sa adaptasyon ng libro, hindi raw nila papayagan na sa Pilipinas mag-shooting ang pelikula. Ang mga sinabing ito ni Tolentino ay para lamang madepensahan ang imahe ng bansa at ng Maynila. Sinabi pa nito na walang karapatan si Brown na magkomento ng ganito dahil hindi pa naman s’ya nakakapunta rito sa Maynila. Ngunit naisip ko, paano nga kung magdesisyon si Brown na pumunta rito sa Pilipinas (lalung lalo na sa Maynila), ano kayang masasabi ni Brown sa mga makikita n’ya. Baka mamaya’y mas malala pa ang masabi ng tanyag na manunulat na ito sa dumi at kahirapan na nakikita rito sa urban side ng Pilipinas na Maynila. Trapik pa nga lang e, problema na. Sabi nga ng isang newscaster, mula sa Davao hanggang Maynila ay aabutin ng isa’t kalahating oras sa eroplano ngunit galing Airport (Maynila) hanggang Quezon City ay maaring abutin ng dalawang oras hanggang tatlong oras sa trapik. Sino ba namang mapapasabi ng “Impyerno” sa kalagayang ganoon hindi ba?

 

Sa tingin ko naman, may pinaghugutan si Dan Brown sa pagsabi ng ganun. Bakit hindi na lamang natin tanggapin na ganito naman talaga ang nangyayari sa kalakhang Maynila. Bakit hindi na lang natin gawing hamon ito sa atin. Palibhasa puro depensa lamang naman ang nagagawa ng gobyerno e, bakit hindi na lang gawan ng paraan hindi ba? Bakit hindi na lang maglaan ng sapat na badyet para maimprub ang kalagayan ng Maynila? Para sa ganoon ay magimprub na rin ang tingin ng mga dayuhan sa Maynila. Bakit hindi natin paglaanan ng pansin hindi lamang ng mga Tourist attractions kundi pati na rin yung mga Urban Cities na tulad ng Maynila. Bakit hindi rin natin paglaanan ng badyet ang pagsasaayos ng mga daanan at traffic lights? Konting inisyatibo naman sa parte ng Gobyerno, hindi yung kung saan meroon nang nakapansin dun na aaksyon (o minsan, puro talak lang ang ginagawa, tulad ngayon.)

 

Nito namang nakaraang araw, pinakalma tayo ng isang sikat na awtor na si Paulo Coelho sa pamamagitan ng kanyang tweet na ang ating mga kaluluwa raw ay malapit sa “Gates of Heaven”. Natuwa ang mga netizens sa sinabing ito ni Paulo Coelho at marami ang naging kalmado ang loob. Natuwa rin naman ako sa sinabing ito ni Paulo Coelho. Ngunit, tulad ni Dan Brown, hindi pa rin naman s’ya nakakarating sa bansa eh. Hindi sa nagiging negatibo ako ngunit bumababa na ang moral ng isang Pilipino. Ngunit syempre, hindi na ako magkokomento pa rito.

 

Sa mga komentong ito ng mga dayuhan, kailangan pa nating pagibayuhin pa ang pagtatrabaho para sa ating bansa. Hindi lang ng mga tulad nating ordinaryong tao ngunit, syempre ng mga matataas na tao na may hawak ng pwesto. Sana nama’y makipagtulungan rin sila hindi lang ng mga mamamayan.

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s