941361_475820502495414_2028516749_n

Sulyap 4: Pagtitipun-tipon ng mga Makabagong Filmmakers


Sa palago ng palagong industriya ng pagpepelikula sa ating bansa, hindi kaduda-dudang mayroong mga “new breeds” ng mga filmmakers na umuusbong at nangangarap na mapansin ang mga obra sa pinilakang-tabing, mainstream man o indie. Marami sa mga kabataang ito ay estudyante at patuloy na itinataguyod ang mga pangarap sa pamamagitan ng pagkikwentong biswal o paggawa ng pelikula. Hindi naman nagmimintis ang mga “old timers” na tumulong sa mga “new breeds” ng filmmakers. Nito lamang nakaraang tag-init, muli na namang itinaguyod ng mga kabataan ang kanilang mainit na pagmamahal sa larangang ito sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga pantas-aral na dinaluhan rin ng mga propesyunal na tauhan ng pelikula upang magbigay inspirasyon at magmulat sa pamamagitan ng pagtuturo. Isa sa mga workshop na ito ay ang hatid sa ating ng MaSKay Production (Malayang-Sining Kayumanggi), na tumalakay sa pagsilip sa paggawa ng pelikula. Dinumog ang kanilang inorganisang pantas-aral ngunit tanging tatlumpung mapapalad na mga kabataan lamang ang natanggap.

Ilan sa mga ispiker ng pantas-aral na ito ay mga propesyunal na filmmakers tulad nina Sir Ralston Jover (Kubrador), Direk Pepe Diokno (Above the Clouds), Ms. Alma Concepcion (Babagwa), Sir Carlo Mendoza (Bwakaw), Sir Aped Santos (Baler) at marami pang iba. Ibinahagi nila ang kanilang mga kaalaman sa mga kabataang ito at nagsilbing inspirasyon sa kanila. Matapos ang lektura na kanilang inihatid, binigyan ang mga kalahok ng isang linggong preparasyon para sa kanilang gagawing shortfilm bilang aplikasyon na rin sa lahat ng kanilang natutunan. Mula sa pre-production, sa mismong produksyon, hanggang sa post-production, binusisi ng mga kalahok ang kanilang ginawa. Kaya naman ang mga resulta nito’y magaganda at halatang pinaghirapan. Ilan sa mga entries o shortfilm na ipinasa ng mga kalahok ay ito:

1. Mr. and Ms. Righteous sa Waiting Shed
2. Ako ang Silangan
3. Lente at;
4. Ang Paghihintay

Nagkaroon rin ng mga awards sa msimong araw ng pagpapalabas nito. Ngunit, bago ang ginhawa, dumaan muna sa butas ng karayom ang mga pelikulang ito. May mga huradong humusga sa kanilang mga obra. Ilan sa mga ito ay sina Sir Ching Danseco (Ang Paghihintay sa Bulong), Knowledge Channel Representative (Pelikulab) at si Sir Aped Santos (Baler). Karaniwan ng mga concern ng mga ito ay tungkol sa Production Design at continuity. Sa huli, nasuklian naman ang pagod ng mga kalahok nang i-announce ang mga panalo. Sa bandang huli ng pagbibigay ng mga awards, ang nagwagi ay ang Streetlight Production na may pelikulang pinamagatang “Ang Paghihintay” sa direksyon ni Lourence Carale. Nagwagi rin sina Ace Spencer Apolonio sa walang tulad na paglapat ng musika sa pelikula. Si Shean Dajay sa napakagandang opisyal na musika/kanta ng pelikula (Naghihintay, maari ninyong pakinggan at i-download ang kanta sa pamamagitan ng pag-click ng link na ito). At si Jeanny Burce bilang pangunahing tauhan ng pelikula, at Taga-disenyo ng Produksyon kasama ang direktor na si Lourence Carale.
969485_604882462865084_1378025015_n
Ang mga pelikulang nabanggit ay opisyal na ipapalabas sa publiko sa Nobyembre kasabay ng mga entries ng Halo-halo Indie Film Festival, sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue. Sana po’y magustuhan ninyo ang mga entries ng HHIFF at nawa’y masuportahan pa ang mga gawang Pilipino. Mabuhay ang mga aspiring/amateur at Professional indie filmmakers. Nawa’y makapagpamulat pa ng ibang mga kabataang may pagmamahal sa sining ang mga pelikulang ito.

Kung may mga katanungan tungkol sa pelikula at mga tauhan ng pelikula na binanggit sa itaas, maari lamang pong makipagugnayan sa blog na ito, sa MaSKay o sa mismong may akda ng mga pelikulang ito.

Ispesyal na pasasalamat kina:
Kuya Jojo (Jojo Nadela, bilang isang napakagaling na script consultant ng pelikulang “Ang Paghihintay”)
Prof. Joseph Gannaban (Aming provider ng mga gamit pampelikula, at provider na rin sa gitna ng kawalan, hehe)
Sa MaSKay na hinayaan kaming idiskubre at pagyamanin ang mga talento
Sa aming Gabay na si Kuya Mico Marasigan. Maraming salamat po, talaga
At higit sa lahat, sa Panginoong nagbigay sa amin ng pagmamahal at talento sa larangan ng sining.

One thought on “Sulyap 4: Pagtitipun-tipon ng mga Makabagong Filmmakers”

  1. Maraming salamat din sa pakikibahagi sa Sulyap.🙂 Nawa’y lalo pang lumawak at lumago ang inyong karanasan at kaalaman sa larangan ng pelikula. Palayain ang isip at puso. Mabuhay tayong lahat!

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s