111222222

Si Marcelo H. Del Pilar Bilang Isang Ama


Ipinagdiriwang natin ngayong araw na ito ang araw ng ating mga magigiting na ama. Dahil sa pagtatrabaho nila para sa kanilang pamilya at pagbibigay pinansyal sa mga gastusing-bahay, kailangan natin silang parangalan bilang ating mga ama.

Dahil sa pagiging busy nila sa buong taon, minsan, naiisip ng mga anak, lalo na ang mga batang malayo ang kanilang mga ama sa pamilya, na hindi sila mahal at mas pinapahalagahan nila ang kani-kanilang trabaho sa kabila ng sakripisyong inialay nila para lamang magkaroon ng magandang buhay ang pamilya. Nasa ganitong sitwasyon ang ating bayaning si Marcelo H. Del Pilar. Si Del Pilar ay nagtungo sa Madrid at pikit-matang iniwan ang noo’y bata pang sina Sophia at Anita. Si Marcelo H. Del Pilar ang nagtaguyod at naging editor ng Diariong Tagalog at kinilala bilang ama ng dyornalismo dito sa Pilipinas. Ang hangarin ng kanyang pagsusulat ay upang tuligsain ang simbahan sa mali nitong pamamaraan. Dito pa lamang sa Pilipinas, gumagawa o sumusulat na siya ng mga polyetong nakapagbubukas ng isipan ng mga noo’y tinatawag na “indio”. Tinuligsa niya ang simbahan at gobyerno sa pamamagitan ng pagsusulat at pamamahagi ng mga polyetos sa mga tao. Nang dahil dito’y naging mainit sa mata ang ating bayani at nagdesisyong umalis at magpalamig papuntang Madrid. Ngunit, imbes na tumigil na sa ganitong gawain, dito niya ipinagpatuloy ang pagsusulat laban sa Espanya. Dahil sa taglay na galing sa pagsulat, agad siyang nakakuha ng simpatya ‘di lamang sa kapwa Pilipino kundi pati na ang mga liberal na Espanyol.

Sa kabila ng tagumpay ng hangarin ni Del Pilar, hindi pa rin maikakaila sa ating bayani na nangungulila pa rin sya sa mga anak na sina Sophia at Anita. Iisa lamang ang naging pangunahing tema at paksa ng kanyang mga sulat sa asawa’t sa mga anak– ang pangungulila at paghahangad na makauwi.

Mahirap ang naging buhay ni Del Pilar sa Madrid. Madalas na wala s’yang makaing matino. Maski isang stick ng sigarilyo pampainit ay hindi n’ya kayang mabili/ Talaga namang nakakaawa ang mga ganitong yugto ng buhay ng ating mga bayani. Maski ang iba pang mga propagandista ay nakaranas ng ganitong buhay. Kaya naman nagdesisyon si Del Pilar na umuwi. Sa mga sulat ni Del Pilar sa mga anak, noon pa lamang ay sabik na sabik na nyang mayakap muli si Sophia at makanlong sa kanyang mga binti si Anita. Sinabi pa nito na kung mayroon lamang s’yang sa[at na pamasahe ay dapat na nakapiling at nakauwi na sya sa bisig ng kanyang pamilya, Ngunit, talagang malupit ang naging tadhana ni Del Pilar at hindi na s’ya nakauwing buhay sa bansang Pilipinas. Namatay si Marcelo H. Del Pilar ng gutom, nilalamig at nanghihina ang katawan, naghahanap ng upos ng sigarilyo upang mapainit ang nilalamig n’yang katawan.

Noong nakauwi si Del Pilar ng bangkay na, talaga naman emosyunal ang kanyang mga anak lalung-lalo na ang bunsong si Anita. Umabot pa sa puntong sinisisi nya ang bayan sa pagkawala ng kanyang ama. Hindi nya maintindihan ang hangarin ng ama na “bayan muna”. Parati n’yang tinatanong sa sarili kung bakit puro na lamang bayan ang inuuna ng kanyang ama.

Hindi masama ang naging hangarin ng ating bayani. Samakatwid, naging isa s’ya sa mga bayani na nakipaglaban para sa reporma sa panahon ng pananakop sa Pilipinas. Hindi rin naman siguro pumalya ang sakripisyo niya dahil, sabi nga ni Salud Algabre, walang rebolusyon ang hindi nagtatagumpay. Dahil ang lahat ng ito ay isang hakbang patungo sa pangunahing tuntunin ng mga rebolusyonaryo. Kailangan lamang natin ang pagintindi sa mga ganitong sitwasyon. Ang mundo ay puno ng sakripisuo. Hindi tayo magiging ganito kalaya kung wala ang mga ina at amang katulad ng ating dakilang bayaning si Marcelo H. Del Pilar. Masakit mawalan ng taong minamahal, lalo na kung mawala ito nang dahil sa isang abstract na ideya. Ngunit, ang mga ideyang ito na tinutukoy ay maaring magdulot ng isang napakagandang kongkretong bagay kung saan ang lahat ay masaya at nakikinabang. Tulad na nga lamang ng kalayaan. Kung hindi dahil sa mga taong nagsakripisyo ng buhay, wala sana tayo ngayon sa ating kinatatayuan. Maaring maging submissive na lamang tayo kung hindi sa mga kastila, ay baka sa ibang dayong bansa.

Kung idurugtong natin ito sa kasalukuyang katayuan ng mga ama ngayon, nagsasakripisyo sila sa atin para matamo natin ang ating mga pangarap bilang isang ganap na tao. Kung wala ang kanilang pagpapakapagod, wala sana ako na nagbabahagi ng ganitong kwento, wala ka sana na nangangarap na matupad ang iyong mga pangarap. Sinabi ko nga, ang mundo ay puno ng sakripisyo. Balang-araw, ay magsasakripisyo ka rin tulad ng iyong mga magulang. Sana nama’y ating sulitin ang mga sakripisyong ito ng ating mga magulang at makita nilang tayo’y patuloy na lumalago ‘di lamang sa pisikal na kaanyuan, ngunit pati na sa intelektwal at emosyunal na aspeto. Gawin nating proud ang ating mga magulang sa atin.

About these ads

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s