Pilosopiya: Kagamitan Upang Maintindihan ang Kasaysayan?


Maaring maging isang napakalaking factor ang pilosopiya sa kung ano ang nasa likod ng mga kaganapan sa kasaysayan, at paano natin titingnan ang mga ito. Sa madaling salita, ang papel na ito ay magpapaliwanag kung paano natin pwedeng i-interpret ang kasaysayan sa pamamagitan ng pilosopiya.
Note: Sariling pananaw ko lamang ang mga nakasulat dito.

Magsimula tayo sa umpisa:


Sa kronohikal na pagkakasunod-sunod ng ating kasaysayan (mundo), magsisimula muna ito sa Ancient History, patungong Medieval, Industrial Revolution, Kolonyalismo hanggang sa kontemporaryong mundo (bago at matapos ang mga gera). Lahat ng kaganapang ito sa kasaysayan ay ikinabit ko sa pilosopiya ng dalawang magkabilang dako bilang isang salik sa mga aksyon at ikinikilos ng mga ito.

       Ancient World:
Sa kumbensyunal na pagtuturo ng kasaysayan, nauna at namayagpag sa kasaysayan ang mga asyano bilang unang taong umunlad at nagkaroon ng sibilisayson sa mundo. Nakita natin dito ang pagyabong ng kultura sa pamamagitan ng iba’t-ibang art forms tulad ng biswal at literal na sining. At makikitang lumago ang kanilang sibilisasyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga komunidad o pamayanan at mga tribal groups. Nagkaroon ng mga relihiyon at iba’t-ibang paniniwala na ikinokonsidera natin ngayong mga pilosopiya ng silangan.

Masasabi nating dito na pumapasok ang ideolohiyang asyano sa pamamagitan ng pagtingin nila “collectively.” Naging kalakasan nila ito kaya sila umunlad at lumago bilang isang sibilisadong pamayanan. Ngunit, sa pagdaan ng mga taon, naging kahinaan nila ito (tatalakayin mamaya).

Kolonyalismo:

Sa kabilang dako naman ng daigdig, unti-unting umaangat ang isa na namang sibilisasyon — ang Europa. Nagawa nilang paunlarin ang sarili nilang lugar sa kabila ng kakulangan ng resources. Ngunit, hindi rin nagtagal, dahil sa patuloy na imbensyon ng mga makabagong teknolohiya at pagdami ng populasyon, unti-unti na silang nangangailangan ng mapagkukunang yaman. Dahil dito, naghanap sila ng paraan upang masustentuhan ang kanilang pangangailangan. Nakipagkalakaran sila sa bandang silangan ng mundo kung saan mayaman ang mga likas na yaman. Ngunit, sa panahon ring ito, lumitaw ang mga taong naghahanap ng mga raw materials para sa kanilang pansariling kapakanan. Nakipagkumpitensya sila sa ibang bansa sa pagkuha ng mga ito at sa bandang huli, naglakas ng loob na manakop ng ibang bansa– partikular ang mga asyanong bansa.

Dito na rin pumasok ang western ideology na “individualism” o pagkakanya-kanya. Para sa akin, kompetisyon sa isa’t-isa para sa survival ang nag-udyok sa mga ito kung bakit sila naging ka-agresibo sa teritoryo. Geographically, kakaunti lamang ang kanilang mga likas na yaman na mapagkukunan ng mga raw materials, kaya naman sila naghahanap ng panibagong mapagkukunan.

Sa kabilang banda, kaya ko lamang nasabi kanina na naging kahinaan ng silangan ang kanilang ideolohiya at dahil naging kuntento na sila sa paligid na merron sila. Hindi nila alam ang salitang “kompetisyon” sapagkat, hindi nila kailangan noon dahil sa dami ng kanilang likas na yaman. At marahil dito, naging madaling sakupin ang bansa sa asya.

Pakikipaglaban laban sa mga kalaban (Dayuhan)

Simula pa lamang ng 20th Century, naramdaman na sa iba’t-ibang panig ng asya ang init ng paglaban ng mga asyano sa mga kolonyalistang dayuhan. Kung atin muling iuugnay ito sa ideyang kolektibismo ng asya, muli, naging sandata nila ito upang makabangon at makatayo laban sa mangaapi. Nagkaroon ng kolektibong grupo kung saan ipinaglaban nila ang kanilang karapatan sa kani-kanilang mga bansa. Kumbaga, nagkaroon na sila ng ideya ng “kompetisyon” at ito ang kanilang ginamit na sandata, kasama sa ng kanilang pagsasama-sama laban sa mga “competitive” na dayuhan. Sa madaling salita, bumalik sa mga kanluranin ang talim ng naibatong espada.

Modernong Mundo

Natuto na ang mga asyano sa kanilang mga karanasan. Kaya sa globalisaadong mundong ito, hindi padadaig ang mga bansa sa asya pagdating sa teknolohiya. Nariyan ang Japan, China, Korea, Singapore, at iba pa na namamayagpag sa industriya ng teknolohiya. Ngunit, hindi pa rin nawawala ang orihinal na paniniwala tungkol sa pagiging isa at solidaridad ng gruppo o bansa. Partikular sa Japan. Isa sa mga pinaka-hinahangaan kong pananaw ng mga Hapon ay ang “Western technology, Japanese spirit.” Kumbaga, ginamit nila ang kalakasan ng ibang bansa aat inihalo pa nila sa kanilang ideolohiya na pagkakaisa upang mas mapaganda at mapabuti pa ang kanilang sariling bansa.

Sa paghimay ko ng pilosopiya ng dalawang panig na ito, masasabi kong konektado ang pilosopiya sa kung paano kumilos at gumalaw ang isang bansa o indibidwal. Sa madaling salita, konektado talaga (para sa akin), ang pilosopiya at kasaysayan.

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s