Dugo sa Gulok (Tula kay Andres Bonifacio)


Musmos pa ay ginapos,
ng dayuhang mapagsamantala.
Sinubukang kumawala,
natagpua’y dugo ng kalayaang kapos.

Nagpumiglas at kumawala,
dumanak ang dugong pula.
Labnaw ng damdamin sa dayuhan,
s’yang lapot ng alab sa sariling bayan.

O,tangi kong inang,
walang hihigit pang damdamin,
kundi ang pag-ibig sa tinubuang bayan.
Mamatay man ay sa iyo lamang.

Ngunit sa huling oras,
Bakit ang aking mga kapatid pa?
Dugo’y pumilandit,
sa palad ng aking mga kapatid.

Nilabas ang bakal na itak,
na dapat ay sa dayuhan itarak.
Hinataw ang katawan kong hapo’t nanginginig,
kasabay nito’y habang buhay na pagkawala ng tinig.

image

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s