Tula kay Oryang: Liwanag


Sa masukal na kagubatan,
maging sa matayog na kabundukan.
Patuloy ang pagningas,
ng pag-asang kay ilap madanas

O, mahal kong Andres, saan ka nagtungo?
Sa kagubata’y lahat ay tinungo.
Sa kabunduka’y sinubukang tukuyin.
Ngunit, mahal kong Andres, kay hirap mong tuntunin.

Lumubog ang araw, kumagat ang dilim,
patuloy na naghukay at naghanap.
‘Di naubusan ni isang andap.
Ningas ng pag-ibig, ni minsa’y ‘di nanimdim.

O, Andres, Andres kong mahal,
sadyang kay ilap ng katarungan.
Ibinaba ang patpat, luha’y umagos nang kay tagal.
Walang magawa kundi tumangis sa kasawian.

Sa aking pag-uwi, muli kong nadatnan,
naramdaman at nahawakan.
Malimutan man ay ‘di ko nanaisin
ang huli mong pasabing kay sinsin,

“Oryang, aking pag-ibig, aking mahal,
‘wag mong isiping ako’y lumisang matagal,
ni araw ma’y ‘wag mong isiping ‘di na maaninag.
Dahil ang isa’t-isa ang tangi nating liwanag.”

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s