1353614458-cocacola-christmas-truck-tour-comes-to-stockton_1622326

Paskong Pinoy: Mga Negosyante, Mamimili at ang Kapaskuhan


Ika-24 ng Disyembre, taong 2013. Pasko na nga. Ganap na ika-pito na ng gabi at kakakain ko lamang ng hapunan. Busog na busog na ako. Kahit dalawa lamang ang handa na inihanda namin sa aming tahanan, ayon at napakarami ng pagkain sa hapag-kainan. Ganoon talaga ang mga Pilipino, nagbibigayan ng kung anu-ano kung may okasyon at pagdiriwang.

Sa aking silid-aralan, narito ako’t nagsusulat at nagsusunog ng ilang mga ugat sa utak upang hasain at pandayin. Naririnig ko mula sa aking mga senstibong tainga ang hagik-gikan ng mga bata sa kalye, gayundin ang mga putok ng mga paputok kasabay ng pagdaan ng isang eroplano na madulas na lumilipad sa himpapawid. Sa bandang kanan naman ay naririnig ko ang kalansing mga pangkusinang kagamitan at tagaktak ng tubig mula sa gripo. Hindi rin naman mawawala ang ingay mula sa mga stereo at telebisyon ng aming mga kapit-bahay. Imposible ring mawala ang ingay ng mga bidyoke mula sa maiingay ngunit masasayang tinig ng aming kapitbahay. Sa kabila ng mga ingay na ito na hindi maiiwasan sa panahon ng kapaskuhan, naitanong ko sa aking sarili, ano ang silbi ng kapaskuhan kung ang kasunod na senaryo ay ang muling pagharap sa panibago ngunit kaparehas na tabas ng mga araw? Hindi kaya ito’y porma lamang ng eskapismo ng mga ordinaryong tao? O ‘di kaya’y isang porma ng eskapismo ng mga nagsisimulang negosyante na matapos ang araw ng pasko e, back to normal sa dating kita na paila-ilang daang piso lamang?

1353614458-cocacola-christmas-truck-tour-comes-to-stockton_1622326

Marami ang nagsasabi na ang pasko ay para lamang sa mga tusong negosyante. Bumibili ang mga tao ng mga bagay na hindi naman kinakailangan at dahil sa kadahilanang “pasko naman” nasasabi nilang kinakailangan ang mga ito. S’ya naman ang tuwa ng mga negosyante. Sabi nga ng isang kotasyon, christmas is for the capitalists. Ngunit ‘di na natin naiisip na hindi lang mga kapitalista ang nakikinabang kundi pati tayong mga ordinaryong tao (‘di nga lamang natin nasasabi kung sino ang mas nakakalamang). Kumbaga give and take lamang ito. Kapitalista man o konsyumer ay nakikinabang rin. Masakit mang isipin ngunit ang pasko ay eskapismo lamang nating lahat. Hindi sa sinasabi kong negatibo ang tingin ko sa pasko, ngunit ang ibig ko lamang na sabihin ay iba (sa negatibong paraan) ang ating pagtingin sa kapaskuhan. Ginagawa natin ang pasko bilang isang pagdiriwanng na nangangailangan ng magarbong piging. Magarbong piging na minsan ay hindi natin nakikita ang dahilan ng piging kundi ang piging lamang mismo. Kumbaga, sa isang “concert for a cause” hindi natin iniintindi ang cause ng concert kundi ang concert na lamang mismo. Hindi n’yo talaga ako masisisi kung ganito na lamang ang tingin ko sa pasko dahil iyon ang tingin n’yo sa pasko.

Natauhan ako sa aking iniisip nang marinig ko ang aking telepono na tumunog– si nanay, nagsasabing maligayang pasko. Ibinaba ko ang telepono at tiningnan ang ilang mensahe mula sa mga kaibigan– maligayang pasko raw. Muli akong nag-isip ng aking isusulat. Patlang. Tumayo ako’t naramdaman ang bigat ng aking tiyan. Kinuha ko ang isang aklat na binili ko para sa aking sarili noong isang araw. Tumungo sa silid ng kaginhawaan, umupo at nagbasa. Sabi ko na nga ba’t dito lang tutungo ang pinaghirapan naming haluin at hanguin.

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s