MMFF_LOGO

Ang MMFF at ang mga Mainstream Movie-Goers


 

MMFF_LOGO

Ika-25 ng Disyembre nang lumabas at naipalabas ang mga sining-pelikula na taun-taong pinapanood ng mga Pilipinong. Naging tradisyon na nga ng ilang mga pamilya ang panunuod ng mga pelikula sa MMFF tuwing pasko. Maraming mga magagandang pelikula ang pumasok sa kasalukuyang MMFF at nakasisigurado naman tayo na lahat ng mga ito ay magaganda at may kalidad. Ngunit, mula nang magsimula ang awarding ng MMFF, bakit tila parang magkaiba ang istandard ng mga manunuod at mga eksperto sa pelikula.

Noong nakaraang linggo ay nagkaroon na ng resulta sa mga gantimpala at awards ng mga pelikulang naipalabas sa Film Festival. At tila magkaiba ang resulta ng tinangkilik ng mga manunuod at iba rin sa ekspertong pananaw. Nanalo bilang blockbuster hit ang My Little Bossings ng direktor na si Marlon Rivera at pinagbibidahan ng batikang aktor na si Vic Sotto. Ngunit, sa kabilang banda, ang humakot ng awards para sa MMFF ay ang pelikula ng isang batikang direktor na si Bb. Joyce Bernal kasama ang isa pang batikang aktor na si Robin Padilla. Kung titingnan natin ang pagkakaiba ng dalawang pelikulang ito, ang My Little Bossings ay pinilahan sa takilya samantalang ang pelikula ni Bernal na 10,000 Hours ay hindi gaanong pinansin ng mga Pilipinong movie-goers ngunit sa awards night ay humakot ng maraming pagkilala. Kung titingnan natin ang dalawang pelikula, ang My Little Bossings ay mahihahanay ko bilang isang mainstream o kinasanayan na nating mga pelikula. Samantalang ang samantalang ang 10,000 hours naman ay tumatalakay sa panlipunang isyu na kitang-kita natin ngayon. Oo, masasabi nating ang 10,000 hours ay mas may “lalim” kesa sa isang pelikulang My Little Bossings. Ano kaya ang maaring ipahiwatig ng obserbasyon ko/nating ito? Ibig sabihin ba nito ay kulang pa sa “lalim” sa panonood ang mga Pilipino? Ano kaya ang implikasyon nito sa maaring isipin natin sa mga pangkaraniwang Pilipino na hindi gaanong iniintindi ang mga ganitong tutok-sa-realidad na pelikula?

Ang dahilan naman ng iba dito ay ang pasko ay para sa mga bata. At ang MMFF ay ginaganap tuwing kapaskuhan. Kaya ang tendensiya nito ay manuod ang pamilya kasama ang mga bata, kaya malamang ang papanuorin nila ay mga “pwede sa bata” na mga palabas katulad nga ng My Little Bossings at iba pang mga mainstream na mga pelikula. Tama naman ang kadahilanang ito, sa tingin ko. Ngunit, babalik tayo sa naunang ideya. Isantabi natin ang mga bata. Kahit naman sa mga ordinaryong mga araw at panahon ay tinatangkilik pa rin ng mga Pilipino ang mga “mababaw” (pasensya sa termino) na pelikula. Madalas ay nilalangaw ang mga “indie films” na mas may lalim at mas may sining. Hindi ko sinasabing lahat ng mga mainstream ay mababaw. Marami rin naman ang mga mainstream movies na may lalim (ngunit nilalangaw pa rin). Ano kaya ang determinant ng mga Pilipino sa panonood?

 

Sa tingin ko, ang mga Pilipinong manonood ay bumabase sa mga “artista” na kanilang panunuorin sa sinehan. Mas kilala at tinatangkilik nila ang artista sa telebisyon, mas malaking tsansa na panunuorin nila. Hindi nila mismo tinitingnan ang “kalidad” at lalim ng pelikulang kanilang pinapanood dahil ang dahilan nila, pumunta sila sa sinehan upang mag-enjoy hindi para ma-frustrate. Ganoon nga talaga ang mga manonood, ano? Pero kahit ganoon, hindi ko masisisi ang mga Pilipinong ganito kung mag-isip dahil kahit papaano’y ganito talaga kahirap ang mabuhay sa mundo. Kumbaga ang panunuod ng sine ay isang porma lamang ng eskapismo sa mundong kay hirap pakisamahan.

 

Ngunit, sa kabila ng lahat, ako’y umaasa pa rin na sana’y mabigyang pansin ang mga pelikulang may “lalim” at “laman”. Sana’y tangkilikin rin ang mga pelikulang Pilipino na maari nating ipagmalaki sa ating bansa. Inaasahan ko sa panibagong taon na ito ay maging bukas ang puso at isipan ng mga Pilipino sa kanyang kapaligiran sa pamamagitan ng mas maganda at mulat na midya na katulad ng telebisyon at pelikula.

 

Sa tingin mo ba, ang mga Pilipino ay magkakaroon pa rin ng lugar sa mga artistic films at indie films? Magkomento sa baba at magkoroon ng diskurso! 

3 thoughts on “Ang MMFF at ang mga Mainstream Movie-Goers”

  1. “Nahuli ni Bossing ang kiliti ng pinoy” Kultura kasi ng pilipino ang pagpapa halaga sa pamilya, lalo na sa kapaskuhan syempre importante ang magkakasama ang pamilya at kailangan lahat ay masaya,kaya kung sine ang pag uusapan ay siguradong pipiliin ng buong pamilya ay ang “mainstream” o yung mababaw (korny na movie) pero sa mga bata ay sobrang nkakatawa na yun lalo na yung mga pelikula ni bossing. Syempre bata ang iintindihin natin pra sila sumaya…. Pero kung susuriin nating mga PIlipino kung bawat isa sa ating mga nakakatatanda ang pipili at mag dedesisiyon ng idibidwal eh malamang na yung may lalim ang pipiliin natin gaya ng mga indie films or artistic films or kgaya ng 10,000hrs ang una nting choice..Pamilya kc ang nsa isip ng mga magulang eh kya click na click ang mga mainstream..kung experimento lamang ang gagawain na kanya kanya tayong desisyon sa panonood at kanya kanya tayong pasok sa sinehan wlang ksmang pamilya eh malamang na laglag ang mga korning pelikula na yan, at mamamayagpag ang mga may lalim na pelikula…Magkakaroon pa rin ng lugar yang artistic films or indie films.
    kanya kanya nga lng desisiyon ng pagpili at wlang ksmang menor sa panonood..

    1. May punto ka d’yan, Jack. Ngunit karaniwan, ang mga Pilipino ay lumalabas upang manuod ng sine kapag kasama ang pamilya. Malimit lang tayong makakakita ng mga taong nag-iisa o walang kasamang kapamilya. Dahil para sa mga Pilipino, leisure time ang panunood ng pelikula at kadalasan, ang leisure time ay nilalaan sa pamilya. Ganun kasi tayong mga Pinoy e, filial.

Ano sa Tingin nyo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s