Mga Imbak na Marka: Bonifacio

Ako ay isang bayani

Ako ay isang bayani. Lumaki sa piling ng aking mga magulang at kapatid. Umalis sa piling ng inang bayan at lumabas upang palayain ang isipan. Kahit masakit sa akin ang paglisan, itinuloy ko ito at nangakong balang araw ay muli kong babalikan at ipaglalaban ang kasarinlan ng aking sinilangang bayan.

 

Ako ay isang bayani. Isang ordinaryong taong hinubog ng mapang-aping kapalaran. Nagsakripisyo at naglaan ng dugo’t pawis upang makalabas sa saradong pintuan na iilan pa lamang ang nakakalabas. Pintuan na humahadlang sa atin upang maibalik ang dating sigla at yaman ng ating sariling bayan. Bayan na umaruga at kumalinga sa atin musmos pa lamang.

 

Ako ay isang bayani. Isang bayaning nagdududa at nagtatanong kung bakit ko isinakripisyo ang lahat ng aking panahon at buhay para sa wala. Nagtatanong kung isa bang maling kilos ang aking ginawa isang daan at limampung taon na ang nakalilipas. Nagtatanong kung karapat-dapat ba sa akin at sa bayan ang pagsasakripisyo ng sarili kong buhay. Sa kabila ng paglaya ko at ng buong bayan, bakit tila hindi pa rin ganap ang kalayaan na tinatamasa ng karamihan sa atin ngayon? Bakit tila nasa kamay pa rin ng iba ang kapangyarihan? Natututo ba tayo? O baka naman totoo ang kasabihang paulit-ulit lang ang kasaysayan? Hindi ganito ang aming hinahangad. Nais naming lumaya ang ating bansa, ang ating bayan… na kumalinga at nagmahal sa atin ng buong puso.

 

Ako ay isang bayani. Hinubog ng inang bayan. Nagsakripisyo at nagtiis na mamuhay ng malayo sa kapanatagan at katahimikan. Ipinaglaban ang bayan laban sa mga dayuhan. Ngayon, ganito muli ang nangyayari. Kaguluhan at hindi pagkakapantay-pantay. Magiging bayani ka rin ba?

Kalayaan: Isang Hamon sa mga Pilipino

Laya. Kalayaan. Paglaya. Pagpapalaya. Ilang mga salitang nagmula sa salitang-ugat na “laya” o, sa ingles, “free”. Kung ating mapapansin ang pagkakasunod-sunod, ang kalayaan ang nauna. Ang salitang “kalayaan” ay isang abstract na salita kung saan ay binubuo ng mga ideya at pansariling perspektibo ng isang indibidwal. Sumunod ay ang salitang “paglaya”. Isang salitang maaring naglalarawan ng kasalukuyang aksyon. At ang pinakahuli ay ang “pagpapalaya” na naglalarawan naman ng isang ideyang gagawin pa lamang.

Ang kasaysayan ng Pilipinas ay maaring maihalintulad lamang sa apat na mga salitang ito. Mula sa simula hanggang sa hinaharap. Noong una’y naging malaya tayo kaya naman nabuo ang konseptong “laya” sa ating isipan at damdamin. Namuhay tayong walang limitasyon at may mayabong na sibilisasyon at kultura. Nang du,ating ang mga kastila, nandilim ang ating bayan sa takot at pangamba. Maraming pinagkaitan ng karapatang maging malaya, at ang mas malala, ang karapatan sa ating sariling buhay.  Samakatwid, nawalan tayo ng “laya”. Ngunit, ginamit natin ito bilang sandata upang mabuo ang konseptong “kalayaan”. Nariyan ang mga magigiting na bayaning humubog at pumorma sa isipan upang makamit ang “abstract” na ideya ng “kalayaan”.

Dahil dito sa mga bayaning ito, at dahil sa dakilang diwa ng kalayaan na kanilang hinubog, nakamit natin ang “paglaya” ng ating bansa sa lahat ng dayuhang pwersa, pati na rin sa mapangabusong gobyerno ng bansa. Nakamit nating ang paglaya simula sa pangaagaw ng Espanya, Estados Unidos at mga Hapon sa ating bansa hanggang sa pagiging gahaman ng isang diktador.

“Ganito kami noon. Paano kayo ngayon?” sinabi nga ng isang pelikula ni Direk Romero. Ganito sila noon, pinaglaban ang diwa ng “kalayaan” at nakamit ang “paglaya” ng ating bansa. Ngunit, paano tayo ngayon? Doon na papasok ang panghuling salitang “pagpapalaya”. Hindi naipapamana ang kalayaan ng basta-basta na lamang o nakukuha sa isang konteyner ng madali kung kinakailangan. Ang kalayaan ay ipinaglalaban at patuloy na ipinaglalaban. Dugo’t pawis ang puhunan upang makuhang muli ang kalayaan at sa wakas, ay tayong mga kabataan ay makapagpalaya di lamang ng ating bayan kundi pati na rin ng ating mga kabaro. Trabaho natin, bilang bagong binhi ng ating lahi na lumago at gumanda parang isang tunay na halaman upang makatulong sa ating bayan. Sana nama’y mapagtanto natin sa ating mga sarili ang magpalaya ng mata at isip ng ating kapwa. Upang makamit nating muli ang dakilang diwa ng kalayaan. Upang maipaglaban ang kalayaan na pinaghirapan ng ating mga kapatid sa Inang Bayan.

 

YT6SRP75TSXX

Asyano ka ba? Pilipino? Weh?

    Dalawang lalaking aeta ang sumakay sa isang pampublikong sasakyan sa lungsod. Naka-suot sila ng kanilang katutubong pananamit na may dala-dalang isang sibat. Naupo sila sa bandang likuran ng sasakyan kung saan pumapasok ang mga pasahero. Nang sila’y handa nang umalis, napansin nilang ayaw nang pumasok at sumakay ang pasahero ng dyip. Nagtaka sila dahil nakita nila sa mga mata ng kababayan ang panghuhusga at takot ng mga tao.

Ikinwento ito sa amin ng isang guro ko ngayong kolehiyo. Noong una’y sinabi ko sa sarili na baka ganoon rin ang aking reaksyon kung sakaling nakakita ako ng isang katutubong may dalang sibat. Ngunit, napag-isipan ko, bakit naman ako matatakot, hindi ba? Pareho lamang kaming tao, at magkababayan pa. Ano’ng dahilan?

Siguro, ang iba na nakakita mismo ng pangyayari ay natakot dahil sa kanilang itsura at pananamit, at syempre ng kanilang katutubong gamit. Ngunit, Pilipino rin sila tulad natin, hindi naman sila mga aswang o ‘di kaya ay mga bakulaw. Habang nag-iisip ako, na-realize ko na dahil rin ito sa ating kinasanayang itsura ng isang Pilipino. Hindi sila madalas makakita ng mga ganito, at lalong-lalo na, hindi nila ito ikinasanayan dahil nga nasa isip na nila ang kanluraning ideolohiya at deskripsyon ng isang tao.

“We are not Asians,” sabi nga ng isang napakagaling na nobelista na si F. Sionil Jose, “we are Latinos” patuloy nito. Oo, sa heograpikal na aspeto, nasa panig tayo ng mga Asyanong bansa.Ngunit, sa paliwanag nga ni Jose, ang isip, puso, at diwa ba nati’y tunay na mga asyano?

Wala tayo sa mainland Asia, kung saan naroroon ang mga ideolohiyang asyano. Nakakaapekto kaya ito sa pagtatayo ng kamalayang Asyano, at lalong-lalo na ng kamalayang Pilipino? Paanong masasabing ang isang bansa ay Asyano? At paano ba natin gagawing mula utak Latino, papuntang Asyano hanggang sa maging, Pilipino ang ating pag-iisip?

Unang-una sa lahat, bago natin masagot ang mga katanungan ano nga ba ang ibig sabihin ng “utak” Latino, Asyano, at Pilipino?

ANG PINOY AY RACIST

Sa mga nakataang taon, sa panig ng hilagang kanluran ng mundo, namuo ang tensyon sa pagitan ng mga puti (mga “nakatataas” na lahi) at itim (“nakabababang lahi). Inapi ang mga itim at itinuring na pabigat, mahina at pasakit sa bansang Amerika. Namuo sa utak ng mga puting kabataan na mababa ang kalagayan ng mga itim at talaga namang magagaling at nakatataas ang mga puti. Dahil dito, mas tumindi pa ang pang-aapi sa mga itim.
Nadala ang kaisipang ito sa ating bansa. Sa tulong ng ilang pangyayari sa kasaysayan, itinuring nating mababang uri at mga traydor ang ating mga etnikonggrupo. Inalila ito ng mga Amerikanong sumakop at nang-asar pa na tayo raw ang kanilang “little brown brothers” na labis naman nating ikinatuwa. Nauto nila tayo. Sabi nga ni F. Sionil Jose, nakuha o namana natin ang kanilang mga kapintasan hindi ang kanilang mga positibong katangian. At isa sa mga kapintasan nila ay ang pagiging racist.

SA LRT:

Banyaga: *nakatayo*
Manang: *may bit-bit na bata*
Lalaking Pinoy: (sa banyaga) Ma’am, you can sit here.
Banyaga: You, Filipinos are so polite!

Kelan pa kaya nagkaroon ng ordinansa na magpaupo ng isang banyaga samantalang nasa harapan mo na ang kababayan mong naghihirap? Labo n’yo!

Ang pagka-racist ng mga pinoy ay hindi laban sa mga dayo kundi laban sa mismo nating mga kababayan. Mas ipinagmamalaki natin na may mga dayuhan sa ating lugar kesa sa ating mga kalahing karapat-dapat namang ipagmalaki.

Kung sa Amerika, ang mga puti ay minamaliit ang mga itim, dito naman sa Pinas, mga itsurang “Latino” ang ang tinitingala. Kung napapansin ninyo, halos lahat ng mga itinuturing nating mga “magaganda” ay ang mga mestizo. Maganda o gwapo ka kapag mestiso ka. Angat ka kapag makinis at mapuputi ang kutis mo. Walang papansin sa iyo kung kulay putik ka. Nag-ugat ito noong panahon ng mga Kastila kung saan ang mga Pilipino ay nais maging mga Espanyol. Naipasa naman natin ang kagustuhan nating itoat nadala hanggang sa ngayon. May nagawa ba sa ating maganda? Aba, malay ko sa inyo.

KULTURANG ASYANO

ql2zegqe
2nd year high school ako nang natitigan ko mata sa letra ang mga pahina ng aking libro. May natutunan ba ako? Wala! Hindi naman kasi nagtuturo ng maayos ang aking mga guro, e. Nagpapabilisan lamang kami ng aking kaklase sa pagkopya ng libro sa notbuk. Nananalo naman ako, mabilis akong magsulat e! Ngunit, pinagsisihan ko ang lahat nang ito ng ako’y makatungtong sa kolehiyo (lalong-lalo na nang pinili kong magpakadalubhasa sa kasaysayan). Nanghihinayang ako’t gusto kong ssisihin ang aking mga guto sa A.P 2 dahil mas masaya palang mag-aral kesa kopyahin ang mga nilalamang ng isang buong libro. Mas makulay ang mga salita kung iintindihin at hindi kokopyahin.
Inaamin kong maraming pagkukulang ang ating edukasyon sa bansa. Maraming esensyal na lesson ang hindi nabibigyan man lamang ng kaunting diskusyon sa klase. Kaya naman tulala lamang tayong lahat kung tatanungin ang kaalaman sa ating pagiging asyano.

Ang mga bansang Tsina, India at marami pang iba ang mga bansang nasa sinasabing “mainland asia” kung saam kitang-kita ang yabong ng kulturang Asyano. Ano naman yang “Kulturang asyano” na iyan? Ang asya ay isang kontinente na binubuo ng mga bansa. Ibig sabihin, ang “kulturang asyano” ay ang pinagsama-samang kultura ng iba’t-ibang bansa sa asya–tulad ng Tsino, Indo, at iba pa nanagbibigay sa atin ng identidad bilang isang Asyano. Marami ring naiambag ang mga pinoy sa kulturang ito, ngunit lahat ng ito ay may bahid dayuhan nang dahil sa mga nanakop sa atin.
Eh, ano naman ang kinalaman ng “Kulturang Asyano” sa pagiging asyano natin? Sa isang lugar, nabubuo ang pagiging buo ng bansa kung meroong isinasalin-salin na kaibang tradisyon na magbibigay sa atin ng identidad. Identidad para ,akilala ang lugar na ito na lugar ng mga tagaroon. Sa madaling salita, kung meroon tayong “unique” na kultura o tradisyon na patuloy na isinasalin, patuloy tayong makikilala bilang mamamayan ng lugar na iyon dahil sa dala ng ating kultura. Paano naman masasabing hindi NA tayo kaisa sa pagiging asyano? Kailan masasabing HINDI NA tayo asyano sa puso’t diwa? Simple lang, masasabi nating hindi na tayo asyano kung:

1. wala na tayong kaalaman sa ting kultura’t tradisyon
2. wala nang pakialam o sapat na edukasyon sa kalapit na mga bansang asayno
3. kinakahiya ang ating pagiging asyano
4. hindi tumatangkilik sa sariling atin
5. walang pagpapahalaga sa ating pangkat etniko at;
6. nanggagaya na tayo sa kultura at gawi ng ibang mas maimpluwensyang bansa

IKAW? ASYANO KA BA TALAGA?

“THE FILIPINO SPIRIT”

Bonifacio, Rizal, Aguinaldo, at marami pang iba. Sila at iba pa ang unang nagtayo ng pundasyon sa pagiging “Pilipino” natin. Sa pagsalin nito sa ating mga lolo’t lola hanggang sa atin, alam pa ba natin ang diwa ng pagiging Pilipino? Sa panahon ng internet at teknolohiya, ano na ba tayo ngayon?
Madalas nating marinig ang mga salitang “Pilipino, sa isip at gawa” naitanong na ba natin sa ating mga sarili kung ano nga ba ang kahulugan ng pagiging “Pilipino”? O baka naman hanggang titik at salita na lamang tayo? Sa isang nabasa kong sanaysay (pasensya na’t nakalimutan ko ang pamagat ng sanaysay), nagulat ako nang sinabi ng awtor na ang kahulugan raw ng salitang “Pilipino” sa panahon ni Cory Aquino ay mga “immigrant workers”. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dito noong una. Hindi na rin naman kataka-takang naging mababa ang tingin sa atin ng mga dayuhan. Inihalintulad na tayo sa Mexico na tinuring naman nilang “house servants” lamang. Ito ba’y dahil sa kawalan ng ating konsepto sa pagiging “Pilipino”?

Nakalimutan na nga talaga natin ang depinsiyon ng salitang “Pilipino” na pinaghirapang buuin ng ating mga bayani. Sa panahon ng pananamantala ng mga dayuhan, nagkaisa tayo’t nabuo ang lahing “Tagalog” na pagkakaisa ng mga nagtutulung-tulungan na mga mamamayan ng mga bayan. Dahil dito, masasabi kong ang mga Pilipino ay lahi ng pagkakaisa. “Isa” ba tayo? Hindi ata, ang pagiging isa at buo ay pagkakaroon ng isang pangarap at mithiin. Tinanong ko si tatay, anong pangarap mo? “Makapagtrabaho sa Dubai” eh, si ate kaya? “Makapangasawa ng kano.” Eh, si bunso? Magkaroon ng iPad. “Isa” ba tayo ng hangarin at mithiin? Oo, ngunit laban sa mismo nating bansa.

Ang mga Pinoy ay lahing “Bayani”. Marami tayong bayani. Halos daang libo ang nasa listahan ng mga bayani. Kilala mo ba? Oo, naman! Si Captain America, Iron Man at Spider Man!

“Ang Pilipino ay mga taong nagmamahal, pumoprotekta at nagmamalaki sa bayan at higit sa lahat, ang pagiging Pilipino. Ngunit, ipinagmamalaki ba natin ito sa kabila ng turing sa atin bilang mga “immigrant workers”? Tanungin natin ang mga OFWs.

Banyaga: What country are you from?
Pinoy: A, e, a… wait! I have something to do! Bye!

Ngayon, itatanong ko sa inyo– Ikaw ba’y Pilipino sa isip at gawa?

HINDI PA HULI ANG LAHAT

Bata pa ang ating bansa kumpara sa mga kalapit nating mga bansa. Mayroon pang panahon upang mabago ang ating pagtingin  sa bansa. Ngunit, sana’y kumilos na tayo habang hindi pa huli ang lahat. Paano ba natin sisimulan ang nais nating transpormasyon– mula sa pagiging utak Latino, patungo sa utak Asyano, at hanggang sa maging “Pilipino sa salita at gawa”?

GOBYERNO AT MIDYA

Simulan natin sa Gobyerno. Bakit hindi magpatupad ng batas kung saan maari nating ikalat ang kulturang Asyano at Pilipino. Hindi sa sinasabi kong magkaroon ng panibagong Imelda Marcos, ngunit dapat nating gawing kapana-panabik ang kultura’t kasaysayan ng ating bansa.

Humihina na rin ang mga industruyang pangkultural tulad ng teatro, biswal na sining o pagpipinta, at lalung-lalo na ng TUNAY na musikang PILIPINO (‘di tulad ng mga kantang “OPM” daw ngunit kung makapagbigkas ng salita ay parang “slang”. Tanungin mo kay Mr. Naseyeneenglehet). Bakit ‘di bigyan ng subsidiya ang industriyang ito? O di kaya’y palaganapin sa tulong ng midya. Maimpluwensya ang midya at maaring magtagumpay ito.

EDUKASYON

Ayokong ang susunod na henerasyon e mabaliw na lamang sa mga larangang dayo na hindi naman angkop sa ating bansa. Bakit hindi natin ituro sa mga kabataan ang MASIGLA at puno ng buhay na pagtuturo ng kasaysayan at ng sibika at kultura. Sa pamamagitan nito, malay mo marating ng Pinas ang rurok na hindi naman natin lubos maisip na mangyayari pala.

Kabataan ang pag-asa ng bayan. Tama ito, ngunit, hindi makakaya ng mga kabataan kung wala ang mga matatandang gagabay sa kanila. Hindi lang kabataan ang pag-asa ng bayan kundi, ikaw, ako, si lolo, si lolam si tatay, si nanay, si ate, si kuya at si bunso.  Kung magkakaisa tayong iangat ang ating bayan, sabay-sabay nating makikita ang muling pagsikat ng pag-asa na hindi nakita ng ating mga bayani. Siguro, kapag makamit natin ang pagbabago, magiging kampante at masaya na tayo na makita hindi lamang natin, ngunit pati na ng mga bayaning nagsugal ng buhay– ang iisang pangarap ng nagkakaisang TUNAY na ASYANO at PILIPINO.

Supremong Bonifacio at ang Mensahe sa Halalan

Mayo 10, 1897 nang pumanaw ang isang magiting at palabang si Andres Bonifacio na nakapagbago naman sa sistema at kalagayan ng ating bansa. Utang natin ang lahat sa ating mga bayani, sa lahat nang natatamasa nating kalayaan ngayon (kung ganap na nga talaga). Mas lalo naman sa bayaning ito. Siya ang nagsimula at nagorganisa ng Katipunan. Ngunit, sa pagkamatay ng ating bayani, tila pawang may ipinahahatid sa atin ang magiting na taong ito. Akalain n’yo nga naman, natapat pa ang 150th birth day sa taon ng eleksyon, at natsempuhan pang ang kanyang death anniversary ay bago mag-eleksyon. May ipinahihiwatig kaya sa atin ang Supremo? Ano kaya iyon? Mababgo ba natin ang sitwasyon ng bansang ating ginagalawan ngayon ayon sa pangarap ng mga bayani? Magpatuloy magbasa Supremong Bonifacio at ang Mensahe sa Halalan

Pangitain ng Birhen ng Balintawak sa Katipunan

    Nakilala natin ang Supremong Bonifacio bilang matapang, makabayan, mapagmahal at may pagpapahalaga sa diyos. Sa kabila ng pagiging Mason, nanatili pa rin s’yang may pagpapahalaga sa may-kapal. Isa sa pinakamahalagang aral ni Bonifacio ay ang pagmamahal sa bayan tulad ng pagmamahal sa diyos. Pagmamahal sa kapatid at kapwa ang isa rin sa kanyang mga aral. Ibig sabihin lamang nito ay hindi sya isang rebolusyonaryong matigas at walang puso, ngunit isa syang makatao at mapagmahal na tao.

Marami sa atin ang hindi nakakaalam sa isang milagrong nagsalba ng pagka-aresto nya at ng buong samahan. Magpatuloy magbasa Pangitain ng Birhen ng Balintawak sa Katipunan

Bonifacio sa Pelikula: Paghimay sa Karakter ng Supremo sa Pinilakang Tabing

Nitong nakaraang ika-24 ng Enero, nagkaroon ng isang talakayan o forum sa Unibersidad ng Pilipinas na pinamagatang “Bonifacio sa Pelikula”. Napukaw at nahuli nito ang aking atensyon at nagdesisyong magpunta sa lektura. Noong una’y iniisip ko kung tama ba ang aking desisyon ko sa ipagpalit ang aking klase upang magpunta lamang sa isang talakayan na hindi ko naman alam ang kahihinatnan. Dahil tiwala naman ako sa UP-Likas, pinanatag ko na lamang ang aking kalooban at nagsabing hindi masasayang ang oras ko dito.

483121_570583929636496_225405160_n

Labis na ikinalulungkot ko ang madilim na bahagi ng himagsikang Pilipino. Namatay ang tagabuhay ng dugong nasyonalismo at nagtatag ng Katipunan sa ilalim ng isang Pilipino. Isa lamang na Heneral na Pilipino ang tumapos sa napakahalagang buhay ng ating bayani. Sabi nga nila, kung nabuhay pa si Bonifacio, malamang marami pa itong magagawa, kung nabuhay pa si Bonifacio kesyo ganito, kesyo ganyan. Sa kasaysayan, sabi nga ni Ocampo, mas maganda pa raw halungkatin ang ganitong mga posibilidad. Pero nangyari na ang nangyari, hindi na natin ito mababalikan pa.

Ngunit, hindi naman ito ang pangunahing punto ng forum. Base nga sa titulo, Bonifacio sa Pelikula. Magpatuloy magbasa Bonifacio sa Pelikula: Paghimay sa Karakter ng Supremo sa Pinilakang Tabing

El Presidente vs. Supremo

Dahil sa popular na El Presidente, at sa naunang pelikulang ipinalabas na hindi naman gaanong naging matagumpay – Ang Supremo ni Richard Somes, napagdesisyunan kong pagsabungin ang dalawang pelikula sa ngalan ng pagiging balido ng kasaysayan.

supremo poster           vs.             El Presidente- MMFF 2012 poster-sf

Unang una, ang Supremo. Tila ang pelikulang ito ay pinagplanuhang 2012_12_05_05_5115I-counter attack ang El Presidente. Ngunit, dahil ito’y matuturing na “indie film”, hindi ito naging sikat. Ilang mga kamalian ang napansin ko sa eksena kung saan sinubok ng Supremo si Aguinaldo upang makapasa sa Katipunan. Maraming nagsasabing mga historyador na hindi naman talaga nakapasa si Miong sa sa pagsusulit na ito ng Katipunan. Magpatuloy magbasa El Presidente vs. Supremo

El Presidente: Pagsusuri ng Pelikula

534716_505875116089511_426427054_n

Sa patuloy na pagtaguyod ng mga “BioEpic” na pelikula, napatunayan natin sa ating mga sarili na talaga nga namang mayaman ang kultura at kasaysayan ng bansang Pilipinas. Isa na namang pelikula ang nagpakita ng kabayanihan maging ang katrayduran ng ilan sa mga pangunahing tauhan sa mga mayayabong na yugto ng ating kasaysayan — ang El Presidente. Mula sa memoir ni Aguinaldo ang lahat ng nakasaad sa pelikula, samakatuwid, mula lamang sa perspektibo ni Aguinaldo ang lahat ng nakasaad sa pelikula.

15779_531088600234829_2046503103_n

May ilan-ilan akong mga napansin sa pelikula. Ilan ay positibo at ilan ay negatibo. Sa isang pelikulang pinagkagastusan ng husto, maraming mga aktor na nilalagay sa isang karakter na minsan ay akma, minsan ay hindi. Unang una, magaling ang pagpapakita sa tauhan ni Aguinaldo, magaling ang napiling aktor at nabigyan ng hustisya ang pagka-heneral nito. Maganda rin ang napili nilang Gregorio Del Pilar. Ngunit, sa kabilang banda, napansin kong masyadong matanda na ang nakuha nila para kay Procopio Bonifacio. Masyado ring naging matanda ang gumanap na pangalawang asawa ni Aguinaldo para maging pamangkin ng asawa ng isa sa mga kaibigan ni Heneral Miyong. Maganda rin naman ang nakuhang Bonifacio, ngunit masyadong ginawang kontrabida at masama ang Supremo. Halatang may kinikilingan talaga ang pelikula para kay Aguinaldo. Magpatuloy magbasa El Presidente: Pagsusuri ng Pelikula